Chapter 11

7.3K 227 0
                                    

Officially

Nagulat si Fern ng makita niya ako. Nagaayos ito ng gamit sa table sa office ko ng dumating ako doon.

"M-Miss Sapphy, o-okay na po ba kayo? Akala ko po hindi kayo papasok ngayon dahil sa nangyare sainyo. Ah, Mr. Corrins called me earlier pinapacancel nito lahat ng appointments mo ngayon kaya akala ko po ay hindi kayo papasok."napapakamot na sabi nito saakin.

"Si Ashen?"nangunot ang noo ko. Agad naman itong tumango saakin.

Lumapit ako sa table ko at inilapag doon ang bag ko."Okay na ko. Hindi naman malala ang nangyare saakin galos at iilang pasa lang. Isa pa I already rest the whole day yesterday."sabi ko dito.

"G-ganoon po ba. Ah coffee po?"

"Yes. Thank you, Fern."

Tumango ito at akmang lalabas na ng office ko ng tawagin ko siya.

"Fern,"huminto ito at lumingon saakin.

"At kelan mo pa sinusunod ang utos ng isang Corrins? Sa pagkakaalam ko kasi ako ang boss mo?"tinaasan ko siya ng kilay.

Napalunok naman siya at hindi nakasagot.

"It's okay. Sige na at ipagtimpla mo na ko ng kape."

Para namang nakahinga siya ng maluwag dahil doon at natatarantang lumabas ng office ko.

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong kidnappin ako ng baliw na babae na iyon. She's in jail now. Frustrated murder at kidnapping ang kaso niya.

Kahapon ay binisita ako nila Wendy sa bahay kasama si Luis who apologized of what his pyscho ex girlfriend did to me. I told him that it wasn't his fault. Hindi niya kasalanan na may sayad sa utak ang ex girlfriend niya but still he insists na kasalanan niya at kung may pagkakataon ay babawi siya saakin of course Ashen was against of that. Muntik na nga sila magkainitan ni Luis sa bahay kahapon. Kung hindi lang umawat ang mga pinsan ni Ashen sa kanya ay baka kung ano ng nangyare.

Nang umalis si Ashen kahapon ay hindi ako nito kinibo. Siguro ay badtrip dahil kay Luis. Kwinestyon din kasi ni Luis si Ashen kung bakit nangingialam ito sa buhay ko. At kung bakit kung umasta ay akala mo boyfriend ko. Saglit na natigilan si Ashen n'on at nag-igting ang panga.

Dahil wala din naman akong gagawin sa office ay nagpasya na lang akong puntahan si Sally. Palabas na ko ng Prime Design ng maabutan ko si Luis.

Papasok ito at mukhang nagulat ng makasalubong ako.

"Hey!"he smiled at me.

"Luis, what are you doing here?"kunot-noong tanong ko.

"Ah. I just want to ask you out for a lunch? Sakto pala ang dating ko."

"Ah. May pupunta ako. I'm sorry."naiiling na sagot ko.

"Ganoon ba. It's fine maybe some other time. Atsaka kakausapin na din sana kita. Don't worry it's about business."

"Okay. Ah, sure."tango ko dito.

"Thanks. Maybe some other time?"

Tumango ako dito.

Pagkalabas namin ni Luis sa Prime Design naabutan ko naman si Pierre doon.

"Pierre!?"

"Ah. Hi?"natatawang bati nito saakin. Nakataas ang isang kamay nito samantalang nakapamulsa naman ang isa.

"Sige, Sapphy. Mauna na ko."paalam ni Luis at nagtungo na sa sasakyan nito.

"What are you doing here?"takang tanong ko kay Pierre.

Playboy's SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon