TEDDY BEAR

26 0 0
                                    

It was a centralized board meeting ng bigyan niya ako ng regalo. Nakakatuwa, kulay pink, favorite ko. medyo nakakahiya nga kasi di naman kami ganun kaclose textmate lang pero binigyan niya ako ng gift. Di ko na matandaan kung bakit niya ako binigyan ng gift, basta masaya ako.

Hindi ko na siya masyado nakakatext, kaya wala na ako masyadong nababalitaan tungkol sa kanya. Kasama ko mga kaibigan ko at kumakain kame sa tapat ng tindahan. May paparating na tricycle. Bumaba sila sa tapat namin, at noong araw lang na yun ko ulit siya nakita, kasama ang girlfriend niya. Napangiti ako. Nakakatuwa dahil nagkabalikan na sila. Masaya na ulit sila. :) Saglit lang sila at umuwe na agad.

Dumating si *****, ang taong mahal ko. Mabait siya at nagpapasalamat ako dahil tinulungan niya akong maka-move on. Masaya kame, pero mahirap din pala, minsan nakakasakal kahit sobrang bait naman niya. Isang araw, nagising na lang ako na sinasabing hindi ko na siya mahal. After niyang malaman, pakiramdam ko ang laya-laya ko.
Madami akong nakakachat, nakakatext mga taong mahilig mangamusta. Mga classmates na gusto makipagkilala. Nakakatawa, may umamin. Mabait silang lahat, pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong i-offer. Masaya ako ngayon, malaya ang pakiramdam.

Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon kailangan natin ng isang tao para lang masabi na may nagmamahal satin. Madami silang nagmamahal sayo, katulad ng mga magulang, kaibigan. Minsan hindi natin kailangan ng someone special para lamang maging masaya. Sapat ng nakikilala mo ang sarili mo kahit mag-isa ka. Natutuklasan mo kung san ka talaga nagiging masaya.

Hindi sumusuko ang taong tunay na nagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon