Chapter 6

0 0 0
                                    

Ilang linggo na din ang lumipas pero wala pading nahahanap na trabo si Alejandro. Kahit maganda at kahanga-hanga naman ang mga grado niya ay hirap padin siyang makahanap ng trabaho.

Nagkakaubusan na kasi talaga bg trabaho dito sa bansa. Isa sa mga dahilan ay ang overpopulation. Napakadami ng mga tao dito kaya hindi maiiwasan na maunahan kang magapply ng trabaho. Hindi ko naman sinasabi na masama ang maganak ng maganak pero parang ganun na nga. Char.

Pagod at basang basa na umuwi si Alejandro. Kahit na may bagyo ay naghanap padin ito ng trabaho. Minsan nga kahit ang taas ng lagnat niya ay pinipilit padin niya ako na payagan siya na lumabas at baka sakaling makatsempo at makapagapply. Pero syempre matibay ako. Ako ang boss kapag may lagnat siya kaya hindi ako pumayag.

Naaalala ko nung mga bata pa kami, ganyan na ganyan din siya. Ang taas ng lagnat niya pero pinipilit niya ako na maglaro daw kami sa labas. Pinitik ko yung noo niya dahil sa sinabi niya nun. Sa sobrang lakas ng pagpitik ko ay halos maiyak na siya. Bwahahaha

Ang tigas kasi ng ulo. Ang taas na nga ng lagnat tapos maglalaro pa, paano kung bigla siyang himatayin. Hindi ko siya bubuhatin, ano siya bali. Kaya simula nun, sa tuwing magkakasakit siya ako na ang boss.

Buti nga ngayon mabait pa ako, kasi kung hindi, pipitikin ko talaga ulo niya na nagtatago sa pantalon niya. Char

"Basang basa ka Alejandro maligo ka na dun" nagaalala kong sabi sakanya nang makita ko siya na pumasok nang basang basa ang buong katawan.

Akalain mo, bumakat yung muscles niya sa basa niyang damit. Yummy yummy talaga tong bebi ko.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan, pumasok ka na sa banyo para maligo, gusto mo pa yatang ako magpaligo sayo eh, joke lang baka pumayag ka" dagdag ko pa.

Kahit papaano ay napangiti ko naman si Alejandro sa sinabi ko. Kitang kita ko kasi na pagod na pagod siya. Paligayahin ko kaya siya mamaya. Bwahahaha

Maya-maya pa ay lumabas na si Alejandro sa banyo at tanging ang twalya lang ang nakatakip sa ibabang katawan niya.

"Oi anong tinitingin-tingin mo diyan" nagtatakang tanong ni Alejandro saken. Nahalata niya yata na nakatitig ako sa katawan niya.

"Sa ano... pandesal... ay este sa nunal mo sa may malapit sa pusod, ngayon ko lang kasi nakita yan hehe" pagsisinungaling ko sakanya.

Inirapan nalang ako ni Alejandro na parng babae. At pumasok na sa kwarto upang magbihis. Sisilip sana ako kasi hindi niya nalock yung pinto.

"Ay hatdog!" Napasigaw ako sa gulat dahil ang tahimik ng paligid nang biglang may kumatok.

Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sakin ang mukha ng isang palakang malantod na halatang hinahanap si Alejandro.

"Nandiyan ba si Alejandro?" Tanong ni Ella saken. Oo, tama, si Ella nga ang palakang malantod. At tama ako hinahanap niya si Alejandro.

Hindi ko na siya sinagot dahil baka kung ano pa masabi ko sakanya. Pinapasok ko nalang siya at pinaupo.

"Sandali lang ha tatawagin ko siya" pekeng ngiti ang ipinakita ko para hindi niya mahalata na gusto ko siyang kaladkarin palabas ng bahay at sabihin nalang kay Alejandro na may palaka lang na nakapasok ng bahay.

Pinuntahan ko si Alejandro sa kwarto at tanging boxer lang ang suot niya.

"Pucha naman Alejandro magshort ka nga at tshirt, nandito si malantod na palakang si Ella, hinahanap ka" napangisi ako pero biglang nagbago ang pinta ng mukha ni Alejandro.

Biglang namutla at halatang kinabahan siya. Pero hindi ko alam kung bakit.

"Oi anong nangyari sayo, naging bato ka nalang diyan ah, dalian mo" dagdag ko na may halong pagtataka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Knight To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon