Hagulgol sa Karimlan ng Sansinukob

7 3 0
                                    

Pabalik-balik na naglalakad si Mica sa harap ng tindahan sa kanto ng kanilang tirahan pagkatatpos niyang lumabas at nagpakalayo-layo sa bahay nila. Isa ang araw na ito sa mga pagkakataon kung kailan sya ay napagbuntunan na naman ng galit ng kaniyang nanay.

"Ano ba namang buhay 'to! Nakakasawa na talagang umuwi sa bahay. Paulit-ulit na lang talaga. Ginagawa ko naman lahat pero parati pa ring mali, mali, MALI! Kung pwede lang sanang ipinanganak na lang ako sa ibang nanay!"

Walang tigil na pinagpapadyak ni Mica ang kaniyang mga paa sa kalsadang basa ng tubig ulan.

"Oh ineng, anong dinadabog mo diyan? Halika't pumasok ka muna rito sa aking tindahan at titimplahan kita ng kape. Ang lamig pa naman ng panahon ngayon." Sabi ng ni Mang Alberto sa dalaga. Siya ang may-ari ng tindahan. Mataba si Mang Alberto, mataas, maitim, matanda at parating nakangisi na animo'y may binabalak na masama.

"Ah salamot na lang po, Mang Alberti pero uuwi pa po kasi ako. Sa susunod na lang po."
Dali-daling humakbang si Mica papalayo, yakap-yakap ang kaniyang mga gamit sapagkat may nararamdaman siyang kakaiba.

"Ineng naman, sandali lang. Samahan mo muna ako. Ang ganda ng panahon oh, halika't magkape tayo." Pangising hikayat ni Mang Tunying kay Mica na nanginginig na sa takot. Hind siya tanga para hindi malaman kung ano ipinahihiwatig ng matanda.

"Pasensiya na talaga pero pinapauwi na ako ng nanay ko." Tatakbo na sana si Mica papalayo sa tindahan ngunit mahigpit na hinawakan ng lalaki ang kaliwang braso niya at pilit siya nitong hinihila papasok sa tindahan.

"Mang Tunying, wag po! Bitawan niyo po ako. Isusumbong ko pa kayo sa mga pulis. Parang awa niyo na..." Pagmamakaawa ni Mica habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak sa kaniya. Natatakot na siya. Hindi niya na alam ang gagawin niya.

Tulong...

"Ano ka ba naman, Ineng. Sandali lang 'to. At tsaka diba ayaw mo ng umuwi sa bahay niyo. Maraming problema roon pero rito, pangako ko sa'yo, kasiyahan lang ang mararamdaman mo." Isang nakakalokong ngiti at hagikhik ang pinakawalan ni Mang Alberto habang pilit na hinuhubaran at hinahawakan sa maseselang parte ng kaawa-awang dalaga.

"Nakapawalang-hiya mo! Bitawan mo ko, parang awa mo na... U-uwi pa ko sa bahay namin. Hinahanap na ako ng nanay ko. Magluluto pa ako ng hapunan ng mga kapatid ko...." Walang prenong umaagos ang luha ni Mica. Nanginginig sa lamig. Napapagod sa kakapiglas.

"Ineng, pasensiya ka na ha? Sisiguraduhin ko naman masasayahan ka eh. Sandali lang 'to." At humalakhak ng nakakatakot si Mang Tunying habang pinagdadasal naman ni Mica na sana'y may milagrong mangyari. Na sana'y may dadating na tutulong sa kaniya.

Bakit pa kasi siya lumabas? Bakit sa kaniya pa ito nangyari? Bakit ko ba sinisisi ang sarili ko?

"Nanay, n-asaan ka na? Sunduin mo na ako rito. Pangako magpapakabait na ko. Pangako susunod na ako sa mga utos niyo. Nanay ko... saklolo."

A Bitter PillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon