Chapter 4

178 5 0
                                    

Lea's POV

Days have passed at naging mas close pa kami sa isa't isa ni Aga. Natapos na din ako sa mga sketches para sa gagamitin. Kasalukuyan ng ginagawa ang structure.

*Ring ring*

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa nasa kwarto ako ngayon. Tinignan ko ang caller ID.

"Yes Chard, napatawag ka?"

("Lei, asan ka? Busy ka ba ngayon?")

"Hindi naman, nasa bahay lang ako bakit?"

("Umm pwede mo bang puntahan si Aga? Mukang nagkatrangkaso eh kaya umuwi at tsaka wala kasing nag aasikaso sa kanya, wala yung parents nya pumunta sa ibang bansa. Ayaw din naman nyang inaasikaso sya ng mga katulong nila. Busy din kami.")

"Ganun ba. Sige ako nalang pupunta sa kanya."

("Sige Lei salamat talaga. Bye.")
Tapos binaba na nya ang tawag.

Tumayo na ako at nagbihis. Tiningnan ko din ang orasan 3:45 pm. Nang matapos na ako ay nagpaalam ako kila mama na may pupuntahan na muna ako.

Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta kila Aga. Actually few blocks away lang naman ang bahay nila samin. Kaya madali lang akong nakarating.

Bumaba na ako sa kotse at nagdoorbell maya maya pa ay pinagbuksan na ako. "Magandang hapon po. Bibisitahin ko po si Aga." Sabi ko

"Magandang hapon din po ma'am halika pasok ma'am. Nasa kwarto po si sir." Sabi nya tapos sinamahan nya ako papunta sa kwarto ni Aga.

Nandito na kami sa loob ng kwarto ni Aga. Lumapit ako kay Aga. " Manang pwede pong pakuha ng bimpo, maligamgam na tubig, gamot, tubig na maiinom at lugaw." Sabi ko

"Sige po ma'am." Tapos umalis na sya umupo muna ako sa edge ng kama. Maya maya pa ay nandito na si manang. Nagpasalamat muna ako bago nya kami iwan.

Umupo ako sa gilid ni Aga. Inilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo nya pero agad ko ding nailayo. Shet ang init nya.

Kinuha ko na ang bimpo na nasa tubig at pinunas sa kanya. Habang pinupunasan ko sya hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha nya.

Ang amo pala ng mukha nya ngayon ko lang napansin, siguro dahil hindi ko naman masyadong inoobserbahan ang mukha nya.

Natapos na ako sa pagpunas sa kanya. Hinaplos ko ang pisnge nya. "Ags? Gising ka muna." Tapos hinaplos ulit.

Medyo bumukas yung mga mata nya tsaka tumingin sa akin na parang ina analyze kung sino ako. Nang makilala na nya ako ay bumukas na ng tuluyan ang mga mata nya .

"Lea? What are you doing here?" Medyo paos yung boses nya.

Ngumiti ako ng malumanay sa kanya. "Bangon ka muna para makakain at makainom ka na ng gamot." Sabi ko tapos tinulungan ko syang umupo.

Pinainom ko muna sya ng tubig tapos kinuha ko yung lugaw sa gilid ng kama nya at sinubuan sya.

Inilapit ko ang kutsara sa kanya na may lamang lugaw. Tapos kinain nya nag scoop na naman ako ng bago nung umangat ang tingin ko sa kanya ay nakatitig lang sya sakin.

"Bakit, hindi ba masarap? Gusto mo papaluto nalang tayo ng iba?" Tanong ko, umiling lang sya at kinain na yung lugaw na nasa harapan nya. Nang naubos na ay pinainom ko na sya ng gamot.

Tinulungan ko syang mahiga ulit tapos inayos ko yung comforter nya. I'm caressing his hair para makatulog na sya. Tatayo na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Don't leave me please. Wag mo kong iwan." Sabi nya habang nakapikit.

Para akong nakaramdam ng kuryente, tinignan ko yung kamay namin. Umayos nalang ulit ako ng upo, half body ko nakahiga ganun.

"Tulog ka na hindi naman kita iiwan. Pagaling ka kaagad ha." Sabi ko while caressing his hair. I hummed a song kaya nakaramdam ako ng antok. Nahiga na lang ako sa tabi nya inaantok ako eh, panay hikab ko. Tapos nakatulog na ako.

Aga's POV

Nagising ako ng nakaramdam ako na parang may nakapatong sa tyan ko. Medyo ok na yung pakiramdam ko kumpara kanina. Tinignan ko kung ano yun, kamay pala. Lumingon ako sa gilid ko medyo nagulat ako.

Si Lea nasa tabi ko mahimbing na natutulog. Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya yung kamay nya nakapatong sa tagiliran ko.

I'm watching her while sleeping. Ang ganda nya talaga she looks so innocent while sleeping. I caressed her chubby cheek. So soft...

Am I falling inlove with her? What if ligawan ko sya? Will she accept or reject me? Bahala na kung anong magiging resulta basta liligawan ko sya. Mas mabuti ng sumugal kesa naman sa hindi baka panghinayangan ko pa.

Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako.

_________

Ang posisyon nilang dalawa habang natutulog ay nakaharap sa isat isa. Yung kamay ni Lea nasa tagiliran parin ni Aga. Yung kamay naman ni Aga nasa cheek part parin ni Lea.

Naalimpungatan si Lea dahil nakaramdam sya ng vibrate sa bulsa nya. Binuksan nya yung mga mata nya at nagulat. Tinignan nya ang kamay nya na nasa tagiliran ni Aga, tinignan din nya ang kamay ni Aga na nasa pisnge nya.

Binawi nya ang kamay nya tapos dahan dahan ding inalis kamay ni Aga sa kanya. Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa tsaka umupo

From : Mama

Anong oras ka uuwi?

Tiningnan nya kung anong oras na. Nagulat naman sya at 7:50 pm na.

To: Mama
Pauwi na po ako ma.

Matapos masend ay medyo gumalaw si Aga kaya napunta ang atensyon ni Lea sakanya.

Lea caressed his hair para magising. "Ags mauna na ako ha. Take care of yourself. Kumain ka na rin sa baba." Sabi ni Lea

"What time is it?"

"7:50 na. Halika kumain ka na bumangon ka na dyan." Sabi ni Lea

Bumangon naman si Aga at sabay silang pumunta sa baba. Nasa dining area na sila. "Kumain na tayo Lei, alam kong gutom ka na." Sabi ni Aga

Umiling lang si Lea. "Hindi na nakakahiya naman tsaka hinihintay na kasi ako ni mama." Pagkatapos nyang sabihin yun ay kumalam yung tyan nya na narinig din ni Aga.

Bahagyang natawa si Aga. "Sige na wag kanang mahiya. Sabayan mo na ako, nagwawala na yung tyan mo eh."

Sa huli ay pumayag na si Lea. At sabay na silang kumain. Nang tapos na sila ay hinatid na ni Aga si Lea sa labas ng gate.

"Ingat ka Lei ha, salamat sa pag alaga." Sabi ni Aga

"Salamat din sa pagkain. Sige bye. Pahinga ka na dun para gumaling ka na ng tuluyan." Sabi ni Lea bago sumakay sa kotse nya. Kumaway muna sya kay Aga bago pinahirorot ang sasakyan.

First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon