Chapter 18: Wedding Day or Death Day?

74 0 0
                                    

Chapter 18: Wedding Day or Death Day?

-3rd Person's POV-

    Sumapit ang araw ng kasal nila Yesha at Jiro, ang lahat ay abala na sa paghahanda. Binihisan na rin ng

mga maids si Yesha ng kanyang trahe de boda at inayusan na rin. Mababakas sa kanyang mukha ang pangamba

pero naroroon parin ang pagasa niyang tutuparin ni Kai ang kanyang pangako.

    "Handa ka na ba sa ating kasal mahal kong prinsesa?" pagbati ni Jiro kay Yesha habang pinagmamasdan

nito ang babae na palabas ng bahay.

    "Jiro, tandaan mo, magiging kasal lamang tayo sa papel pero hinding hindi ako mapapasa iyo!"

    "Akin ka na magmula pa noon Yesha, tanggapin mo na ang katotohanang iyon, hinding hindi ka

maililigtas ng mahal mong si Kai o kahit pa ng kapatid nitong si Kennedy tandaan mo iyan."

    Muling tumulo ang luha ni Yesha sa mga sinabi ni Jiro. Ililigtas kaya siya ni Kai? Tutuparin kaya nito ang

pangako nito sa kanya? maraming naglalaro sa isipan ni Yesha ngayon -- mga masasamang bagay -- pero sa loob

niya, alam niyang hindi siya bibiguin ni Kai.

===Sa Simbahan===

    Nagsimula nang tumugtog ang wedding march at isa isa nang nagsipag martya ang mga kasali panauhin

papasok ng simbahan. Habang naglalakad si Yesha ay patuloy naman siya sa pagiyak. Natatakpan ng belo ang

kanyang mukha ngunit mababakas pa rin ang kalungkutan sa kanya.

    "Tayo'y naririto ngayon sa harapan upang saksihan ang pagiisang dibdib ni Kenjiro at ni Aiyesha. Kung

sino man ang tumututol sa kasalang ito ay tumayo na at magsalita na o manahimik habang buhay."

    Magsasalita na muli sana ang pari nang biglang magbukas ang pintuan ng simbahan at inilabas nito ang

isang sugatang lalake kasama ang isang kaibigan niya.

    "ITIGIL NINYO ANG KASALANG ITO! JIRO, HINAHAMON KITA SA ISANG LABAN HANGGANG

KAMATAYAN!"

/AUTHOR'S NOTE:/

    Final chapter na po mga kaibigan, wag niyo po sana akong papatayin sa magiging ending ng story, alam

ko po, may magagalit sa akin or magkakaroon ng mga violent reactions pero mas gusto kong ganito ang ending ng

istorya ko. Wala po sanang haters (*Gulp* preparing myself)

I'M IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon