CHAPTER 2- FIRST MEET

22 2 0
                                    


Mixie P.O.V

'Hoy Babae tumatawag bestfriend mo'ng gwapo ! Hoy Babae tumatawag bestfriend mo'ng gwapo!'

Hmmmmm ano ba yan ang ingay-ingay naman eh!

'Hoy Babae tumata--'
dinamput ko ang cellphone ko at sinagot.

"Hoy babae buhay ka pa ba dyan!! Kase kanina pa ako dito nag-aantay sa labas!! Nangangalay na ang mga binti ko!!!"
napalayo ko sa tenga ang cellphone dahil sa sigaw ni Howen.

Nakapikit pa din ako at inaantok pa.

"Ano bang meron?"
antok kong tanong sabay hikab.

"So nagka-amnesia ka na dyan ngayon! Hindi na ba ako manglilibre! Sige mas ok nga yun eh"
napalaki na lang ang aking mga mata ng maalala ko na ngayon pala ako ililibre ni Howen. Waaaahh lagot!

"Saglit … saglit lang mag-aayos na ako!"
sigaw sa kaniya sabay pinatay na ang cellphone ko at dali-daling pumasok sa banyo at nagmamadaling maligo.

Wala na akong oras kaya kung ano na lang ang mahugot ko sa closet ang sinuot ko.Kinuha ko na rin ang slingbag ko sabay kuha ng phone ko sa kama at nagmamadaling bumaba sa hagdan habang nag susuklay ng buhok. Wala na akong choice eh baka bawiin pa ng lalakeng yun ang libre niya sakin eh sayang naman.

"O Mixie akala ko hindi ka pa gising, pupuntahan na sana kita sa kwarto mo dahil kanina pa naghihintay sayo sa labas si Howen"
salubong sa akin Mama.

"Sige po alis na po ako!"
sabi ko kay Mama sabay halik sa kaniyang pisnge.

Paglabas ko ng bahay ay nakita kong prenteng nakasandal sa sasakyan niya si Howen at parang inip na inip na ito habang nakatingin sa phone niya.

Humarap ito sa akin ng maramdaman ang presensya ko.

"Sorry Wen hin----"
hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumawa ito.

"Waahahhahah a-nong hahhaha n-nangyari dyan s-sa buhok mo hhahahhaha!!"
nauutal niyang sabi habang malakas na tumatawa.

"Tsk! Huwag ka nga dyang tumawa! Eh sa nagmamadali ako eh!"
sigaw ko sakaniya pero tawa pa rin siya ng tawa.

"Hahhahahahah para kang aswang dyan sa buhok mo hahhaha!"

"Tumigil ka na dahil masasapak na kita!" nanggigigil kong sabi kaya tumahimik ito pero halata pa din na nagpipigil ito ng tawa.

"H-halikana ka n-na nga"
nauutal nitong sabi dahil sa pagpipigil niya ng tawa.

"Tsss!"
sabay pasok sa kotse niya.

Sinuklay ko na at inayos ang buhok ko baka kase mamaya pagtawanan din ako ng mga tao sa mall eh.

*after a few minutes*

"Andito na tayo Mix"
sabay alog sa akin ni Howen.

"Hmmm"
at minulat ko na ang aking mga mata.

Nakatulog pala ako, hmm inaantok talaga ako.Nakakainis kase sila Mama at Dad eh ang iingay kagabi yan tuloy hindi ako makatulog.

Nakapark na si Howen kaya lumabas na kami sa kotse.

"Ehem ehem the deal will start in 3…2…1 TINGNINGNINGNING!"
sigaw ko kaya tinakpan agad ni Howen ang Bibig ko.

"Hmmmmmm"

"Huwag ka ngang sumigaw nakakahiya oh pinagtitinginan tayo ng mga tao"
bulong nito sakin.

"Hmmmm pake ba nila"
sabay tanggal ng kamay ni Howen sa bibig ko.

My Crazy Lovey Dovey (On-going)Where stories live. Discover now