"Bangon Ale!!!!!" Sigaw habang niyuyugyog siya.
Ganun nalang lagi ang ginagawa ko tuwing umaga. Gigisingin siya sabay yuyugyugin. Hindi na bago saken yun. Sobrang batugan kasi talaga netong bestfriend ko.
Simula bata batugan na siya. Lagi sigurong masarap panaginip neto kaya hindi madaling gisingin.
Nakapagtataka lang at hindi siya nagising sa ginawa ko. Nangyari na toh eh. Kung hindi siya nagising pwedeng may sakit siya o deads na.
Syempre hindi pwedeng deads na siya kasi humihinga pa naman. Kaya tsinek ko kung mainit siya.
"Ang init mo Alejandro, wag ka munang pumasok ngayon" utos ko sakanya ng mahawakan kong ang napakainit niyang noo at pisngi.
Dinalhan ko na siya sa kwarto ng makakain upang hindi siya malipasan ng gutom. Dinalhan ko na din siya ng gamot.
"Magpahinga ka lang dyan ah, kailangan paguwi ko ayos na pakiramdam mo" sabi ko sakanya.
Anong oras pa naman kaya pinunasan ko muna siya ng basang bimbo. Baka sakaling mabawasan ang init ng katawan niya.
Napakatigas kasi ng ulo neto. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa tuwing nakatalikod ako.
"Alis na ako, magpahinga ka dyan ah" sabay ngitian ko siya at hinalikan ang noo niya.
Nakakatuwa lang kasi kapag masama pakiramdam niya ay para siyang isang anghel. Pero isang araw lang kasi kinabukasan panigurado ayos na siya.
Nakarating ako ng school at sakto malapit nang magsimula ang klase. Nakita ko nanaman yung mga feeling guard kahapon.
"Ano, baka gusto niyo ulit masampolan ng brstfriend ko" sabi ko.
"Nasan ba bestfriend mo, mukhang hindi mo siya kasama ah" matapang na sabi ng mga toh.
Maya-maya pa ay nanlambot ang mga tuhod nito na parang nakakita sila ng multo. Humingi pa nga sila ng pasensya eh. Sabay tumakbo paalis.
"Hula ko nasa likod ko siya" bulong ko sa sarili.
Nang tignan ko ay totoo nga pumasok padin siya kahit masama pakiramdam niya. Napakatigas talaga ng ulo neto.
"Diba sabi ko hindi ka muna papasok" matapang kong sabi.
"Eh paano ka, paano kung may bumully sayo, paano kung binastos ka" pagaalala nito.
Tignan mo tong tao toh. Imbis na magalala sa sarili ay ako pa talaga ang inaalala. Sweet siya pero dapat unahin niya sarili niya dahil masama pakiramdam niya.
"Pili ka, sa clinic o sa bahay?" Tanong ko.
Para siyang bata ng mga oras na iyon. Buti nga hindi ako natawa eh. Yung mukha niya parang batang pinapagalitan.
"Sa clinic po" malungkot na sagot neto.
"Sige na, wag na malungkot, punta na tayo clinic" at hinatak ko na siya para makarating kami kaagad dun dahil malapit nang magsimula ang klase.
"Wag na matigas ulo ha" sabay kinaltukan ko siya at umalis.
Sakto pagpasok ko ay pumasok na din ang prof namin. Wala kaming ginawa sa oras niya kundi magbasa dahil malapit na ang exam namin.
Hindi ako masyadong nakapagbasa ng maayos kasi inaalala ko si Alejandro. Bakit ba kasi pumasok pa yun dapat pala pinauwi ko nalang. Hindi na ako nagalala kung hindi siya nakapagreview. Matalino naman yun eh
Natapos na ang oras ng una naming subject at agad namang dumating ang ikalawa naming professor. Ganun lang din ang ginawa namin. Nagbasa ng nagbasa, walang katapusang pagbabasa. Sa oras na yun muntik akong makatulog dahil yung prof namin hindi nagbabantay. Nakaupo lang siya at parang inaantok din.
Medyo nakapagbasa naman ako ng maayos. Muntik lang makatulog. Buti na lang natapos na yung oras niya at lunch na.
"Kamusta kaya si Alejandro" pagaalala ko.
Lumabas ako ng classroom para puntahan siya. Pero wala siya dun.
"Hula ko nasa classroom nila toh" bulong ko sa sarili.
Kaya agad akong pumunta sa classroom nila upang silipin kung nandun siya. Nang makarating ako ay nandun nga siya at parang natutulog.
"Pwede pong pumasok?" Tanong ko sa isa sa mga kaklase niya.
Pumayag naman ito ngunit sa pagpasok ko ay lahat ng mata nakasundo saakin. Hi di ko na pinansin ang mga yun. Lumapit nalang ako kay Alejandro.
Sakto nagising siya sabay binatukan ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo noh, sabi ko magpahinga ka pero hindi ka nakinig, pinapili kita, pinili mo sa clinic" sabi ko na parang isang nanay na pinapagalitan ang anak.
"Clinic ba toh ha?" Dagdag ko pa.
Hindi ko na pinagsalita si Alejandro. Binigyan ko nalang siya ng pagkain para makainom siya ng gamot. Buti nalang lagia kong may dalang gamot.
Halata sa mukha ni Alejandro na masama pakiramdami niya. Namumutla siya at nagmumukha na siyang espasol.
"Uminom ka ng gamot" sabay abot ng mga gamot sakanya.
Masunurin naman siya at kinuha ito para inumin. Pagkatapos nun ay pansin ko na medyo ayos na ang pakiramdam niya. Kaya hinamapas ko nalang siya sa noo dahil ang tigas ng ulo niya.
"Babalik na ako sa classroom ha" paalam ko sakanya.
Kinawayan niya nalang ako at ngumiti. Pagkatapos nun ay bumalik na din ako dahil magsisimula na ang klase.
Makalipas ang ilang oras na pagbabasa ay sinundo ko na si Alejandro sa kanilang classroom. At nakita ko siya hinihintay ako sa may labas kaya nagmadali na akong lapitan siya.
Tsinek ko kung mainit pa siya pero hindi na.
"Hays buti nalang at ayos ka na" at napangiti nalang ako sakanya.
"Syempre ang galing ng nagalaga saken eh" sabay pinisil niya nanaman ang aking pisngi ng napakalakas.
Umuwi na kami pagkatapos nun para makapagreview pa. Pagod na pagod yung utak ko nung araw na yun dahil sa pagbabasa.
Nang mapansin ni Alejandro na parang pagod na pagod ako ay binuhat niya ako na para kaming bagong kasal.
"Pot* ibaba mo nga ako" kasabay ng mga hampas ko sa braso niya.
Hiniga niya ako sa kama nun at dinalhan ako ng pagakin.
"Kumain ka muna at magpahinga dyan, mamaya ka na ulit magbasa" pagaalala ni Alejandro.
Wala na akong magawa nun dahil hindi ko siya kayang palagan kapag maayos ang pakiramdam niya.
Makalipas ang isang oras ay nagbasa na din ako. Kailangan kong pumasa para makagraduate. Ayoko namang gagraduate si Alejandro tapos ako hindi.
Nangako din kasi kami sa isa't isa na gagraduate kami ng sabay. Inayos kong magaral para matupad ang pangako namin.
"Anong oras na Stella, matulog na tayo" bulong nito saken.
Medyo bumabagsak na din ang mga mata ko kaya sinundan ko na siya sa kwarto. Hindi naman namin nakalimutang magdasal bago matulog.
"Goodnight Stella, salamat ulit" sabi niya saken. Nakatulog kaagad siya nun. Humihilik pa siya.
"Goodnight din Alejandro" hinalikan ko nalang siya sa noo nun at natulog na din.
Maya-maya pa ay niyakap ako ni Alejandro kaya nabuhayan ako. Hindi ko alam kung intensyon niyang gawin yun o nananaginip siya.
Pero pinabayaan ko na. Gusto ko din eh.
Kaya natulog na ako.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember
Non-FictionPaano kaya kung yung nagiisang Knight in shining armor mo biglang nawala sa pinakamahalagang araw sa buhay mo? Enjoy~