Chapter 5
Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin tumitigil ang ulan sa pagbuhos kasabay ng kulog at kidlat.
Habang tumatagal, palakas nang palakas ang tunog ng kulog at paliwanag nang paliwanag ang kidlat. Mas lalo akong nagsumiksik sa bisig ni Harold dahil dito.
Matagal-tagal din bago ako tuluyang kumalma. Kinuha kasi ni Harold 'yung earbuds niya at nilagay sa magkabilang tenga ko at nagpatugtog ng kanta. It was not that loud. Sakto lang para hindi ko na marinig ang kulog.
Hanggang ngayon ay nandirito pa rin ako sa kwarto niya. Sa sobrang dami siguro ng nangyari ngayong araw, ito ang pinakagrabe.
Hinatid na ako ni Harold sa kwarto ko. Aalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya.
"Please, stay..."
Hindi ko alam. Sa oras na ito, ang tanging alam ko lang ay ayaw kong iwan niya akong nag-iisa.
Napapailing naman siyang umupo sa gilid ng kama ko habang nakatingin sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa kaniya.
"Fine, fine. I never know na nagkakaganito ka pala kapag ganito ang panahon." Pang-aasar niya.
"That's why you should never tell this to anyone. Because you're the only person who witnessed me like this. Like a weakling."
"Ohoho! Don't forget the first time we met."
"Fine. But, that's another case. This is different. So please, Harold, let me keep this a secret."
"Fine, fine. I'm glad that you let me know this secret of yours." He said at hinaplos ang palad ko.
Namula naman ako dahil sa hiya at napaiwas ng tingin.
"I-it was an accident. You're the nearest person to me."
"That's why I'm glad." He murmured.
"What?"
"Wala. Ang sabi ko matulog ka na. I promise, hindi kita iiwan."
"Fine."
I finally, succumbed to sleep.
HAROLD
Nang makatulog na si Dion, tumayo na ako at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tinungo ko ang kwarto ko at kinuha ang cellphone ko pagkatapos ay bumalik din akong muli sa kwarto niya at umupo sa gilid ng kama niya.
I don't know kung naririnig ba ni Dion ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina. I was about to sleep nang kumatok siya sa kwarto ko. Gulat na gulat nga ako nang pagkabukas ko ay bigla nalang niya ako dinamba ng yakap. I was stunned for a second. Buti na lang at agad kong napansin ang panginginig ng katawan niya.
I am really lucky, dahil laging ako ang kasama o pinakamalapit sa kaniya once na lumilitaw ang totoong siya. Whether it's just coincidence or not, I don't care. All I care right now is maging okay na siya.
Ibig sabihin ba nito ay masyado na siyang komportable sa akin to the point na she didn't mind showing her real self to me?
Binuksan ko ang gallery ko at nilagay ang pin code. Bumungad sa akin ang isang album na puno ng pictures namin ni Dion kasama ng barkada.
Dion... I don't know kung ano na ang nararamdaman ko sa kaniya pero, isa lang ang nasisigurado ko.
My heart doesn't see her as a friend now.

BINABASA MO ANG
Dion [Under Revision]
FanfictionDate started: April 27, 2020 She's Dion Verah Limario, the girl who loves to pretend. The girl who built a wall to conceal her true self.