Chapter 2

10 3 0
                                        

Chapter 2

HAROLD

Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasan na hindi sulyapan ang natutulog na si Dion sa tabi ko.

Maaaring ang tingin ng iba sa squad namin ay pasarap lamang sa buhay, ngunit doon sila nagkakamali. Kahit ganito kami, alam namin ang priorities namin sa buhay. Lahat kami gusto makagraduate at si Dion ang nagparealize noon sa amin. Matagal na kasi kaming magbabarkada since highschool pa at pabigat talaga kami sa mga magulang namin. Mga black sheep kami ng pamilya. Barumbado kami. Palaaway. Hindi sineseryoso ang pag-aaral pero lahat ng iyon ay nagbago nang makilala namin si Dion.Pinarealize niya sa amin na ayos lang mag-enjoy sa buhay pero mas maganda kung may mga pangarap kami at matupad namin ang mga iyon.

'The best way to annoy your enemies is to make them see that you are perfectly fine and happy.' Ika nga niya sa amin.

Siya ang nagpakita ng malasakit sa amin. Dinaig pa niya ang mga kamag-anak namin na sinukuan na kami. Siya lang ang naniwala na kaya namin.

Ngayon ko lang talaga nakita na miserable siya. Ayaw niyang pinakikita sa lahat na mahina siya. Gusto niya ang isipin ng lahat na matapang siya. Tinatago niya ang tunay niyang pagkatao sa pamamagitan ng pagiging maldita.

Pinarealize niya sa amin kung gaano kasaya ang mag-aral. Siya ang nagsabi sa amin na i-push namin kung ano ang gusto namin. Na we should chase our dreams simply because life is too short. Na limitado lamang ang oras ng tao sa mundo.

Sobrang malapit siya sa mga bata at isa 'yon sa hinahangaan namin sa kaniya. Naaalala ko pa, gulat na gulat kami noong dinala niya kami sa bahay-ampunan noong first birthday niya na kasama niya kami. Kasi hindi talaga halata sa itsura niya na mahilig siya sa mga bata. Noong araw din na iyon, nalaman namin ang buong pagkatao niya. Ang tanging alam lang kasi namin sa kaniya noon ay ang pangalan niya at maldita siya. Mas naintindihan namin ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Kinwento kasi saamin lahat ng yaya niya ang buhay niya. Kaya pala ganoon nalang niya kami sinasabihan na pahalagahan ang pamilya na mayroon kami dahil mula siya sa isang broken family.

Agad kong hininto ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila at nagdoorbell. Pagkatapos ay binuksan ko ang kabilang pinto ng kotse at binuhat siya. Ang gaan niya grabe. I think you should take note of my sarcasm. Grabe! Sa payat niyang 'to, ganito siya kabigat?! Kumakain ba ito ng bricks?! Buti nalang at agad bumukas ang gate nila at bumungad sa akin ang mama niya. Paano ko nakilala? Minsan ko na kasing nakita na tinititigan ni Dion ang picture nito sa cellphone niya. Alam kong nangungulila siya sa ina pero ayaw niyang ipakita. Kaya sa tingin ko, kailangan lang magtiis ng onti ng mama niya sa pagsuyo nito sa kaniya at bibigay din siya. Nabigla lang siguro siya sa nalaman niya kanina kaya naging ganoon ang reaksyon niya.

"Dion! My Lord! Ano'ng nangyari sa kaniya?!" Hinihintay ko lang talaga na papasukin niya ako dahil ang bigat talaga ni Dion eh. Baka may balak siya? Haha, just kidding.

Pero seryoso, ang bigat niya talaga!

Buti na lang at may lumapit din na isang lalaki which is I think in his forties, at tinulungan akong akayin si Dion papasok sa bahay nila. I mean, mansyon.

Dion is a really rich kiddo. I mean, mayaman din kami but not like this! I think they just doubled our house's size! But to think that she's not the girl to brag her money to us. Well our college school doesn't require us (thankfully) to put some uniforms or so whatever-you-called-those-clothes although we have outfit-rules so we're not totally free to wear what we want.

Dion [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon