Chapter 10: Love and Lies
-3rd person's POV-
"Yes Kennedy, kami na ni Yesha."
Hindi makapaniwala si Kennedy sa narinig niya, magkahalong galit, selos at pagkagulat ang kanyang narinig gusto niyang suntuking ang taong nasa harapan niya pero hindi niya magawa dahil kuya pa rin niya iyon kaya ang pader na lang ang sinuntok niya ng sinuntok.
"Salamat ha! Salamat sa lahat! Kuya!" Pagkasabi ni Kennedy nuon ay lumabas siya ng kwarto na mugto ang mata ngunit pinigilan siya ni Yesha na umalis upang makapagpaliwanag din siya sa mga nangyari.
"Kennedy, please let me explain." pagsusumamo ng dalaga sa kanya at pinakinggan naman siya nito at naupo sa isang upuan, lumabas na rin si Kai sa kwarto nanginginig ang katawan pero pilit kinakalma ang sarili.
"Kai, umupo ka dito, we need to tell him everything." sumunod naman si Kai sa utos ng dalaga at naupo siya sa isa sa mga upuan malapit sa kanyang kapatid.
"Kuya, kelan pa? Ano ba to? Plano ninyo ba tong dalawa para saktan ako? Yesha, Oo aminado akong may kasalanan ako pero bakit si kuya pa? This is too Ironic! Sa dinami rami ng lalake bakit si kuya pa ang ipinalit mo!? BAKIT KAPATID KO PA!? Kung may gusto ka naman sa kuya ko, hindi mo naman kailangang itago eh, pwede mo namang sabihin sakin eh pero bakit? Kuya, bakit sa lahat ng tao, IKAW PA NA KAPATID AKO ANG GUMAWA NITO SA AKIN!?" pabaling baling na tanong niya sa dalawa, kitang kita sa mga luha niya ang pait at sakit na nadarama niya. Si yesha naman ay nagsisimula na ring umiyak sa nakikita niya at si Kai naman ay nanginginig pa rin pero pinipilit niyang maging kalmado pa rin sa sitwasyon upang makapag isip pa rin siya ng maayos. Sandaling tumahimik ang paligid at si Yesha ang bumasag sa katahimikan. "Kennedy, look we didn't plan this!" Panimula ni Yesha, "Hindi ko rin ginusto na saktan ka, bakit sa tingin mo ba? kapag sinabi namin sayo na kami na. What would be your reactions?"
"Magagalit siyempre!" sagot ni Kennedy sa tanong ni Yesha.
"Kita mu na!? That's why we didnt tell you in the first place kase iyan agad ang magiging reaksyon mo!"
"Ken, hindi namin plinano itong mga ito. Dati sabi ko, siya ang taong hinding hindi ko magugustuhan dahil sa sobrang kakulitan niya, at ang sabi din niya sakin ay ako ang taong hinding hindi niya rin magugustuhan dahil sa lagi siyan pagpapaliwanag ni Kai sa kapatid.
"Kuya, kelan pa to? Kelan pa naging kayo? Kelan nyo pa ako nagsimulang lokohin?"
"Kennedy, hindi ka namin niloloko, oo naglihim kami sayo, pero hindi kami nagsinungaling sayo." pagpapaliwanag ni Kai,
"Kuya, Yesha, Isang tanong isang sagot. Mahal nyo ba ang isa't isa?"
"OO" sabay na sagot ni Kai at ni Yesha. tinitigan ni Kai ang kapatid niya ng mata sa mata, bagay na hindi niya ginagawa na siya namang ikinagulat ni Kennedy.
"Kung ganon, wala akong magagawa." Umiiyak na sabi ni Kennedy.
"Alam nyo, para matapos na ang kaguluhan na to, itigil na natin tong lahat." Umiiyak na sabi ni Yesha, gulong gulo na ang isipan niya, sobra siyang nasasaktan sa nakikita niyang pagiyak ni Kennedy.
"Hindi Yesha, huwag kayong maghihiwalay ng dahil sa akin, kaya ko ito." Malungkot na sambit ni Kennedy. "Everyone agreed and the rest of thenight went well na parang walang nangyari ngunit pagkatapos ng gabi na iyon. Marami nang nagbago.
-Kai's POV-
"Nhie, ano na po ginagawa mo? bakit hindi ka nagtetext?" Tumawag ako kay Yesha dahil sobrang nagaalala na ako, hindi siya tumatawag o nagtetext man lang sa akin. mula nung nagkita kita kami nung isang araw, hindi na siya nagtetext pang muli. magtext man siya ay konting konti lamang. kaya tumawag na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCESS
RomanceDISCLAIMER: I DONOT OWN THE COVER PICTURE, JUST GRABBED IT ON GOOGLE AND EDITED IT ^_^ This story is half based on my real life and half imagination. Any form of unauthorized copying and distribution of this story by part or by whole is pun...