Chapter 2 - Alec Brandon

250 15 8
                                    

Napakunot nalang ang noo ni Alec nang makita nya sa living room si Myrtle na kampanteng nakaupo sa   may sofa nila. BAHAY mo??

Ang aga pa para mabwesit..Iwan ba nya kung bakit naiinis sya sa babae na yan na kung manamit halos makita na ang kaluluwa nya.. shorts pa na kulang nalang isang tabas para maging panty.

Hi ALEC! lumapit ito sa kanya. Hindi nya naiwas ang mukha na ng hinalikan sya nito sa pisngi. Good that you are awake.. Kanina pa kita hinihintay dito sa baba.

Sinabi ko bang maghintay ka? piping sambit ni Alec

Do you need anything?

Pinulupot nito ang braso nya sa bewang ng binata. Magpasama sana ako sayo this evening.. maarteng sabi nito.

Inalis nya ang ang kamay ng dalaga saka sya pabagsak na umupo sa sofa.

Tumabi pa! di man lang nakahalata..mga babae talaga.

Wedding anniversary kasi nina tita at tito, wala kasi akong maisip na isama. Pwede ka ba?

He took a deep breath! Ano ako boyfriend mo? I'd like to but i have a meeting tonight with one of our distributor pagpapalusot nya.

Ang sabi ni Tita Andrea tamang tama daw ang pag imbeta ko dahil pinacancel mo kahapon ang meeting mo today?

NApamura sya ng mahina.. Bakit ba sobrang daldal ng tita Andrea nya. Paano na sya makalusot nito? Wala ka ba talagang maisama Myrtle?

Umiiling iling ito na tila nagpapacute.

Okay..napilitan naman syang sumama! tita nya talaga di na napapagod.  What Time?

Mga nine o'clock so hintayin nalang kita sa bahay? Bye I need to buy some clothes pa See you later! humalik ulit ito sa pisngi nya.

Pagkatapos maihatid ng tanaw si Myrtle saka sya ngtungo sa kusina. NAabutan nya ang tita nya na nagluluto ng pagkain. At magpapasundo pa! 

Good Morning Tita.. hinagkan nya ito sa pisngi.

She just smile at him!

Ang tita Andrea nya ang nag-iisang kapatid ng kanyang Yumaong Ina. Ito na rin ang nagpalaki sa kanya mula ng macrash ang kanyang ina sa eroplano when he was age of three. Sa Hacienda PAtricia na sya laging naglagi. May dalawa syang kapatid sa pangalawang asawa ng Papa nya. kaya minsan nakokonsensya kung bakit tumanda na itong  dalaga siguro na rin dahil sa kanya. MAhal na mahal nya ito higit pa sa tunay na Ina. 

Oh nagka-usap na ba kayo ni Myrtle?

Tumango lang sya. at nagsalin ng juice sa baso, kinuha nya ang nutella at dalawang piraso ng slice bread. Bakit mo naman pinapasok ang babaeng yun tita?

Ikaw naman Brandon! alangan namang ipagtabuyan ko sya. Kaya pinapasok ko na eh malay ko naman na hihintayin ka talaga nyang magising.

Pagpasensyahan mo nalang ang babaeng yun pasasaan ba't magsasawa din yan sa kakahabol sayo.

PAtuloy lang sya sa pag aalmusal habang pinapanood nya ang Tita nya na nagluluto.

BAkit ba kasi ayaw mo kay Myrtle, MAganda naman sya, Sopistikada, galing sa mayamang angkan ng Davao at nagtapos pa sa ibang bansa.

Hindi sya ang tipo kong babae!  ang gusto ko yung simple lang.

Naku Brandon yan din ang sinabi noon nina Monique,kay Chevy at kung sinu sino pa yun. Ano ba ang gusto mo yung galing pa sa bundok yung tipo di makakabasag pinggan?

Paulit ulit nalang yan ang isyu nilang magtiya.. Lagi nalang sya nitong pinagtulakan na mag asawa. Keso gusto na daw nyang magka apo. Kahit sinu sino nalang mga babae ang pinakilala nya dito. Matagal na ng isanara nya ang kanyang puso. 

Tumitigil ito sa ginagawa nya..  Lagi kung pinapangarap na sana mabalik na ang mga ngiti mo sa labi Brandon..Hijo alam ko ang kinakatakot mo..

Titaaa AYOKO period..

Brandon gusto ko lang naman ipa intindi sayo na hindi pare pareho ang lahat ng mga babae...Dahil ba sa sinasaktan ka noon ni..

Tita please ayoko ko ng marinig ang pangalan nya..putol nya sa sasabihin nito..

Hijo You have to move on..  Ang tanda tanda mo na.. dalawang taon nalang mag trenta ka na! Aba anong balak mo sa sarili mo Brandon? limang taon na rin ang nakaraan... learn to forget her and get a life hindi yung trabaho nalang ang ina atupag mo.. ..

lumalago naman ang hacienda at kaya na ng mga tauhan natin.. Why don't you give yourself a break! magbakasyon ka..malay mo!

Tumayo nalang sya ayaw na nyang pakinggan ang sinsabi ng tita nya paulit ulit...

Aakyat na po ako Tita! maghahanda pa ako sa lakad ni Myrtle mamaya. 

Sasama ka sa kanya? 

Do I have a choice? Pinahamak mo na ako sa kanya : ( You already told her that I cancel my meeting for tomorrow... pero this would be the last time I would go with her.. sabay talikod sa tiyahin.

He's about to take a shower ng mag ring ang phone nya.. Oh Leslie bakit? What? all the posters are already  printed out at kakasign lang namin ng kontrata and i even given her the down payment... arrange a ticket for me to MAnila bukas. TAwagan mo rin ang manager nya to set a meeting with her...tinapon nya ang Iphone5 nya sa inis.. wasak!! That Spoiled brat...

A/N ahaha basta may ma UD lang :) ...  kakaloka! kakalito pala pagsabayin ang dalawang fanfic! Wala eh napasubo na sa pagsusulat ^^___^^ sana pagtyagaan nyo nalang basahin! Super thank you sa walang sawang kakasabi ng UD na MS. Author ..kakainspire lalo...

One Million Cheque (JALEC Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon