Aliw sa Dahas

14 6 0
                                    

Ipipikit ko na lamang ang aking mga mata habang patuloy na nanunuot ang lamig sa aking noo'y makinis na balat.

Ang dating maputi at iniingitan kong kutis ngayo'y lugmok na sa basang lupa't mapupulang hiwa.

Namamaluktot naman ako pero bakit ramdam na ramdam ko pa rin ang bawat sipa at mga halakhak?

Bagama't nandito na siguro ako sa huling pahina ng aking buhay.

Nakahiga sa gilid ng regalong damit ni Nanay na basang-basa sa pawis at dugo.

O pwede ring sa naiwang bakas na likido.

Tumagilid ako at napatulala na lamang sa bawat hilis ng damo at huni ng ibong pabalik-balik sa himpapawid.

"Bakit sa akin pa nangyari ito?
Ano ba ang kasalanang nagawa ko?"

Mahinang bulong ko sa pag-asang may makarinig at sasagot sa tanong ko, "Bakit kami inaalipusta sa mundong patuloy na pinaglalaban ang pantay DAW na karapatan ng lahat?".

A Bitter PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon