CHAPTER 1- DEAL

25 2 0
                                    


Mixie P.O.V

Minulat ko ang aking mga mata.

Nilibot ko ang aking paningin sa hindi pamilyar na silid.

"Nasaan ako?"
bulong ko.

"Gising ka na pala"

Napabaling ang aking atensyon sa nagsalita at…………………

O-M-G !!!!!!

Nananaginip ba ko?

Sinampal ko ng paulit-ulit ang sarili ko hanggang sa magsalita siya.

"Anong gingawa mo?"
tanong niya sakin at dahan-dahang lumapit.

O my hearteu!!!!

Totoo na ba to?

Papalapit ngayon sakin si………………
si………………………

KIM MYUNGSOO!!!

"Kyaaaahhhh !"
sigaw ko pero bakit ganon ang sakit ng balakang ko.

"Jusko Mixie gising!"
sabay alog ng kung sino.

Sobrang lapit na sakin ni Kim Myungsoo ng biglang may isang mainit na palad ang dumapo sa pisnge ko * PAK! * kaya agad akong napamulat at napasigaw.

"Aray!"
sigaw ko sabay hawak sa pisnge ko.
Huhuhuhu pakiramdam ko namumula na ito dahil sa sakit.
Ngayon ko lang nalaman na si Mama pala ang sumampal sa akin.

"Ma! Bakit ka ba nananampal!"
sigaw ko kay Mama habang hawak-hawak pa din ang pisnge ko.

"Paano kita hindi masasampal eh nakanguso yang bibig mo papunta sakin! Jusmiyo Mixie ano na naman nangyayari sayo!" sigaw sa akin ni Mama.

Napatakip na lang ako ng tenga ko dahil sa sigaw ni Mama sa akin.
"Ma pwede bang huwag kang sumigaw"

"Paano ako hindi sisigaw ! Eh sinigawan mo din akong bata ka!Nadala lang ako!"
sigaw niya ulit. Kahit kailan talaga tong si Mama napakamabunganga. Kung makasigaw akala mo sa kabilang baranggay ang kausap eh.

"Ma bakit ka ba pumunta dito? Atsaka bakit parang ang sakit ng balakang ko?" tanong ko kay mama at umupo ng maayos pero pinitik ni Mama ang noo ko.

"Aray! Ma kanina ka pa ha , ano bang problema mo Ma?! Bakit ka ba nananakit!"

"Paano ba naman kase sumisisigaw ka na lang dyan , akala ko may masama ng nangyayari sayo dito. At kung nagtatanong ka kung bakit masakit balakang mo. Ayan oh nahulog ka lang naman sa kama mo. Ano ba kase ang mga pinanggagagawa mong bata ka!" panenermon ni Mama sa akin pero sayang akala ko totoo na nangyari yun eh sana naging totoo na lang!!!

"Huhuhuhuhuhuhu"

"Hoy bata ka … bakit umiiyak ka dyan?"
takang tanong sa akin ni Mama.

"Ha umiiyak ba ako?"
takang tanong ko din at hinawakan ang mata ko. Hala may luha nga pero akala ko iniisip ko lang yun.

Ano bay yan nababaliw na ba ko.
Duhhh hindi ako baliw ok , sa ganda kong to magiging baliw. Tsk asa pa.

"Ewan ko sayong bata ka. Mababaliw na ata ako sa mga pinanggagawa mo"
sabi ni Mama sabay tayo at pumunta na sa pinto ng kwarto ko.

"Bumaba ka na rin pagkatapos mong mag-ayos dyan baka ma late ka pa" sabi ni Mama at lumabas na sa kwarto.

Anyways, ako nga pala si Mixie Jean Montenegro maganda syempre pero nagsusuot ako ng glasses dahil ayaw ko ng atensyon sa ibang mga tao dahil sa kagandahan ko hehehe Charotttt…lumalabo na din kase ang mga mata ko kaya nagsusuot ako, alam nyo naman na siguro na madaldal ako, syempre alam niyo halata naman eh, basta kayo na lang bahala ang magdiscover ng iba ko pang katangahan este katangian .

My Crazy Lovey Dovey (On-going)Where stories live. Discover now