Chapter 16: Princess's Golden Cage

45 0 0
                                    

Chapter 16: Princess's Golden Cage

-3rd person's POV-

    "Yesha, akala mo ba, hindi ko alam na umalis ka at pumunta ng maynila noong isang araw? Hindi ba't kabilin bilinan ko sayong hindi ka pupwedeng lumabas sa bahay na ito hangga't hindi pa tayo kasal?" Galit na sigaw ni Jiro kay yesha, si Yesha naman ay nakatungo lamang habang naka upo sa kanyang kama. Inangat niya ang kanyang ulo at buong tapang na hinarap ang kaharap niya.

    "Buti nga bumalik pa ako eh! Saka masama bang lumabas para uminom ng alak?"

    "Oo masama! Kung gusto mong maglasing, dito ka sa bahay, kahit anong gusto mong makuha pero hindi ka pwedeng lumabas ng bahay! naiintindihan mo ba ako?"

    "Hindi mo ako bilanggo Jiro! Ako pa rin ang inyong alas, hindi mo pwedeng gawin sakin to!"

    "Oo pwede, we had our deal at alam kong hindi ka tutupad sa pangako mo kaya kung ayaw mong mapahamak si Kennedy at ang pamilya niya, sumunod ka sa mga pinaguutos ko! Maliwanag ba?"

    "Siguro nga, ikakasal tayo sa papel, pero hinding hindi magiging sayo ang puso ko! Hindi mo ako pagaari tandaan mo yan!"

    "Yesha, sa ayaw mo at sa gusto, pagaari na kita simula nung matalo ka sa karera kaya kung ako sayo, sumunod ka na lang at nang wala nang madamay na iba maliwanag ba" Magiging Delos Santos ka whether you like or not!"

    Lumipas ang mga araw at naging isang bilanggo si Yesha sa bahay na iyon, kahit anong gustuhin niyang materyal na bagay ay madali niyang nakukuha ngunit hindi ang kanyang kalayaan. Isang bagay lamang ang makapagliligtas sa kanya ngunit hindi niya alam kung paano niya ito gagawin. Baka kapag sinabi niya na buntis siya'y mas mapadali ang buhay Kennedy at ng pamilya nito at kasama na rin dito ang kanyang minamahal na si Kai. Alam niyang pinapasundan silang lahat ni Jiro sa mga tauhan nito.

    Ilang araw nang nagmamasid si Kai sa bahay na ng mga Delos Santos pero hindi pa rin niya alam kung paano siya makakapasok nang hindi nalalaman ng mga tauhan ni Jiro. Ilang araw din na may sumusunod sa kanya kaya kinailangan niya muna itong iligaw at nagtagumpay naman siya makalipas ang dalawang araw.

    Nabigla siya ng makita niyang may sumilip sa bintanang isang pamilyar na mukha, lamungkot ang mukha nito sa malayo.

    "Si Yesha ah! Sa wakas, alam ko na rin kung saang parte siya ng bahay naroroon ang kailangan ko na lang ay magkaroon ng plano para makapasok at makapunta sa kwarto na iyon." Bulong ni Kai sa kanyang sarili. Matapos ang ilang araw na pagmamanman ay bumuo na siya ng plano upang mapasok ang loob ng bahay ng mga Delos Santos.

    Umalis muna pansamantala si Kai para tawagan ang isang kaibigan niya.

    "Hello Kuya Arjay, I need yor help..."

I'M IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon