CHAPTER ONE.

1.5K 59 14
                                    

This is an unedited version.

--

She drinks alcohol, she smokes, she got a huge phoenix tattoo across her back—a new Gabbie was born because of what happened one year ago...


**


"Uhm...pwede bang humingi ng piso?" napalingon ako sa babaeng katabi ko. Nasa harap kami ng vending machine at hinihintay ko siyang matapos para makabili rin ako ng coke.

It was the summer of my 2nd year in middle school at nagdesisyon ang pamilya namin na magbakasyon dito sa villa ni daddy sa Baguio.  

"Kulang kasi ako ng piso," she said and smiled. Napatulala ako sa kanya. Normally people would never do what she just did. I mean, we're both strangers. Hindi namin kilala ang isa't-isa tapos manghihingi siya sa 'kin ng piso na para kaming best buddies. What if hindi ako ang nandito ngayon? What if it was some old pervert man? Tsktsk. This girl is too defenseless. 

"Here," binigyan ko siya ng limang piso.  

"Salamat." Inihulog niya sa vending machine ang barya at bumili ng coke zero at iniabot sa 'kin ang sukling four pesos. "Sukli mo kuya."

"No, it's okay. Sa 'yo na 'yan," giit ko.

"Pero—"

"Don't worry. Sapat pa ang sukli ko para bumili ng coke," sabi ko at isa-isang nilagay ang mga barya sa vending machine.

"Wel, uhm.. thanks," she said and left.

Nang makuha ko ang coke ay nagsimula na akong maglakad. Nasa unahan ko pa rin ang babaeng nanghingi sa 'kin ng piso. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa 'kin para sundan siya pero, ayun nga, at nagmukha akong stalker. Lakad lang siya ng lakad hanggang sa makarating siya sa Jollibee. Ginutom ata sa kakalakad e.

Nang pumasok siya'y pumasok din ako sa loob. Pero syempre nagtago pa rin ako sa likod ng ilang mga customers. Hinagilap ng mata ko ang babae. Despite the fact na maraming pumipila ay dumiretso lang siya sa counter. Naman, wala atang respeto 'tong babaeng 'to a.

Alam ko naman kung anong klase ng generation ang mga kabataan ngayon pero sobra na yata 'tong ganito. I sounded like an old man, but, well.. it's true. Ang unfair para sa mga taong pumipila. May narinig akong nagreklamo sa likod ko at nakita ko rin ang ilan na tiningnan ng masama ang babae.

Pero mas nagtaka ako na marinig ang mga tunog ng barya.


Cling Clang Cling Clang


"Hi Gabbie. Kung sana lahat ng tao kasing bait mo," sabi ng cashier ng Jollibee na nakangiti at kausap 'yong babae.

"Konting tulong lang naman 'to ate Karen," sabi niya at tumalikod para umalis. "Pasensya na po sa abala," hinarap niya ang mga taong pumipila at tsaka siya lumabas ng Jollibee.

Hinulog niya sa Bantay Bata box ang apat na pisong sukli sa binili niyang coke kanina. Iyong Bantay Bata box na halos walang pumapansin. Akalain mo 'yon?

Hindi ko namalayang napatawa ako. Lalo na ng makita ko ang reaksyon ng ilang customers. Animo'y napahiya sila. Well, I must admit that I'm one of them, though. "She's weird. I like her."

"That's Gabbie."

Napalingon ako sa cashier na kumausap kanina sa babae. Lumapit naman ako sa kanya. "Palagi niya bang ginagawa 'yon?"

"Everyday." She said habang nagbibilang ng sukli niya sa isang customer. "Palagi siyang pumupunta rito at naglalagay ng barya sa Bantay Bata box. Piso, dalawang piso, minsan isang libo pa nga. Napakabait na bata. Pati nga ang manager namin ay humahanga sa batang 'yan. Matalino na mabait pa."

"Gabbie, huh."

"I know that look sir."

"What?" Napangiti lang ang cashier habang ako naman ay hirap na hirap itago ang ngiti ko. "Okay. Gotta go."

Tumakbo na ako sa labas. Hinanap ang babae at hinabol siya.

"Hey.." hinawakan ko siya sa balikat.

"Hala kuya!" sabi niya at mukhang gulat na gulat. "Wala na sa 'kin 'yong sukli mo. Naibigay ko na. Sorry po."

"What? No. I don't care about that. At feeling ko magkaedad lang tayo kaya 'wag mo na akong tawaging kuya."

"I'm fifteen."

Napangiti ako. "Yeah, me too. Shane nga pala." I stretched out my hand para makipag-handshake.

"I'm Gabbie. Pero Gab na lang," sabi niya at inabot ang kamay ko. "Bago ka lang ba rito?" tanong ni Gab habang naglalakad kaming dalawa sa daan.

"No, nagbabakasyon lang. May villa kasi si daddy dito. Doon muna kami nags-stay ng family ko."

I invited her na kumain sa isang café at pumayag naman siya.

"Hey, okay ka lang ba sa ganito? Aren't you trusting me a bit too much?" tanong ko nang makaupo kami.

"May rason ba para hindi kita pagkatiwalaan?" Natahimik ako at umiling ng mabilis. "Then it's okay. I don't know either but I got this strong feeling that I could trust you. Wait, is that dirt?" sabi niya at inabot ang nunal sa collarbone ko.

"Umm, no. That's my mole."

Namula ng konti ang pisngi niya. "Oh..sorry."

Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga family namin. Doon ko nalaman na mayaman pala sila. Nasa States ang mom and dad niya at nag-aaral naman sa isang university sa Manila ang kuya niya. Naiwan siya sa nakatatandang kapatid ng daddy niya, Rufus daw ang pangalan n'on.

She's also an honor student, Top 1 pa nga. Palaging champion sa mga scholastic competitions. Palagi rin daw siyang nagvovolunteer kapag may mga kalamidad.

Habang tumatagal mas lalo akong humahanga sa kanya. Para siyang anghel na bumaba ng langit. Konting tao na lang ngayon ang gagawa ng mga ginagawa niya para lang makatulong sa kapwa .

"Can I meet you again tomorrow?" tanong ko, hoping na papayag siya.

"Tanungin ko muna si tito. Pero feeling ko hindi papaya 'yon." Oo nga pala. Naikwento niya rin sa 'kin na strikto ang tito niya. Naman e. Sayang. "But I can sneak out of the house kapag afternoon nap niya na."

My face lit up. "Talaga?"

"Yup. Sige Shane mauna na ako."

"Yeah, take care. See you again tomorrow."

She waved her goodbye to me. Hindi ko maitago ang ngiti ko habang tinitingnan si Gabbie sa malayo. I had fun talking with her. Ang sarap niya kasing kausap. I felt comfortable around her like we've known each other for years. I love the way she laughs. The way the wind flips her long hair. The way she say my name.

Shit. Mas crush ko pa ata siya kaysa kay Emma Stone. 


 ———-


How's the first chapter? Salamat pala sa mga nagbabasa nito. Please vote if nagustuhan niyo. Sankyuu (^ —- ^)/

Stray Heart | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon