Chapter 5

1 0 0
                                    

Antok na antok kong iminulat ang mga mata ko. Pero excited na akong pumunta sa school mamaya dahil graduation na namin.

Naalala ko nung mga bata pa kami ni Alejandro ay nangako kami sa isa't isa na makakagraduate kami ng sabay. Tapos magdate din daw kami pagkatapos nun.

"Stella mangako tayo sa isa't isa na magaaral tayo ng mabuti at makakagraduate tayo ng sabay ha at pagkatapos nun magdate tayo" sabi ng batang Alejandro.

"Sige Alejandro nangangako ako, pero dapat wala kang magugustuhan na iba ha" sagot ng batang Stella.

Ang sarap lang bumalik sa pagkabata. Walang masyadong stress at paghihirap na mararanasan. Sarap lang din balikan yung mga alaala namin ni Alejandro nung kabataan namin.

Araw-araw kasi kaming magkasama. Naglalaro sa bakuran nila. At yung lagi pa naming nilalaro ay bahay-bahayan. Ako ang nanay, siya naman ang tatay.

Naalala ko pa nga nung kunwari pagod siya galing sa trabaho, pinagluto ko siya ng paborito niyang hotdog. Pero dahil di ako marunong magluto nasuog ito pero kinain niya padin. Ang saya lang kasi kahit di naman totoo parang nagiging totoo na din dahil kasama ko siya.

Naalala ko din nung nagswimming kami sa bakuran nila tapos natumba ako. May nahawakan akong parang bulate pero mataba-taba. Pagdilat ng mga mata ko nun hindi pala bulate. Isa pala itong sagradong joystick na nakakabit sa katawan ni Alejandro.

Lagi ko ding sinasabi sakanya na gusto ko siya pero iniisip niya na laro lang ito kaya sinasabayan lang niya ako at sasabihin na gusto din niya ako. Totoo yung kilig ko nun kaya sana bata nalang ulit kami para araw-araw sasabihin ko sakanya na gusto ko siya at araw-araw din, sasabihin niya saken na gusto niya ako.

Bumangon na ako at nagsimulang ayusin yung hinigaan namin ni Alejandro. Maya-maya pa ay lumabas na din ako dahil nakaamoy ako ng pagkain. Kapag si Alejandro talaga nagluto napakasarap. Pero masarap din kaya siya katulad ng mga niluluto niya? Bwahahaha.

Maliligo na ako at pumasok na sa banyo nang bigalang bumukas ang pintuan. At pumasok si Alejandro. Napasigaw ako sa gulat na baka kung sino yung pumasok. Hindi ko pala nalock yung pintuan ng banyo.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko habang tinatakpan ko ang aking katawan. "Naliligo pa ako, lumabas ka na muna"

Nakakagulat lang kasi ngayon nalang ulit kami nagsama sa isang banyo. At dahil malalaki na kami, hindi na kami sabay na naliligo. Noong kabataan kasi namin lagi kami naliligo ng sabay. Tapos ngayon never kaming nagsama sa isang banyo. Ngayon minuto lang na toh.

"Ay pot* sorry, di kasi nakalock yung pintuan tapos ang tahimik kasi" sabay tinakpan niya yung mga mata niya pero halata namang nakatingin padin siya sa katawan kong nakahubad.

"Lumabas ka na nga!" Sigaw ko. "Pakain ko sayo 'tong tinitignan mo eh, char lang baka pumayag ka eh".

Napangiti lang si gag* at lumabas din. Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad kong nilock yung pintuan dahil baka pumasok ulit siya.

Natapos na akong naligo at paglabas ko nang banyo ay sumalubong saken si Alejandro. Naiinis padin ako sakanya dahil sa nangyari. Tinignan ko siya ng masama pero siya nakatingin saken na para bang hinuhubaran niya ako sa utak niya.

Itinulak ko nalang siya at pumasok na sa kwarto upang magbihis. Syempre hindi ko nakalimutan na ilock yung pintuan baka kasi biglang pumasok nanaman si Alejandro.

Pagkatapos kong magayos tsaka lang lumabas si Alejandro sa banyo. Ang tagal naman niya sa banyo grabe, halos isang oras akong nagayos tapos tsaka lang siya natapos maligo.

"Oi ang tagal mo naman, siguro may ginawa ka noh" saad ko na may halong pagtataka.

"Wala akong ginawa, kung may ginawa man ako kanina yun nung pareho tayong nasa loob ng banyo" sagot neto at biglang tumawa pa ng malakas bago pumasok ng kwarto.

A Knight To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon