Nagising ako kinabukasan dahil may naririnig akong ingay. Isang himala din na masnaunang nagising si Alejandro saken.
"Goodmorning Stella!!!!" Sigaw nito. At pilit sinasabayan yung kanta kahit wala siya sa tono.
"Parang ang ganda ng gising mo ngayon ah" sabi ko.
Unang beses ko lang makitang ganun kasigla si Alejandro. Sumasayaw pa siya at kumakanta. Nang bumangon ako ay nakahanda na ang pagkain sa lamesa.
"Ano nangyari ha?" Pagtataka ko.
"Napaginipan ko lang naman yung crush ko nung highschool" sagot nito at halatang kinikilig pa.
Nakangiti ako nun ngunit ng marinig ko yung sinabi niya ay nawala ako sa mood. Gusto ko siya tapos sasabihin niya saken na napaginipan niya crush niya. Like wtf bruh, bahala ka sa buhay mo.
Kaya padabog akong umupo at kumain. Dahil wala ako sa mood ay naiirita ako sakanya.
"Isarado mo nga yang tugtog, nakakainis!!" Sigaw ko.
Agad naman niyang sinarado yung tugtog at nagtaka ng biglang magiba ang awra ko.
"Ayos ka lang ba? Meron bang masakit sayo? Meron ka ba? Gusto ko bilhan kitang napkin?" Sunod-sunod na tanong nito.
Maslalo akong nairita sa mga sunod-sunod niyang tanong. Kaya hindi ko siya pinansin.
"Nagseselos ka noh" sabay ngitian niya ako at halatang nangaasar pa yung mukha niya.
"OO NAGSESELOS AKO, ANONG MAGAGAWA KO BESTFRIEND LANG TURING MO SAKEN" sigaw ng utak ko.
Madali akong nagseselos lalo na kapag may sinasabi siya tungkol sa ibang babae o kaya sa mga crush niya. Kapag ganun hindi ako nadadaan sa mga pagkain.
"Pano kapag sinabi kong ikaw yung napaginipan ko?" Bulong nito saken kasabay ng kaniyang mga ngiti.
Kinilig ako nun bwiset. Marupok po ako sorry. Hindi ko na din napigilang ngumiti nun.
"Talaga?" Masayang tanong ko sakanya.
"Syempre" sagot naman neto.
Napansin ko ang pagpula ng mukha ko sa kilig. Sumasakit na din ang mga pisngi ko sa sobrang ngiti. Nung sinabi niya yun nagkaroon ako ng pagasa na maging kami.
"Hindi" dagdag ni Alejandro sabay tumawa ng pagkalakas-lakas.
Yung mga saya at kilig ko napalitan ng galit. Parang gusto kong pumatay ng tao na may pangalan na Alejandro nung mga oras na yun.
"Kala mo natutuwa ako" sabay tinuro ko ang mukha ko na walang emosyon. Buti nalang at ubos ko na ang pagkain ko kung hindi tinapon ko siguro yun sa mukha niya.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa mahatid niya ako sa classroom.
"Sorry na ha, babawi ako sayo" sabay hinalik niya ako sa noo at umalis.
Kinikilig ako nun pero dapat ipakita ko na galit ako sakanya. Nang makaalis na siya ay nilabas ko na yung kilig. Nararamdaman ko nanaman na namumula yung mukha ko. Sumasakit na din yung mga pisngi ko sa sobrang ngiti.
Feeling ko nga aabot na sa tenga yung ngiti ko. Ang saya-saya ko nun hanggang sa pumasok yung prof namin at sinabi na ngayon na yung test.
"Pot* hindi pa ako gaano nakapagreview ng maayos" bulong ko sa sarili.
Nagdasal nalang ako nun at humiling na sana makapasa ako. Gusto ko kasing grumaduate. Napapansin ko din yung iba kong kaklase na kinakabahan.
At dumating na ang mga test paper na sasagutan ko. Nang una kong tong tinignan ay napamura ako sa sobrang hirap.
"Wala na akong matandaan sa mga toh" bulong ko sa sarili habang pinagiisipan kung paano yun sasagutan.
30 minutes nalang ipapasa na ang mga test papers. Eh konti palang nasasagutan ko. Nagdasal ulit ako nun para lang sabihin na manghuhula na ako.
"Bahala na po" sabay sinagutan ko kaagad lahat ng wala pa akong sagot.
Sakto natapos na ako ilang segundo bago matapos ang oras. Kinakabahan lang ako dahil karamihan sa mga sagot ko ay hula ko lang.
Hindi ko inisip na may susunod pa pala. Nagdasal ako ng nagdasal na sana pumasa ako.
Sinagutan ko kaagad yung binigay na test paper saken at himala konti lang ang hinulaan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing ilalagay ko na yung sagot. Feeling ko kasi tama.
Natapos na din ang oras at lunch na namin. Hinihintay ko na dumating si Alejandro. Maya maya pa ay dumating na siya at halatang masaya siya.
"Kamusta yung test?" Tanong ko.
"Madali lang naman" sagot naman neto.
Hindi na ako nagulat sa sagot niya. Alam ko kasing napakatalino ni Alejandro at kahit hindi na siya magreview ay alam na niya ang mga sagot.
"Eh ikaw kamusta?" Tanong naman neto.
Dahil ayaw kong pagtawanan niya ako. Nagsinungaling ako.
"Basic" sagot ko habang nakangiti.
Maya-maya pa ay biglang may sumigaw sa isa sa mga kaklase ko.
"Stella grabe ka pagpawisan kanina nung nagtest tayo!!!" Sigaw nito.
Aba'y gag* wala na nabuking na ako ni Alejandro.
"Basic pala ah HAHAHA" sabay kinaltukan ako ng malakas.
Pagkatapos nun ay sabay na kaming kumain ng lunch at bumalik kaagad sa kaniya-kaniya naming classroom para magreview.
Last test na namin at pagkatapos happy happy na sa susunod na mga araw.
Nagdasal muna ulit ako bago magsimulang magsagot. Medyo nadalian ako sa test kaya natapos ako kaagad. Ang saya ko nun dahil feeling ko makakagraduate ako.
"Gagraduate ako gagraduate ako" paulit-ulit kong bulong sa sarili.
Nakita ko si Alejandro sa may pinto at alam kong uwian na nun. Masaya akong lumabas at hindi siya pinansin.
"Ang saya mo ah" sabi ni Alejandro habang naglalakad kami pauwi.
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy nang naglakad. Paguwi namin ay nagluto agad ako.
"Good mood si babae" sabay pisil sa mga pisngi ko.
Nang natapos akong magluto siya agad tumikim ng luto ko.
"Aba masarap ah, first time HAHAHA" sabi nito nang matilam ang luto ko.
Kumain agad kami at inubos yung niluto ko. Busog na busog kaming dalawa pagkatapos nun kaya nagpahinga kami saglit at nanood ng tv.
Nang dumilim na ay naghanda na kami para matulog. Sobra kaming nabusog kaya siguro inantok kami kaagad.
"Sana mapaginipan ko ulit yung crush ko" bulong nito.
Yung masayang Stella naging nagseselos na Stella. Sinuntok ko siya ng napakalakas pagkatapos kong marinig yung sinabi niya.
"Goodnight!!" Sigaw ko.
Hinawakan niya bewang ko nun at nawala yung inis ko sakanaya. Marupok po kasi talaga ako.
"Goodnight din Stella" sagot naman neto.
Matutulog nanaman akong kinikilig dahil sakanya kaya maslalo akong nahuhulog eh.
Araw-araw maslalo ko siyang nagugustuhan dahil sa mga ginagawa niya.
Napapaisip din kasi ako mainsan na baka hindi ko siya makakasama ng matagal. Na baka may magustuhan siya at maging sila tapos iwan niya ako bigla.
Kaya sinusulit ko yung mga araw na kasama ko siya.
"Goodnight Alejandro Trinidad ko" sabay pumikit na ako para matulog.
BINABASA MO ANG
A Knight To Remember
No FicciónPaano kaya kung yung nagiisang Knight in shining armor mo biglang nawala sa pinakamahalagang araw sa buhay mo? Enjoy~