Chapter 14

150 6 0
                                    


Dahil mabait akong tao, I will let you enjoy spending precious time with your friends and your girl.

Sabi nya sa isip nya habang pinagmamasdan sila, bago nya pinaandar ang kotse at umalis sa lugar na iyon.

Aga's POV

Pagpasok ko sa bahay umakyat agad ako sa kwarto para makainom na ng gamot. Nagpalit na ako ng damit pantulog.

Bumaba ako at nagpuntang kusina para kumuha ng panibagong bottled water.

"Mom?!" Gulat kong tanong, inaayos nya kasi ang panibagong laman ng ref.

Tinignan nyako. "O Aga, anak. Kanina ka pa?"

Lumapit ako sa kanya at yinakap. "Kailan ka lang dumating mom? Si dad?"

Bumitaw ako sa yakap. "Kanina lang tanghali, wala ang daddy mo ako lang ang umuwi."

"Oo nga pala ma may sasabihin ako." Natapos na sya sa ginagawa nya kaya binalingan na nya ako.

"What is it?"

"May sasabihin ako bukas."

"Ikaw talagang bata ka, pa thrill pa eh."

"Mooom, I'm not a kid anymore, anong bata bata ka dyan. Baka nakakalimutan mo 28 na ako."

"Yeah you're 28 and yet wala ka pang girlfriend. Baka tatanda kang binata nyan ha."

"Let's see about that. Haha." Kumuha ako ng bottled water sa ref. "Tara na ma, matulog na tayo, alam kong kulang pa yang pahinga nyo."

Umakyat na kami papunta sa kanya kanya naming kwarto and says our good nights to each other.

Pagpasok ko sa kwarto agad kong kinuha ang gamot at papel na resulta ng sakit ko na nakapatong sa nightstand.

Buti nalang at parang hindi pa pumasok si mom dito sa kwarto ko.

Nilagay ko iyon sa cabinet ko kung saan hindi agad makikita.

Nahiga na ako sa kama at agad ding nakatulog.

Ang dali ko ng mapagod ngayon, siguro dala na rin ng sakit kong ito.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock kaya inoff ko yun habang nakapikit pa. Mga 5 minutes pa akong nahiga bago ko naisipang maligo at mag ayos.

Bumaba na ako at naabutan si mom na nagpeprepare ng breakfast namin. "Good morning Mom." Naupo na ako at nagsimulang kumain.

"Good morning, ang aga mo naman."
Naupo na din sya at sinabayan akong kumain.

"Ganun talaga, may pagbabagong naganap eh hehe."

"Asus. Anong bagay ang dahilan ng pagbabagong yan? O mas tamang sabihing sino?"

I let out a chuckle. "Sasabihin ko mamaya, for now kailangan ko ng umalis. Bye mom, I'll see you later." Tumayo na ako, hinalikan ko muna sya sa sentido bago ako umalis para sunduin ang babaeng mahal ko bukod kay mommy.

Nandito na ako sa tapat ng bahay nina Lea. Bumaba ako sa kotse at nagdoorbell. "Good morning si Lea?" Tanong ko sa katulong

"Magandang umaga po sir nasa loob pa po si ma'am. Halika po tuloy, pasok na muna kayo." Pumasok na ako. Dinala nya ako sa loob ng sala at pinaupo doon.

"Good morning ma'am." Bati ko sa mama nya na nasa sala din, nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning and please drop the word ma'am. Call me tita instead." Ngumiti ako dun sa sinabi nya.

Sakto namang pababa na si Lea.

"Good morning babes. Ma alis na kami." She kiss her mom's cheek bago kami lumabas.

First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon