Chapter 1

9 0 0
                                    

"Gumising ka na Ale!!! Anong oras na malate na tayo!!!!" Sigaw ko sa bestfriend kong si Alejandro Trinidad.

Niyugyog ko siya nang niyugyog hanggang sa magising siya. Papaano kasi masnauna siyang natulog kesa saken pero hindi padin siya gising.

"Grabe ka ang batugan mo" sabay binatukan ko siya ng malakas.

"Aray naman!!!" Sigaw nito. Agad din naman siyang bumangon at kumain. Para na din kaming magasawa dahil nakatira kami sa iisang bahay.

Sanay na kami sa mga taong nagtatanong kung magjowa ba kami o kung magasawa ba kami. Okay lang naman samin kasi kung titignan ay para na din kaming ganun.

Tinatawanan na nga lang namin sila. Pinapakita pa namin na sweet kami. But we are just bestfriends. Super duper ultra mega bestfriends.

Minsan sinasabi pa ng iba naming kaibagan, bakit hindi nalang kami. Tititigan lang namin isa't isa sabay tatawa.

"Ang pangit naman ng lasa ng itlog mo" sabi ni alejandro ng kinain niya ang niluto kong itlog.

"Wala naman akong itlog" biro ko.

"Gaga yung niluto mo" giit nito. Minsan ang sarap asarin ni Alejandro eh. Yung tipong asar na asar na siya sa ginagawa ko pero wala siyang magawa kasi babae ako.

Isa yan sa pinakamagandang ugali niya. May respeto siya sa babae. Para niya akong jowa. Ang higpit lalo na sa mga isusuot ko.

Hindi nga ako pwedeng gumala magisa or with friends kailangan kasama siya bago ako makagala. Galing diba, ganyan siya magalaga.

"Ano nakahanda ka na ba Stella?" Tanong nito.

"Hindi pa, nagm-make up pa ako at tsaka ayokong marinig yang Ella na yan, Stella pangalan ko, Stella!!" Sigaw ko.

Si Ella kasi yung ex niya. Ang sungit saken kaya pinaghiwalay ko lang naman sila. Sorry siya masgusto ako ni Alejandro kesa sakanya.

"Make up make up pa, wala namang magkakagusto" sagot nito.

"Aba, bakit hindi mo ba ako gusto?" Asar ko sakanya.

"Gusto pero as a bestfriend" sabay kutos saken ng napakalakas. "Dalian mo na dyan malate na tayo".

The best yan si Alejandro kaya nga may gusto ako sakanya simula bata kami. Hindi ko lang sinasabi kasi natatakot ako na baka mawala yung closeness namin katulad nito.

"Panget hindi ka pa ba tapos?" Sigaw nito.

"Grabe makapangit kala mo gwapo siya, eto na po gwapo palabas na" ganyan kami magasaran. Merong mga pagkakataon na may napipikon lalo na ako.

Pero pagkain lang okay na ako. Kaya kapag napikon ako bibigyan niya ako ng pagkain at pagkatapos nun bati na kami.

Graduating na kami this year kaya lagi kaming busy pero hindi namin nakakalimutan asarin ang bawat isa.

Hindi kalayuan yung school sa tinitirhan namin kaya nilalakad lang namin toh. Nang makarating na kami ay hinatid niya ako sa classroom na pinapasukan ko sabay hinila niya tenga ko.

"Tandaan mo ha kapag may umaway o nambully sayo sabihan mo ako" bulong niya.

"At isa pa, bawal pa sayo yang love love na yan ha, ako lang muna dapat love mo" dagdag pa nito.

Tignan mo siya kala mo jowa eh. Pero gusto ko yung ganyang side ni Alejandro napakasweet.

"Opo na sir, grabe ka matatanggal tenga ko sa ginawa mo" sagot ko naman.

"Babye" sabay kinawayan ko na siya at pumasok.

Nang maupo ako sa upuan ko ay nakita ko padin siya nakatayo sa may pintuan. Maya maya pa ay pumasok toh at pumunta sa harap ng klase.

A Knight To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon