CHAPTER 10-TRANSFERY

7 1 0
                                    


Mixie P.O.V

*Ting!Ting!Ting!*

Agad akong napabangon at nauntog pa ang noo ko sa kung ano.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si kuya na may hawak ng dalawang takip ng kaldero.

"Bangon na dyan,kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka pa din,bangon na bilis! Malelate ka na!" sigaw ni kuya at umalis na sa tabi ko.Siguro nga yung takip ng kaldero na hawak kanina ni kuya ang tumama sa noo ko.

Shakit!

Bumangon na ako at pumunta sa banyo.

Nangangamoy pa rin ako dahil sa damit ko.Shems! Hindi pala ako nakapagpalit ng damit ko kagabi dahil antok na antok na talaga ako.

Paano ba naman eh mag-aalas dos na kami nakauwi.Ayaw pa kase ng isang yun umuwi kaya no choice ako kundi samahan siya.

Grabi kase magbanta eh,akala mo siya pa ang babae saming dalawa.Kala mo marerape na eh.Pssh!

*Flashback*

"Paano kung pag-uwi ko mamaya ay may makasalubong akong holdapper tapos may dalang kutsilyo,edi mamamatay ako"

"Bakit ka naman mamatay,wala ka bang kamay para ipagtanggol sarili mo?!"
Parang tanga eh,parang babae na takot sa holdapper.

Kanina niya pa ako pinipigilang umalis,kainis nga eh.Kulang na lang mapasubsob na ako sa sahig ng minimart dahil bigla na lang bang kinapitan yung paa ko.Buti nga wala ng tao dito sa minimart dahil gabing-gabi na,yung mga staffs lang nandito.

"Tanga ka ba,pinilayan mo ako sa braso paano ako makakalaban ha,tsk!" asik niya sakin.

Ay oo nga pala,pssh kasalanan ko nga pala,hay nako!Bakit ko pa kase siya tinulak huhuhuhu.

"Eh ano naman kinalaman ko kung ikaw lang mag-isang umuwi atsaka mag-isip ka nga din village to okay ang alam ko puro lang naman mayayaman ang mga nakatira dito,paano naman magkakaroon dito ng holdapper may guard naman sa entrance ng village!"

Tsk! Paano nga naman magkakaroon ng holdapper dito?

Parang tanga naman kung mayayaman na nga sila manghohold-up pa!

"Aish para ikaw ang magtatanggol sakin kapag may masamang mangyayari" deretsong sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay.

Ala eh.So baliktad na nga talaga ang mundo ngayon.

O-K-A-Y babaeng magtatanggol sa lalake?

Adik ba siya?

Saan ba to nanggaling? Taga ibang planeta siguro tong kausap ko eh.

"Tanga ka ba! Dapat nga ikaw ang magtatanggol sa'ting dalawa eh, ikaw ang lalake diba? Mukha ba akong lalake sa paningin mo?!"

Kainis! Sarap batukan ng paulit-ulit para matauhan eh.

Lalake na ba ako sa paningin niya para magtanggol saming dalawa?!

Sa liit kong to?!

"Bakit lalake lang ba ang pwedeng magtanggol ha,Pssh!"

"Ewan ko sayo! Bakla ka siguro kaya ayaw mong umuwi mag-isa noh,ano ito ba biggest hidden secret mo sa buhay mo,huwag kang mag-alala safe ang secret mo sakin"
nang-aasar kong sabi with matching taas-baba ng kilay.

Nilapit niya naman ng konti niya na para bang may ibubulong.

Magkaharap kase kami sa lamesa.

"Shhh! Huwag kang maingay baka may makarinig"
bulong niya sakin.

My Crazy Lovey Dovey (On-going)Where stories live. Discover now