Chapter 11: Loser's Lane

55 1 0
                                    

Chapter 11: Loser's Lane

-3rd person's POV-

    "Kuya nagmamakaawa ako sa inyo, huwag na huwag ninyong gagalawin si Kennedy..." Those words are drowned in Yesha's tears as she ends the call, and she cried while walking, the rain started to pour like it symphatizes with her.

    "Kai, alam mo ba kung bakit gusto kong nagpapaulan pag malungkot ako?" all of a sudden biglang nagsalita si Kai habang pilit niyang tinatakpan ng jacket niya ang ulo ni Yesha para maiwasang mabasa pero hinahawi naman ng kamay ng dalaga ang jacket ni Kai.

    "Hmm?" tanong ni Kai pero alam na niya ang sagot mula pa lang sa expression ng muka ni Yesha, she's crying. mababakas ito sa mga pagtaas at baba ng mga balikat nito.

    "K-kasi, pag umiiyak ako at umuulan, hindi na halata ang luha ko dahil sa dami ng pumapatak na tubig sa aking muka."

    "Alam mo nhie, kalokohan yang sinasabi mong natatago ng ulan ang lungkot mo, oo, tinatakpan ng ulan ang luha mo pero kitang kita naman sa kilos mo na umiiyak ka, alam mo, hindi mo kayang itago sakin ang sakit dahil yun din ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako na wala na tayo, pero mas masakit na iniwanan ka rin ng dahilan mo para iwanan ako. We all lost in this stupid game." Umiiyak si Kai habang sinasabi niya yun, si Yesha naman ay napatigil na lamang sa gitna ng ulan. gulong gulo ang isipan niya, nung nasa terminal na sila ay wala na roon si Kennedy kaya sila Yesha at Kai na lang ang nagantay ng masasakyan nila.

    "Yesha, alam mo, sana ako na lang ang mahal mo, sana sakin mo na lang binubuhos ang attensyon mo." Biglang sinabi ni Kai kay Yesha na siya namang ikinabigla ng dalaga. "Alam mo Kai, si Kennedy talaga ang mahal ko pero wala eh, sayang lang yung ginawa nating effort..." malungkot na sabi ng dalaga at ngumiti ito. sa pag ngiti naman niya'y may pumatak na luha rito at agad pinunasan ng binata. "Malay mo Kai, magkaron ng chance na maging tayo sa future."

    "Sana nga." pagkatapos ng usapan na iyon ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Dala ni Kai ang pagasa na magiging sila rin balang araw.

    Si Yesha naman ay dumeretso na sa pagdarausan ng karera niya. Karera na alam niyang matatalo rin siya dahil isa sa apat na hari ang makakalaban niya, at iyon ay walang iba kung hindi si Jiro Delos Santos.

    "Yesha, handa ka na ba?" tanong ni Jiro sa kanya.

    "Oo handa na ako at nangako kang tutuparin mo ang napakasunduan natin hindi ba? Wala kang gagalawin kahit isa sa pamilya nila Kennedy!" pagsusumamo ni Yesha sa kaharap niya.

    "Oo nasa iyo ang aking salita, sige na. magpalit ka na at tayo na sa race track."

    Umalis na ang dalaga para magpalit ng kanyang pangkarerang kasuotan, pero bago siya sumakay ng kanyang kotse, humawak muna siya sa kanyang tiyan. "Baby, wag ka mawawala ah, wag muna."

    Nagsimula ang karera, sa una'y halos pantay dikit ang laban ngunit nung dumating sila sa kalagitnaan ng race track. mas lalong bumilis ang patakbo ni Jiro at tuluyang naiwanan si Yesha. Yesha Lost the race.

    "Pano ba yan Princess, natalo ka, alam mo ang kabayaran sa mga talunan. Pero huwag kang magalala, may iba akong hihingin sayong kabayaran."

    "Kahit ano, wag mo lang gagalawin si Kennedy at ang pamilya niya." muling pagmamakaawa ni Yesha sa una.

    "Wag ka magalala, I'll keep my promise pero kailangan mong magpakasal sa akin sa takdang panahon. magiging isa kang Delos Santos at walang makakapigil sakin! Bukod doon, may magaganap na laban sa isang buwan at gusto kong ikaw ang lumaban, siguro naman ay hindi mo pa nakakalimutan ang mga tinuro ko sa iyo hindi ba?"

    Wala nang  nagawa si Yesha sa gustong ipagawa sa kanya ni Jiro. gusto ni Jiro na bumalik si Yesha sa Pagiging isang Ace Princess. Bagay na kahit ayaw nang gawin ni Yesha ay kailangan niyang gawin alang alang na lamang sa anak niya.

    Natalo silang lahat. Si Kai, si Kennedy at si Yesha. Lahat sila nasaktan pero walang makakahigit sa sakit na nadarama ni Yesha.

I'M IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon