CHAPTER EIGHT.

695 42 6
                                    

"And who is this Gabbie by the way at nagpapakalasing ka para sa kanya?"

"Oo nga naman. Si Shane Harris? Ang prodigal son ng chairman namin noong middle school? Nagiging lasinggero dahil sa isang babae?"

"That is so not you Shane." Heto ako sa bar ngayon at pinagkakaisahan ng mga classmates ko noong middle school. We used our fake IDs.

One year had past. May communication pa kami ni Gabbie noon. Tumatawag ako sa kanya palagi para kamustahin siya. Oo, LDR kami. Pero hindi ako nababagabag dahil alam ko kung anong klaseng babae si Gabbie. She won't cheat on me. And I'll do likewise.

Pero biglang nawala ang communication namin noong papalapit na ang graduation ko. Kaya naman noong nakagraduate ako sa middle school ay bumalik ako agad kina Gabbie. Tinupad ko ang sinabi kong hindi ako magmamahal ng iba. Pero nang dumating ako roon ay wala na sila ni tita Aya. Kahit nga si ate Karen ay hindi na alam kung saan lumipat o pumunta sina Gabbie.

I stayed there for about a month kakahintay. I'm not losing hope na makikita ko ulit si Gabbie sa lugar na iyon gaya nang nangyari last summer. Pero wala. Naghintay lang ako ng hangin. Hindi niya ako sinipot. Hindi siya bumalik. Hindi niya na ako hinintay.

"Come on, Shane. Ang daming isda sa dagat. You're popular and you're almost perfect. Lahat ng babae sa school naglalaway para lang mapansin mo. Sino ba 'tong Gabbie na 'to?"

Tinungga ko ang bote ng beer. Tapos na akong mag-enrol sa eskwelahang papasukan ko next week. I'll be facing my first year in highschool. Nawasak ang pag-asa kong pumasok sa school na iyon kasama si Gabbie.

Nagbreak-up ba kami? Hindi.

May closure ba sa pagitan namin? Wala.

Paano ko malalaman e hindi ko na nga siya macontact. Nakakaloko 'to a.

"Dude.." kublit sa 'kin ni Jecco na katabi ko. "Check her out." Lumingon ako sa tinitingnan niya. It's a girl na kakapasok lang sa club.

Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi ko makita ang hitsura niya. Pero hindi nakawala sa paningin ko ang malaking phoenix tattoo na nasa likod niya. Nakabuka ang mga pakpak nito na nag-eextend sa dalawa niyang balikat. She was burning hot sa suot niyang red dress na napakafit at yumayakap sa maganda at slim nitong figure. Even her silver six-inched shoes stand out. Her red hair fluttered and everyone made way habang dumadaan siya.

Sumipol itong si Jacob. "That is one hot babe."

Siniko naman ako ni Edward. "Dali Shane. Pormahan mo." Kumunot ang noo ko.

"Why me?"

"Kasi ikaw lang naman ang broken-hearted dito. Kung 'di ka nga lang nasa ganyang kalagayan ngayon ay tiyak na susugod ako sa tabi ng chick na 'yon. Ano? Ayaw mo?"

I hissed. "I'll give it a try."

Tumayo ako sa inuupuan ko at tumabi sa babae. "You want a drink?" tanong ko sa kanya at isang matalim na tingin ang naging reply niya sa 'kin.

"I'm sure I can get my own dri—" nabigla ako ng lumaki ang mata niya nang dumako iyon sa damit ko. Is she staring at my chest? Nakabukas kasi ang tatlo sa mga butones ko. "Oh my God."

Tumaas ang kilay ko. "What?"

"Shane! It's you!" She blurted. Naibaling ko ang mata ko sa mga kaibigan kong nasa likod niya. They're mouthing words like 'you knew each other? Damn you'. Umiling naman ako.

"Wait miss. Why do you know my name?" hinawakan niya ang dibdib ko hanggang sa dumapo iyon sa collarbone ko hanggang sa nunal kong nandoon.

Then realizatioin hit me. No one knows about my mole except my family and...

She stared at me. "It's me. It's Gabbie."

"You—Gabbie? How- Why did you-" ni hindi mabuo ang sentence ko sa sobrang gulat. I stared at her from head to toe. "You're Gabbie?"

A shot of pain was reflected in her face. Hindi ko naman sinasadya. Nashock lang talaga ako sa pagbabago niya. Ni hindi ko nga siya nakilala. "You didn't even recognize me."

"I'm sorry. Ano kasi—" naiinom ko 'yong alak na siniserve ng bartender sa katabing customer namin. "You look..different."

"Different, huh."

"By the way.." sabi ko to break the tension. Gusto kong tanungin kung kami pa ba o kung mahal niya pa ba ako pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "Where were you?"

Inilihis niya ang tingin sa 'kin. "Mom and I went to States noong graduation ko dahil inatake si daddy sa puso. Doon kami nagstay. Kababalik ko lang last month at dito ako sa Manila nanatili for a month. Tapos na rin akong mag-enroll."

"Saan?" agad kong tanong.

"Marigold University." Nakahinga ako ng maluwag. Pareho kami ng eskwelahang papasukan.

"Gabbie are we still.." nanghihinayang kong tanong.

"No." Mabilis akong bumaling sa direksyon niya. "We're over Shane. Nagbago ang isip ko. Ayoko na ng LDR. Ayokong araw-araw namimiss kita, nagmumukha lang akong tanga." Parang binagsakan ako ng ilang hollowblocks. Bumigat agad ang puso ko sa narinig ko. "But if you still want me, then.."

Nabigla ulit ako ng damputin niya ang kamay ko at iginiya ako palabas ng bar. This time, sa amin nakatingin ang mga tao. "We can always start anew." Sabi niya at patuloy lang sa paglalakad.

Nakalabas kami at nabulantang sa malakas na buhos ng ulan. Sumakay kami ng taxi at pumunta ng condo ko. 'Yon na kasi ang pinakamalapit na pwede naming puntahan.

Pumasok kami sa loob. Pinahiram ko sa kanya ang isa kong t-shirt at pinauna siyang maligo. Basang-basa kasi kami ng ulan. Baka magkasakit si Gab.

After a few minutes ay nakalabas na siya sa banyo. Dinampot ko ang tuwalya at papasok na sana ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Shane.."

My eyes trailed up and down her body. Suot-suot niya ang malaki kong t-shirt. "Are you..still, inlove with me?" she asked.

All my longing for her bursts inside me. Ayokong labanan ang nararamdaman ko. It was always her. Always the same girl. 

Hindi ko nakontrol ang sarili ko. I felt her tensed when I pinned her down onto the soft bed. Tiningnan ko ang almond-shaped niyang mga mata. "Stop seducing me Gab. You know I won't be able to stop."

In one quick movement, my body was pushed down on the bed as she climbed on top of me, she positioned her hands on either side of my head and gave me a chase kiss. "Then.." she said and whispered in my ear. "I'm glad that it's working."

Stray Heart | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon