Chapter 19

135 5 0
                                    

Lea's POV

Lumipas ang mga araw pero talagang hindi nagpaparamdam sakin si Aga. Ghost lang ang peg?

Tss. I decided na puntahan na sya sa bahay nila matapos ng trabaho ko.

*Ding dong

Bumukas iyon at bumungad sakin ang katulong nila.

"Nakauwi na po ba si Aga?"

"Hindi pa po ma'am mamaya pa po."

I look at her intently, alam ko kung kailan nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo ang isang tao.

"Ganun ba, sige paki sabi nalang sa kanyang nagpunta ako dito." Alam kong nagsisinungaling sya.

Napansin kong may nakatingin sa taas ng bintana at alam kong it's Aga.

Why are you hiding from me Aga? Alam mo bang nasasaktan nako sa ginagawa mong to?

Bumalik na ako sa kotse, tinanaw ko sya mula sa malayo bago ako umuwi.

__
Nahiga nako sa kama para lang mag isip. Good thing Saturday bukas so ok lang na magpuyat.

Kinuha ko ang phone at tinawagan ang taong malapit kay Aga.

"Lei, napatawag ka?"

"Chard alam mo ba kung anong nangyari kay Aga? Hindi nya kasi ako sinasagot kapag tinatawagan, hindi din sya nagpapakita."

Narinig kong bumuntong hininga sya. "I don't know either. Wala syang nakwento sakin. Hindi din sya masyadong nagsasalita, pansin ko. Baka naman may nangyari sa inyo. Nag away ba kayo?"

"Hindi naman. Hindi na nga sya nagpapakita sakin ng halos mag iisang linggo na eh. Tulungan mo naman ako oh."

"I'll try my best to talk to him. Mahirap kasing kausapin ang isang taong ayaw makinig."

"Haay. Sige sige salamat."

"Sige Lei."

Binaba ko na ang tawag.

Tinititigan ko lang ang phone. Hindi ko namalayang nag cocompose na pala ako ng message para sa kanya.

To: Babes
    Babes ano bang problema? Talk to me naman oh. Nahihirapan nako. Please just talk to me.

Binaba ko ito, I've waited for how many minutes nang magring yun. Agad ko yung sinagot nang walang pag alinlangan.

"Babes!"

"B-babes? Whow."

Kumunot ang noo ko, it's not Aga. "Who's this?"

"Right. It's your knight and shining armor. Bamboo."

"Tss akala ko naman, haay. Oh anong kailangan mo? At bakit alam mo number ko?"

"Di na importante yun. Just checking up on you."

"Buti ka pa tinawagan ako." Huli na ng marealize kong nasabi ko na pala yun through verbal. "Oops."

"Anong problema mo pala?"

Napataas ang isang kilay ko. "Ayoko ngang sabihin. Bakit close ba tayo?"

I felt na he smile. "Niligtas kita."

"Anong connect?"

"Wala naman."

"Tsk. Sige na ibababa ko na to wala ding patutunguhan."
Binaba ko na ang tawag kasabay ng phone ko.

Haay nakooo

Tsk, walang magagawa tong paghihintay kong ito.

Kinuha ko ang phone at tinawagan sya yun nga lang nakailang dial na ako hindi nya talaga sinasagot.

First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon