Kinabukasan ay nagising ako dahil may narinig akong nagbukas ng pintuan. Nakakagulat lang din dahil wala si Alejandro sa tabi ko. Agad akong bumangon para silipin kung sino yun.Si Alejandro pala yun at mukhang namalengke siya ng madaling araw.
"Wow naman, para saan yan?" Tanong ko.
"Mukhang may handaan ngayon ah."Tinitigan lang niya ako at hindi na pinansin. Sana naman hindi niya nakalimutan na birthday ko ngayon. Hindi ko din kasi pinaalala sakanya nung mga nakaraang araw yung birthday ko.
Hindi ko talaga siya papansinin ng isanv buwan kapag hindi niya naalala birthday ko.
"Wala ka bang naaalala ngayong araw?" Tanong ko habang nakangiti sakanya.
"Wala" malamig na sagot nito.
Nagulat naman ako sa sagit niya dahil ang bilis niya sumagot at parang hindi man lang siya nagaalangan sa sagit niya.
"Nakakainis ka talaga" sabay padabog akong umupo para kumain.
Nung umaga na yun, parang may iba sa kinikilos ni Alejandro. Hindi niya ako inaasar, hindi din niya ako binbatukan at ang tahimik niya. Iniisip ko tuloy na baka may kasalanan akong ginawa.
"Tara na Stella mal-late na tayo" sabi nito.
Lumabas din naman ako ng may malungkot na mukha. Alam kong napansin niya ngunit wala man lang siyang sinabi. Kaya mas lalo akong nalungkot.
Ito din ang unang beses na kung saan naglalakad kami pa pasok ng hindi naguusap. Seryosong seryoso kasi ang itsura ni Alejandro kaya baka may masamang nangyari.
Nang mahatid niya ako sa classroom ay tsinek ko kung mainit siya pero hindi naman. Baka kasi masama ulit pakiramdam niya.
"Sabay tayo mamaya maglunch" malungkot na sabi ko.
"Busy ako" malamig na sagot nito. "Sige alis na ako."
Halos maluha ako sa nangyayari. Alam kong hindi yun ang unang beses na hindi kami nagsaby maglunch pero ngayon ang bigat sa pakiramdam.
Umupo ako ng may malungkot at naluluhang mga mata.
Mga ilang minuto pa ay pumasok na ang prof namin. At mukhang dala niya ang mga test papers namin. Pero hindi man ako kinabahan, siguro dahil iniisip ko yung nangyari kay Alejandro.
Nang binigay ang test paper ko ay ang taas ng nakuha kong marka. Mukhang pasado at makakagraduate ako pero hindi man ako nangiti dahil medyo naiiyak na ako.
"Ang taas mo naman Stella, pero bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ng katabi ko. "At bakit parang naluluha ka din?"
"Ay wala toh, nahikab lang ako kanina medyo inaantok din kasi ako" sagot ko habang pilit na ngumingiti.
Umalis din kaagad yung prof namin at nakita kong dumating si Alejandro. Birthday ko ngayon pero ang lungkot ko.
Pinakita ko sakanya yung test paper ko.
"Good job" sabay tapik sa ulo ko. "Ayos ka lang ba? Bakit parang malungkot ka?"
"Inaantok lang kasi ako" malamig na sagot ko.
"Ah sige" sabay umalis na siya. Kasabay ng pagalis niya ang mga luha na biglang pumatak mula sa mata ko.
"Bakit ba ganun siya saken?" Naluluha kong bulong sa sarili.
Pumasok na ako para umupo. Maya-maya pa ay dumating na ang sunod naming prof at katulad kanina dala din niya yung mga test paper namin.
Dito ako medyo kinabahan dahil, sa subject niya ako kadalasang inaantok. Ang boring kasi niya magturo tapos hindi ko pa bet subject niya.
Nang mabigay yung test paper ko ay hindi ko muna tinignan kung ilan ang nakuha kong marka.
"Lunch na pala, hindi ko napansin" bulong ko sa sarili. Wala akong ganang kumain nun kaya natulog nalang ako.
Nakatulog ako pero saglit lang dahil nagising din ako dahil sa panaginip ko.
Napaginipan ko yung nangyari kanina kung saan parang wala nang pake si Alejandro saken. I started overthinking that time.Tumakbo pa ako sa cr para lang umiyak.
Pagkatapos ng ilang minuto ay naghilamos na ako at bumalik sa klase na para bang walang nangyari. Hindi na din talaga ako kumain ng lunch.
Sa susunod namin mga subject ay nakakuha naman ako ng mataas na marka. Nakakagulat lang kasi hindi ako gaanong nakapagreview tapos ganun yung mga marka ko.
Uwian na at hinihintay ko si Alejandro."Ang tagal naman niya" bulong ko habang tinitignan ang relo ko. "Anong oras na o."
Sinilip ko yiung classroom nila pero wala na siya dun. "Nasan po si Alejandro?" Tanong ko sa isa niyang kaklase.
"Kanina pa siya umalis" sagot naman neto.
Umuwi na ako nang lumuluha. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao sa daan eh. Pero wala akong pakealam.
Nang nasa harap na ako ng bahay ay may nakita akong anino sa loob. Tapos biglang nagtext si Alejandro.
"Pauwi palang ako may pinuntahan lang saglit" text nito. Kinabahan ako dahil sa nakita ko.
"Sino kaya yun?" Kabado kong tanong.
Kumuha ako ng bato sa gilid at dahan-dahang pumasok.
"Hapoy Birthday Stella!!!!!!!" Sigaw ni Alejandro.
Muntik kong mahagis sakanya yung hawak kong bato. Buti nalang napigil ko yung kamay ko.
"Eto pala ang plano mong bwiset ka" naiiyak kong sabi sakanya habang hinahampas siya ng bato.
"Happy Birthday bestfriend!!!" Sabay niyakap ako ng napakahigpit. "Akala mo di ko naalala birthday mo noh HAHAHA"
"Gag* ka" naiyak ako pagkatapos. "Akala ko wala ka na ding pake saken."
Tumawa ng tumawa si Alejandro nun. Yung mabigat na pakiramdam ko ay biglang gumaan sa ginawa niya. Kaya pala ang weird niya buong araw.
"Halika na nga kumain na tayo" sabay umupo na kami para kumain. Nagtawanan at nagkwentuhan din kami.
"Congrats" sabi ni Alejandro. "Alam ko yung mga marka mo sa mga test."
"Pano niya nalaman?" Tanong ng utak ko. Maya-maya pa ay may nilabas siya na isang box.
"Regalo ko dahil pasado ka" sabay abot ng box.
Nang buksan ko ay nanlaki ang mga mata ko. Binilhan niya ako ng friendship ring. Pinagiipunan ko yun para ibigay sana sakanya sa birthday niya kaso naunahan ako.
"Hala salamat!!!" At niyakap ko siya habang tumutulo ang aking mga luha.
Nagtataka ako kung nasaan yung isang pares ng singsing. Dahan-dahan niyang tinaas ang kamay niya at nakasuot na sakanya yung isang pares.
Ngumiti ako at sinuot na din yun.
"Pangako Stella hindi kita iiwan" bulong nito.
Ang saya ko ng mga araw na yun. Yun na yata ang best birthday gift na natanggap ko. Wala na kaming ibang ginawa pagkatapos kundi kumain, manood, naglaro at nagkwentuhan.
"Oi anong oras na pala" sabi ko sakanya dahil malapit na palang magalas-dose.
Kaya naghanda na kaming matulog. Siya yung nagdasal nung gabing yun. Ako kasi lagi nagdadasal pero dahil birthday ko siya naman.
"Goodnight Stella, Happy Birthday" sabay hinalikan niya ako sa noo at natulog na.
Grabe ang saya kahit ang simple lang ng handa kasama ko naman siya.
"Goodnight din Alejandro Trinidad" at hinalikan ko din siya sa noo.
Kung pwedeng ulit-ulitin ko yung oras gagawin ko eh.
"Iloveyou" bulong ko sakanya bago ako pumikit at makasama siya sa panaginip ko.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember
Non-FictionPaano kaya kung yung nagiisang Knight in shining armor mo biglang nawala sa pinakamahalagang araw sa buhay mo? Enjoy~