Chapter 1
(Author's Note: So I decided that i'll be doing it as a taglish story but, don't worry for the international carats out there. I'll be translating every chapter as soon as I can. So, let's start? Carats, hwaiting! ^-^)
"What?! You're getting married?! I can't believe you! It's not been long since dad died and here you are marrying this man?!"
I can't believe this! 3 years pa lang ang nakakalipas since namatay ang papa at ito, magpapakasal agad siya?
Bakit pa kasi umuwi pa siya? Ano?! Para ipamukha sa akin na masaya na siya? Na nakamove-on na siya? Well, for her information, kaya kong mabuhay ng wala siya!
Bakit hindi nalang kaya siya bumalik sa kung saang lupalop ng mundo sila naglalandian ng kabit niya?!
Ni hindi man lang niya nirespeto si papa! Ni hindi man lang niya inisip kung ano ang mararamdaman ko! Sabagay, hindi na ako magtataka dahil selfish siya! Sarili lang niya iniisip niya! Bakit ba siya pa ang naging ina ko?!
"Kung sa bagay, wala ka nga palang paki sa mararamdaman ko, hindi ba?! Wala kang paki-alam sa nararamdaman namin ni papa nang lumandi ka diyan sa lalaki na 'yan!"
Dinig na dinig ang malutong na sampal sa akin ng lalaking sumira sa pamilya namin. Ang kabit ng mama ko. Ang akala siguro nila ay hindi ko alam na kahit noong nabubuhay pa si papa ay may relasyon na sila. Mga taksil!
"How dare you! Kung 'yung papa ko nga hindi pa ako napagbubuhatan ng kamay tapos ikaw, na hindi ko kadugo, gagawin sa akin 'to?!" bulalas ko pagkatapos kong nakabawi mula sa aking pagkabigla sa ginawa niya. Napahawak ako sa pisngi kong nasampal. Hanggang ngayon feel na feel ko pa rin ang palad niya sa pisngi ko. Sa sobrang lakas nito, sigurado akong nagbakas na ang palad niya sa pisngi ko.
"Sabihin mo na sa akin ang lahat ng masasamang salita pero huwag na huwag mong pagsasabihan ng ganiyan ang mama mo! Nanay mo pa rin siya!" Anong karapatan niya para sabihin sa akin ang mga salitang iyan? Wala siyang karapatan!
"Simula nung namatay si papa, matagal ko na ring tinatak si puso't isipan ko na wala na rin akong ina!" Pilit akong hinahawakan ni mama habang lumuluha siya. Nagmamakaawa na maging masaya ako para sa kanila at patawarin na siya. Na tanggapin ko na na matagal ng wala ang aking ama ngunit, mahirap eh. Mahirap lalo na't alam kong silang dalawa ang dahilan ng pagkamatay ng papa ko.
"Bakit hindi nalang kayo bumalik sa kung saan na kayong lupalop ng mundo na nakatira ngayon?! Get married if you want! Wala na akong paki-alam kaya simula ngayon huwag niyo na rin ako papaki-alaman! Simula ngayon, wala ka ng anak! So, get out! Get out of my house!"
Hindi pa rin natinag ang mama ko at ayaw pa rin paawat sa 'pag yakap sa akin. Sa sobrang galit ko ay itinulak ko siya. Gulat na gulat silang dalawa sa ginawa ko pero wala akong paki-alam! Tuluyan na akong nilamon ng galit ko sa kaniya.
"Kung ayaw niyong umalis, ako ang aalis! At sana, sa pagbalik ko wala na akong makikita na kahit na anong bakas na nanggaling kayo sa pamamahay ko."

BINABASA MO ANG
Dion [Under Revision]
Fiksi PenggemarDate started: April 27, 2020 She's Dion Verah Limario, the girl who loves to pretend. The girl who built a wall to conceal her true self.