Chapter 9

180 5 0
                                    

Clara
"Yes mommy, Sige po. I'll just wait for you sa may gate... Okay bye... I love you too." I hung up the phone at agad na inilagay ito sa bulsa ng uniform ko.

Ilang araw na din ang lumipas since we talked about me, being adopted at lubusan ko nang natanggap iyon but nevertheless, there still so many questions in my head like kung saan nila ako nakuha at kung sino ang mga magulang ko pero pinili ko ang tumahimik na lang.

Since I knew about Andrea, ay ipinakita sa'kin nila mommy ang mga pictures nito at dinalaw din namin siya kung saan siya nakahimlay. We're on the same age kaya Andrea lang ang tawag ko sa kanya. Napakaganda niya! Kamukha siya ni daddy at ang mga mata naman nito ay katulad ng kay mommy. Halos mag-iisang taon lang ito ng kuhain mula sa kanila at hindi ko maiwasan ang malungkot, hindi man lang kasi nito naranasan ng matagal ang pagkakaroon ng mapagmahal na mga magulang.

"Hey, Clara nga pala are you free ba sa Saturday?" Brie snapped me from my thoughts. Halos nakalimutan ko na na nasa tabi ko lang pala ito. Katatapos lang kasi ng klase namin at kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa may exit, kung saan ako susunduin ni mom.

"Oo naman, teka ano na naman ba ang ga--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, nang biglang may bumangga sa'kin, dahilan para malaglag ang mga aklat na hiniram ko sa library kanina.

"Ano ba?! Watch where you're going!" Iritang sambit nito na nagpataas ng kilay ko. Ako pa talaga ang dapat tumingin sa dinadaanan ko, e siya nga ang bumangga sa'kin?

"I'm sorry." Instead of lashing out, ay ako na ang humingi ng dispensa pagkapulot ko sa ilang mga gamit ko. "Hindi ko sinasadya, pasensya na." I added when I finally faced her, but the latter just rolled her eyes at me. I sighed, then looked at Brie who are standing next to me, na nakikipagsukatan ng tingin sa babeng kaharap namin.

"Hoy! Alam mo masyado ka-"

"Brie no, let's go. Pasensya na ulit." I apologized again bago hilahin si Brie na ngayon ay masama ang tingin dito, pero bago pa kami makalayo, ay may narinig pa akong sinabi niya sa'kin ,"Stupid!" She hissed. I bit my lower lip sa pagpipigil kong patulan ang sinabi niya at hinila si Brie na akmang susugod na, na alam kong mauuwi sa pisikalan.

--
"Bakit ba kasi pinigilan mo pa ako?!" Brie spat habang nakatayo kami sa labas ng campus. "Akala mo kung sino siya? Siya itong stupid!"

"Sige, gusto mo ba na mapatawag sa guidance dahil lang dun?" I asked, sa'min kasing dalawa ay tiyak ako na hindi nito gugustuhin na magkarecord ng masama, dahil ipapatawag sila tita Dawn at alam ko na ayaw niya itong madisappoint. Kaya nga she's doing her best to excel in everything she does, well syempre ganun din ako lalo na ngayon na alam kong wala talaga akong karapatan kila mommy at daddy. Ayaw kong pagsisihan nila na inampon nila ako.

Naging conscious ako sa mga kilos ko, ayaw kong magkamali, ayaw kong dumating sa punto na pagsisihan nila ang ginawa nilang pag-ampon sa'kin.

"Hay naku! I don't mind going sa guidance at kahit pa masuspend ako mapatulan ko lang iyon para ipagtanggol ka. At isa pa, I can't believe na you let her pass." I sighed and smiled at her. Salamat na lang at may kaibigan akong katulad nitong isang ito.

She knew me, I'm the kind of person who will argue for hours lalo na kung ako yung nasa tama, pero hindi ko alam I'm not in the mood earlier at parang pamilyar ang babaeng iyon sa'kin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.

Maya-maya pa, ay pumarada ang isang sasakyan sa  harapan namin. Agad bumaba si mommy mula sa passenger seat at ganun din si daddy, na kasama pala ni mom ngayon. Dad is trailing behind mom, at agad silang lumapit sa'min ni Brie.

The ReplacementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon