Chapter 9

42.1K 758 40
                                    

"Anak. I missed you!" salubong sa kaniya ng kaniyang mommy ng makababa siya sa sasakyan ng kaniyang kuya dahil ito ang sumundo sa kanila sa airport.

"I missed you too mommy" sobrang namiss niya ito dahil spoiled siya ng mommy niya dahil bunso siya...

"Come to mommy la apo" sabi ng kaniyang mommy ng matapos silang magyakapan... Nag uusap na kasi ang kaniyang daddy at anak niyang si Kyle...

Matapos ang yakap session nilang mag anak ay pumasok na sila sa kanilang mansyon.....

"My apo's bedroom is ready. Pinaayos ko ito ng sabihin sakin ng kuya mo na finally you're going home and pinalinis ko na din ang dating kwarto mo anak!" ngumiti siya dahil ramdam niya ang saya ng parents niya sa pag uwi nila mag iina...

Inayos niya muna ang mga gamit ng kambal bago niya napagdesisyonang pumunta sa kumpanya nila Kiefer. She know that he is there kasi tinanong niya ang kuya niya at dito ay pumasok nga ito.

"Daddy. Pahiram ako ng car " sabi ko sa dad ko na nasa sala nanonood.

"Okay nak kunin mo nalang jan ang susi"

Pagsakay niya sa kotse tinungo niya na ang lugar kung saan niya natuklasan ang pagtataksil ng kaniyang asawa. ipiniling niya lang ang ulo niya para mawala ang scenariong iyon. Isasantabi niya muna ako sakit ng nakaraan para sa mga anak niya. Kailangan niyang makausap si Kiefer para sa mga anak niya.. Hindi siya makikibalikan dito. gagawin niya lang ito para sa mga anak niya.. Iyon lang wala ng iba.

Napabuntong hininga ito ng maipark  ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Andun parin ang sakit pero pansamantala niya muna itong kakalimutan. Biglang pumasok sa isip niya ang masayang mukha ng anak na babae ng sabihin niya dito na uuwe silang Manila para mameet ang kanilang tatay... Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya bago tumungo sa entrance ng kumpanya.

"Good morning maam" bati sa kaniya ng gwardya. Nakilala niya ito dahil meron na ito nung nagtratrabaho palang siya dito....

"Mang Larry. Nagtratrabaho parin po pala kayo dito" sabi niya dito ngunit alanganin lang itong ngumiti na parang hindi siya matandaan. Biglang nanlaki ang mata nito nung mamukahan ata siya..

"Maam Cassandra kayo po pala yan, ang tagal na po kasi nung last ko kayong nakita. Pasensya na po kung diko kayo namukhaan agad. Mas lalo po kayong gumanda "
Natawa naman ako sa inusal nito.

"Kayo naman manong bolero"

"Ay hindi po maam nagsasabi po ako ng totoo "

"Oh siya mauna na po ako may importante po kasi akong kakausapin"

"Sige po maam. "

Nagtungo na siya sa elevator at pinindot ang floor kung saan ang opisina ni Kiefer... Dalawang tao ang nakita niya doon at parehong sekretarya ata ito ng asawa dahil may ginagawa ang mga ito ..

"Ahm. Excuse me" nag angat ng tingin ang mga ito.

"Yes maam? "

"Is Mr. Hidalgo's inside?"

"No maam.. He is in conference room with the board of directors"

"Ah. Okay. Babalik nalang ako"

"You can wait inside maam" wika nito.

Nagtaka naman siya dahil sa pagpapasok sa kaniya ng sekretarya nito. Bakit parang hindi manlang mahigpit ang mga ito. Paano kaya kung babae ng asawa o magnanakaw ang nagtatanong sa boss ng mga ito..

Sinamahan siya pagpasok sa opisina nito at tinanong kung ano ang nais niya inumin...

"Water will do"

Inilibot niya ang tingin sa opisina ni Kiefer. Nothing change. ito parin ang design kung ano ang opisina nito 6 years ago....

Nang maboring siya tumayo siya upang tignan ang mga kung ano ano para lang ma wala ang pagkaboring niya... Nagpunta siya sa lamesa nito at nagulat siya ng makita niya ang picture frame na nasa table nito at picture niya iyon. Kaya pala hindi na masyadong nagtanong ang sekretarya nito kung sino siya dahil kilala pala siya ng mga ito.... Ayaw naman niya ang pag bilis ng tibok ng puso niya dahil sa simpleng letrato niya sa opisina nito.

Nagulat si Cassandra ng biglang pagbukas ng pintuan ng opisina ng asawa. Lumingon siya at sabay ng pagkabog ng puso niya ng masilayan niya ulit ang gwapong mukha ni Kiefer after 6 years...

"C-cassandra, s-sweetie is that you?" utal utal na sabi nito at bakas sa mukha ang pagkalito,gulat,saya ng makita siya nito....

Pilit pinapormal ni Cassandra ang kaniyang mukha dahil ang sadya niya lang naman talaga ay ang ipakilala ang kambal dito....

"K-kiefer" tanging nasabi niya ng sa isang iglap ay nasa loob na siya ng bisig nito.. She missed his hugs,his warm body next to her... Pilit pinatigas ang loob niya. Dapat malaman nito na hindi parin niya ito napapatawad....

"Let go Kiefer. Andito ako para kausapin ka.. "

Mukhang natauhan naman ito...

"Yeah. Sure. Have a seat sweetie"

"Please don't call me by that endearment. My name will do" tumango lang ito at titig na titig sa kaniya na parang anytime ay mawawala siya kapag kumurap ito... Naupo na siya sa single sofa sa loob ng opisina nito...

"I'm here to say that someone wants to meet you"

"Is that our child?"
Tumango lang ako. Hindi pa nga pala alam nito na kambal ang anak nila at sigurado niyang wala di ng nabanggit ang kuya niya dito...

"Yes. Are you free tonight?"

"Yes. Anytime. Bibigyan ko ng oras ang anak natin. Is it a boy or a girl? I can't wait to finally see our child." bigla naman akong nakonsensya sa nakikita kong kasabikan at pangungulila nito sa mga anak namin. Maybe she was wrong when she runaway. Napabuntong hininga nalang siya at nagkwento para narin makilala din nito ang mga anak nila kahit manlang sa pag kwento niya.

"They're twins" nanlaki ang mata nito. at nababasa ang saya....Nagpatuloy siya sa pagsalita..

"Their name are Kyle Mark and Kyla Marie. "

"A boy and a girl" nakikita ko ang pagkasabik nito na makita ang mga anak namin... Oh..

"Yes. They got your features. Wala manlang nakuha sakin. " nakangusong wika niya dito. Narinig niya naman ang pagtawa nito.

"Don't worry. Gagawa tayo ulit ng kamukha mo" namula ang mukha niya sa tinuran nito.

"Kiefer! What are you talking about. I'm just here because our daughter wants to meet you! "

Nagkibit balikat lang ito at hinila siya patayo....

"Let's go to our children now. I can't wait to meet them"

Nagpahila nalang siya dito... Napayuko siya ng nasa kaniya lahat ng tingin ng empleyado nito.

Bumulong ito sa kaniya na ikinatayo lahat ng balahibo niya. All these years apektado parin siya sa presensya nito.

"Don't worry sweetie. Kilala ka nila lahat. Yung mga bago lang siguro ang hindi. Remember when we knew about your pregnancy? I told them that you're my wife"

Namula siya dahil sa init ng hininga nito na tumatama sa kaniyang tenga... This is trouble.. Kailangan niyang dumistansya dito sa mga susunod na araw dahil ayaw niya ang pagbilis ng tibok na puso niya tuwing malapit ito sa kaniya....

A/N: Isa pong dakilang marufok si Cassandra. HAHAHAHAHA. Maging matatag ka Cassadra wag ka gumaya sa karamihan. Joke 😂 Kapag mahal mo daw talaga magiging mahina ka. Is that true?

The CEO's Secret Wife(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon