CHATMATE

20 0 0
                                    

Gigising. Maliligo. Kakain. Papasok.

Akala ko late na ko. Yung prof pala yung late. Inaantay ang prof sa upuan, maya-maya may tatabi na sakin. Kakausapin aka, titingnan ang mukha ko, manganagmusta at itatanong kung may assignment na ba ako.

UYYYY! Mahal mo?
Sigaw ng mga classmate ko. Sabay tanong sa katabi ko, kung mahal ba ako? Mahiyain siya kaya tatango lang. Hindi ko inaasahan, ang isang tulad niya, main-love sa isang tulad ko. Pero di rin nagtagal, nawala din yun. Hindi kasi kame pwede.

HINDi PWEDE
Ang daming eksena, palaging hindi pwede. Sanay na ko, lalo na sa linyang "kaya kong mag-intay". Mabait naman silang lahat, sincere naman kung titingnan. Pero masaya na ako na kaibigan ko lang sila.

SI TEXTMATE & CHATMATE
Unexpected question-- "musta lablayp?". Nagtext si textmate, nakakatuwa, nakaalala ulit siya. Sabi ko, wala na. Medyo makulit siya, tanung ng tanong kung bakit. Baligtad na ngayon, ako na ang niloloko niya na balikan ko ang taong yun. May klase na ako kaya di na natuloy ang kwentuhan.

After class, uuwe ng bahay. Magbubukas ng laptop at mag-oonline. Online si textmate, kaso di naman ako mahilig mag-buzz ng mga taong alam ko namang busy at mangungulit lang.

NOVEMBER
Palit-palit ng status, parinig kunwari. Nakakatawa. "Mahal kita". Yan ang status niya. BUZZ! Ayan na siya, makikipagkwentuhan ulit. Kamustahan ulit. May nagtext sakin pero hindi si textmate, "ok lang po, kaya ko namang maghintay", famous talaga ang linyang yan. Bigla ko tuloy nakwento kay chatmate. Sabe niya, "pano ako?". Nakakapagtaka no? Ano na naman kaya ang gusto nito? Naisip ko lang yung ginawa niya sakin, tinitrip niya lang ako. Nakakatakot baka maulit ulit. Sagot ko nalang sa kanya, "ha? bkt?". Sagot niya "Inaantay din kaya kita, gusto kita e".Napatawa ako, tama na naman ang hinala ko, trip niya na naman akong lokohin. Sinagot ko nalang ng "hindi pa yun yon, liliko ka pa, tas kakanan". Nainis ko ata sabi niya kasi, "akala mo ba nagbibiro ako?". Seryoso pala si chatmate. "ay! seryoso na pala, sorry".

MAHAL KITA SHARA
Yan ang status niya. Totoo nga. Madalas niya na akong tinetext at kinakamusta. Nalaman ko nalang break na pala sila ng girlfriend niya. Hindi ko na tinanong ang storya, nakakahiya naman.

DECEMBER
Nagyaya ang mga HS & College friends para gumala. Niyaya din ako ni chatmate na gumala, totoo kaya? Ang dame ko pala talagang gala sa buwan na ito. Minsan lang to kasi super busy din ako.

THE DAY BEFORE THE GALA MODE
Paalam kay tita(mother side), wala kasi si tita(father side), nasa bakasyon din. HAAAAY ! Sa dami daw ng gala ko, wag na daw ako gumala bukas. Sayang gala day ko pa naman sana kasama si chatmate. Ok lang naman daw, may piknik din daw sila ng family niya bukas.

THE DAY
Katamad bumangon, wala din namang gagawin at pupuntahan. Bigla nalang naisipan nina tita na gumala, isama ko daw si chatmate. Katuwa naman, ang bilis naman yayain ni chatmate at magpapaalam lang daw siya. Natuloy din kaming gumala, SAWAKAS! :) Masaya naman siyang kasama, ewan ko lang kung nag-enjoy siya na kasama ako. Napakwento ulit siya, gusto daw siyang papuntahin sa Australia, kaso ayaw niya. Nakakapagtaka nu? Kung sa Laguna nga lang daw nahohomesick na siya edi lalo na dun. Biniro ko nalang, edi isama mo ko. Sabe niya, pwede din. Nakwento niya din na gusto niyang magtayo ng restaurant, sabi ko baka naman kapag nagsawa ka pabayaan mo nalang, iwan mo nalang, baka sakin din kapag nagsawa ka, iiwan mo nalang. Natawa siya, lakas na naman ng topak ko. Sagot niya, hindi naman daw siya magsasawa sakin. Naglakad-lakad kame hanggang sa may nakita kameng wishing pond. Binigyan niya ako ng coin, mag-wish daw kami. Nakakatawa, para kaming mga batang paslit, may wish thing. After namin mag-wish, napaisip ako, anu kaya yung winish niya. After ng gala namin, pumunta kame sa kanila kasama ko ang mga tita ko. Nameet ko ang mama niya, nahihiya pa nga ako. After ng kainan at konting kwentuhan, uwian na.

Kararating ko palang sa bahay, may text na agad siya. After ng hapunan, tumawag na siya. Miss na daw ako. Ang galing niya mambola, naisipan ko na namang magpakornihan kame. Mga cheesy lines. Talo ko siya, mas magaling ata ako. Mas korni ako at mas cheesy sa kanya. Natatawa lang siya. Napatanung ako kung ano yung winish niya, secret daw. Pero napilit ko din siya, tatlo daw yung wish niya( di ko na isheshare). Sinabi niya sakin yung dalawang wish, pero yung pangatlo, hindi niya sinabi. Secret lang daw talaga, saka ko na daw alamin.

Ewan ko ba, pero after nun, iba na yung pakiramdam ko. Masarap siyang kasama, madali lang naman palang pakisamahan. Sana nga lang hindi na trip to. Kundi patay siya sakin. Nagbabago pala talaga ang tingin natin sa isang tao kapag talagang nakilala natin sila. Ang gaan ng pakiramdam ko, parang ang tagal na naming magkakilala. Comfortable agad ako na kasama siya. Tanggap niya lahat ng topak ko at kung sino ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na tanggap ka talaga kung sino ka at hindi mo kailangan mag-pretend o maging ibang tao para lang mahalin ka.

Hindi sumusuko ang taong tunay na nagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon