Chapter 2

9.6K 259 1
                                    

Chapter 2

"How about this one?"

Tamad akong tumango sa kaniya. Kahit ano naman atang piliin niya ay babagay sa kaniya. At nakakainis iyon. Wala man lang bang damit ang hindi babagay sa lalaking 'to?

I snorted.

"Bilhin mo na lang lahat."tamad na suhestyon ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin. "Why?"

Nagkibit-balikat ako.

"Bagay naman sa iyo lahat." wala sa sariling sagot ko.

Bago ko pa mabawi ang nasabi nakita ko na ang baliw na ngingisi-ngising nagtungo sa counter para bilhin ang lahat ng damit na sinukat niya, napailing-iling na lang akong sumunod sa kaniya.

Paglabas namin ng MEN's store ay abot tainga pa rin ang ngiti ng baliw na 'to.

"Nagugutom na ako. Bilisan mo." utos ko sa kaniya ng makitang napakabagal maglakad ng mokong. Akala mo nagmomodel.

"Tss." he snorted.

"I thought you're hungry?" kunot-noong tanong niya ng dalhin ko siya sa isang ice cream parlor.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Oo. Gutom nga ako."

"But you bring me here?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Gusto ko ng ice cream." kibit-balikat na sagot ko.

"Oh. Bilis umorder ka na roon." utos ko sa kaniya nang makaupo ako.

"Fine." bigla na lang siyang umalis at nagtungo sa counter. Hindi ko pa nasasabi kung anong order ko. Aba't!

Tumayo ako at pinuntahan ko siya sakto naman na siya na agad ang oorder. Speed lang.

"One chocolate ice cream and make sure you'll put raisins on top of it. And one rocky road." pag-oorder niya na wala man lang lingon-lingon sa cashier kundi sa menu lang sa itaas ang tingin niya.

Nang mapalingon siya sa gawi ko ay agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Shit! Bigla ko nanaman tuloy naalala.

"Are you okay?" hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya. Sinipat niya ang noo ko. "You're not sick. You don't have any allergies. What's wrong?"

"H-huh? Wala! Wala. Mainit lang." I reasoned out.

"Hot? It's that so?" nanunudyong tanong niya sa akin.

Inirapan ko siya at hindi na sumagot. Ilang saglit pa ay dumating na ang order namin.

Nailapag pa n'ong babae iyong chocolate na may raisins sa harap ni Ashen akala siguro nito iyon ang order ng lalaki.

"Nope. That's her order." Ashen grins before shooking his head. Ipinagpalit niya ang dalawang baso.

"Thank you," I said to no one. Hindi ko alam kung para kanino iyon. Sa babaeng nagserve ba saamin o kay Ashen?

"So...I heard you're now a CEO of your  own company." he open up a topic.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumisi. "Yeah."

"If you need...anything...you know..." itinagilid niya ang ulo at pinakatitigan akong maigi na para bang binabasa ang iniisip ko ngayon.

"Thanks but Prime Design is doing good so far kaya wala namang problema."

He nodded slowly.

After namin kumain ng ice cream ay hinatid na din niya ako pauwi.

Nagulat ako ng salubungin kami ni Sally. Ang aga naman ata ng uwian niya?

Playboy's SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon