Chapter 33

119 6 1
                                    

Third Person's POV

Nang maramdaman ni Gerard na nakatulog na ang ate nya sa kanya binuhat nya ito at inihiga sa kama.

Inayos nya ang comforter at pinagmasdan ang kapatid.

Ganitong palagi si Lea, nakakatulog lang sya dahil sa labis na pag iyak.

Naaawa sya ng sobra sa kanya. Simula ng umuwi si Lea galing sa lugar nina Aga, naging ganito na ang ate nya.

Hindi nya ginagalaw ang pagkain kahit na anong pilit kaya ang laki ng pinayat nya, hindi sya lumalabas ng silid, walang maayos na tulog.

One time when Gerard decided to check on her, when he sneak a peek rinig nya ang pag iyak nito.

Ngayong tuluyan ng hiwalay ang dalawa mas natatakot na sya sa pwedeng gawin ni Lea sa sarili.

Galit na syang ngayon kay Aga kasi nang dahil sa lalaking iyon naging ganito na si Lea.

Naiinis si Gerard sa sarili nya kasi wala syang magawa, gustong gusto nyang sugurin si Aga pero alam nyang hindi nya magagawa kasi magagalit ang ate nya sa kanya at ayaw nya yung mangyari.

Bumuntong hininga nalang sya, nang tumagal na sya sa kwarto ng kapatid nya ay lumabas na sya.

Pumasok sya sa loob ng kwarto nya na katapat lang ng kwarto nilabasan nya.

Kinuha nya ang cellphone nya at tinawagan ang kaibigan ng kapatid.

"Hello?"

"Busy ba kayo?"

"Oo eh, marami pa kaming ginagawa. Bakit?"

Bumuntong hininga sya. "Alam ko kasing matutulungan nyo ako, pwede ba kayong pumunta sa bahay?"

"Naku, hindi pwede ngayon eh. Pwedeng bukas nalang?"

"Sige ok lang basta bukas."

"Ok sige."

Binaba na ni Gerard ang tawag. Si Dawn ang tinawagan nya kasi alam nyang matutulungan nya si Lea lalo pa't babae sya at malapit pa sila sa isa't isa.

Aga's POV

"Ano bang gagawin ko?" Sabay tungga sa alak. Nasa isang bar kami ngayon ni Richard niyaya ko sya ayaw pa sana nya kasi ayaw nyang iwan ang asawa. Sus maniwala, ang sabihin nya may gagawin sila.

"Ewan ko din pare. Sana bago ka nagdesisyon inisip mo muna kung ano ang kalalabasan ng desisyong pipiliin mo. Tingnan mo ngayon problemado ka. Nasasaktan nyo ang isa't isa."

"Nadala kasi ako sa pagbabanta nya. Ayokong saktan nya si Lea."

Tinungga nya rin ang inumin. "Ayaw mo syang masaktan? Eh sa ginawa mo nga sinaktan mo sya ng lubusan, nung pinapunta mo sina Dawn sa kanila, she told me hindi sya nakakakain, umiiyak sa sakit at palaging tulala. Sa tingin mo gagawin ba ni Lea ang mga bagay na yun kung hindi sya nasaktan sa ginawa mo?"

I remember Lea's posture kanina. Her treatment to me is so cold. Mangingisay ka sa lamig.

At yung mga sinabi nya sakin na tumatak sa pagkatao ko.

I clenched my fist. "Siguro nga talagang duwag ako dahil hindi ko man lang sya magawang ipaglaban."

"Wag mong sabihin yan. Natakot ka lang sa sinabi ng babae mong sasaktan nya si Lea kapag hindi ka nakipaghiwalay sa kanya."

"Hindi ko babae yun, si Lea lang sya lang ang nag iisang babae sa puso ko."

Tumawa sya.

Gusto kong umiyak dahil sa mga sinabi sakin ni Lea, pero ayoko dahil nasa publikong lugar kami baka isipin ng mga tao dito bakla ako.

First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon