Chapter 1

10.7K 252 3
                                    

Chapter 1

Inirapan ko si Sally pagkatapos ay naiiling akong tumayo sa upuan ko. Pero hindi siya nagpatinag at talagang sinundan pa ako hanggang sa veranda ng bahay.

"Sige na, Sapphy!" she pouted. Magkadikit pa ang kamay niya at akala mo ay nagdadasal.

Sumulyap ako sa kaniya.

"No." I said firmly.

"Sige na, Sapphy. Pa-birthday gift mo na kay Milan." pangungulit niya pa.

Muli akong bumalik sa kusina dahil naiwan ko roon ang kape na iniinom ko.

"Kung gustong-gusto mo talaga edi ikaw ang kumausap sa lalaking iyon." I smirked at her.

Agad siyang sumimangot at sumampa sa island counter.

"Para namang makakalapit ako roon. At saka hindi naman ako ang may close roon e. Ikaw!" nakangusong turo niya saakin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at muli nanamang napa-irap sa kakambal ko.

"Hello, girls!" sabay kaming napalingon sa kadarating lang na si Jude.

Nakangisi ito at may dala-dalang pagkain.

Tinanguan ko ito at lumabas na ng kitchen. Bago pa ako makalabas ay narinig ko pang nagsusumbong si Sally kay Jude. Napaismid ako ng tawanan lang ni Jude si Sally.

Poor, Sally!

Nagtungo ako sa living room. Maya-maya pa ay sumunod doon si Jude.

"Bumili ako ng paborito mo." he grinned and sat beside me.

"Thanks!" tipid na sabi ko sabay baling sa pinapanuod.

"Birthday na pala ni Milan?" pagbubukas niya ng topic.

Sinimangutan ko siya at kunot-noong binalingan. "Ayoko nga." annoyed na sabi ko sa kaniya. Pati ba naman siya?

There's no way I'll contact Ashen Corrins again! Ang tagal ko ng hindi nakikita at nakakausap ang lalaking iyon tapos bigla akong susulpot sa harapan niya just for a fucking favor? Buti kung pagbigyan pa ko n'on? We're not that close now. At hindi din kami naging close kahit noon. Bigla akong napalunok ng maalala ko nanaman ang huli naging pag-uusap namin ni Ashen.

That day. Argh!

At isa pa tulad ng sabi ko dati ayoko magkaroon ng koneksyon sa kahit na sinong Corrins.

"Tungkol pa rin ba iyon sa daddy mo?" Jude sighed.

Umiling ako. "Hindi. Ayoko lang magkaroon pa ng koneksyon sa mga Corrins. Lalo na kay Ashen pinasasakit n'on ang ulo ko."nakangiwing sabi ko. "Tapos hihingi pa ako ng favor? No. As in hindi talaga kahit ikaw pa ang mangumbinsi sa akin, Jude, my answer will be the same and it's a capital N-O."

"Hindi mo lang matanggap na palagi ka niyang tinatawag na Sally noon e." pangangasar ni Jude.

Naalala ko nanaman tuloy ang pambwibwisit ni Ashen saakin noong college kami. At ang araw na iyon! Kainis! Wala sa sariling napalakas ang pagkakababa ko ng tasa sa center table.

Nagkatinginan kami ni Jude at mabilis na umiwas ako ng tingin sa kaniya at narinig ko naman ang paghalakhak niya.

"Seriously, Sapphy. I'm curious to know what really happened that day, huh?" nangingiting tanong ni Jude saakin.

"Nothing." depensa ko sabay irap. "Ewan ko ba riyan kay, Sally, masiyadong mabait. Obvious naman na ginagamit lang siya ng Milan na iyon pero sige pa rin ang pakikipagkaibigan sa babae na iyon." medyo pagalit na sabi ko para maiba ang usapan.

Playboy's SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon