Chapter 12: Kennedy's Regret

61 1 0
                                    

Chapter 12: Kennedy's Regret

-Kennedy Sato's POV-

    It has been a month simula nung inireject ko si Yesha, hindi ko alam kung tama ang ginawa ko pero ang hindi ko maintindihan ay kung totoong buntis talaga si Yesha. Oo aaminin ko, mahal na mahal ko si Yesha pero hindi ko pwedeng saktan si Katherine. Gulong gulo na ang isipan ko.

    "Ui insan, tulala ka diyan" Narito ako ngayon sa bahay ni lola. Kami pa rin ko Kat pero naguguluhan na ako sa nangyari.

    "Ah wala lang to paul, may iniisip lang ako." Habang nakaupo ako sa gilid ng Terrace ay biglang nagring ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

Katherine calling...

    Si Kat pala. "Hello beb, napatawag ka?"

    "Hello beb, pwede ba tayong magkita ngayon?" aba, ano naman kaya ang kailangan ng girlfriend ko?

    "Uhm sure! Saan ba tayo?"

    "Sa may coffee shop na lang."

    "Sure I'll be there in a minute." ^_^

*END CALL*

===Sa Coffee Shop===

-3rd person POV-

    Pagkarating ni Kennedy sa coffee shop ay naroroon na si Katherine.

    "Hi beb! Kanina ka pa?"

    "Uhm nope. kakarating ko lang din," hindi iyon totoo dahil magmula pa nung tumawag siya kay Kennedy ay naroroon na siya.

    "Kennedy, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, sa totoo lang magmula pa nung isang buwan, may napansin na ako sa iyo, mahal mo ba talaga ako?"

    "Ou naman mahal kita."

    "Pero bakit iba ang kinikilos mo sa pinapakita mo? Kennedy, nitong huli, napapansin ko na mas nakangiti ka pag kasama mo si Yesha, alam ko may nakaraan kayo oo, pero kung mahal mo pa siya at kung siya talaga ang mahal mo, I'm giving you you this opportunity to leave me with my pride. Ako na lang ang makikipaghiwalay sayo Ken, I'm sorry pero sa tingin ko, hindi mo talaga ako mahal."

    Umiiyak na umalis ang dalaga at naiwanang nakatulala si Kennedy. Ngayon lang niya narealize ang isang bagay, Narealize niya na mahal niya pa talaga ang ex niyang si Yesha at labis siyang nagsisisi sa kanyang ginawa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan niya dali dali si Yesha.

    "Hello Yesha, please, huwag ka munang magsalita, may gusto lang akong sabihin ngayon sayo, baka pag pinigilan mo ako, hindi ko na to masabi pa. Yesha una sa lahat, nagsisisi aakong tinalikuran kita, patawad sa mga naging kasalanan ko. Yesha, mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon, sana pagbigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon." magasalita pa lamang sana siya ulit ng marinig niyang pigilan siya ni Yesha.

    "Ken, it's over, wala na tayo, tama nang sinaktan mo ako dati, tama nang tinalikuran mo kami ng anak mo, huwag kang magalala, hinding hindi ko ipapalaglag ang bata na ito pero hindi ko rin ito ipapakita sa iyo, sasarilinin ko ang anak ko dahil akin lang ito at wala ka nang karapatan pang bumalik pa sa akin simula nung pinili mo siya kaysa sa akin. goodbye Ken."

    Iyon na lamang ang huling mga salitang narinig ni Ken kay Yesha, mag mula noong araw na iyon ay hindi na niya nakausap pang muli si Yesha liban na nga lang sa mga school matters, naging formal rin ang pagtawag sa kanya ni Yesha. Sa kabilang banda naman. makalipas ang ilan pang mga araw ay nalalapit na rin matapos ang sem, tatlong buwang buntis na rin si Yesha ngunit wala pa ring nakakaalam dito dahil hindi naman siya malaking magbuntis.Lingid sa kaalaman ng ni Ken ay laging kausap ni Yesha ang kanyang kapatid na Kai. Lagi pa ring nagpapaalala si Kai ng mga simpleng bagay at laging nagpupursiging magkaroon ng mga simpleng paguusap ang dalawa na siya namang ikinakatuwa ni Yesha. Dahil ito, unti unti siyang nahulog muli sa binata pero hindi niya pwedeng aminin ito dahil sa kapatid niya ang ama ng dinadala nito.

    Isang araw habang papasok siya sa eskwelahan ay nagring ang phone niya at dali dali niyang sinagot ang tawag sa kanyang cellphone.

    "Hello Kuya Ji, yes I still remember our deal, when would be my fight?"


I'M IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon