Itinadhanag Di Magtadhana

17 6 2
                                    

Ang mga alitaptap at bituin sa kalawakan
ay kumikislap sa malamig na karimlan
Ang bawat patak ng ulan at ugong ng langit
ay sumasabay sa pusong di na kaakit-akit
Ang kalmadong mga hakbang ay banayad na nagmamarka
sa lupang nanlalata't walang sigla

Hindi ba't lahat ng bagay ay konektado?
Isang piyesang may tiyak na pahina
Isang musikang may kumakanta
NGUNIT sa mundong ito,
Tanging ikaw at ako lamang
Ang sadyang biniro ng tadhana

Kaya, Mahal, sa pagkakataong ito
Ang sarap sabihing nagsisisi ako
Sino ba ang tangang di marunong magmahal?
Sino ba ang tangang pinakawalan ka?
Sino ang umiiyak, nasasaktan, at nagsusulat
Ng huling tulang iaalay sayo?

Sa dinami-dami ng isinulat ko para sayo
Sana itong huli ay mabasa mo na
At patawad sa iyong oras na sasayangin ko
Pero pangako— itaga mo sa bato
Papara na ako sa lugar na nakalaan sakin
Hanggang dito na lang, Mahal

Buong akala ko talaga'y tayo lang ang tala sa daigdig
Salamat at natutunan kong ibigin ang aking sarili
Magsisimula ulit ako sa umpisa, huwag kang mag-alala
Babalik sa dating sinayang, bakit ka mag-aalala?
Sasaya muli ang bumitaw sayo
Magmamahal muli ang nang-iwan sayo

Kaya ba? Pipilitin ko
Sapagkat tayo ay itinadhanang di magtadhana

A Bitter PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon