Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Nagprepare ako ng breakfast para kay Gab. Sabado kasi ngayon. Walang klase pero may dapat lang akong puntahan. I need to confirm something.
- GABBIE –
Umalis na naman siya nang hindi nagpapaalam. Kinain ko ang breakfast na inihanda niya. Now what am I going to do? Mag-isa lang ako sa unit niya at wala akong magawa. Sabado pa naman ngayon.
I'm bored.
I took a bath at nagbihis. Punta na lang ako ng park, kumain ng icecream, tumingin sa mga naglalarong bata..magpapakanormal muna ako ngayon.
"I'm sorry ate!—" sabi ng bata na nakabangga sa 'kin.Nalaglag ang ice cream na kinakain niya sa sapatos ko. Nang tingnan ko ang mukha niya, natakot ata sa hitsura ko. Bakit? Light make-up lang naman ang nilagay ko. I wore my mini skirt and checkered na blouse. Then I matched it with my knee-high boots. Ano'ng mali sa hitsura ko? Isa pa, I'm not in my Bitchy mode today. Dahil ba 'to sa nakakunot kong noo?
Kumuha ako ng 100 pesos sa purse ko. "Bili ka ng icecream ulit. This time, dalawa bilhin mo. Isa sa 'kin. Got it? Now go." Kumislap ang mga mata niya at tumango. Palundag-lundag siyang pumunta sa icecream shop. Umupo naman ako sa bench kaharap n'on.
"Ate, alin ang gusto mo?" sabi ng bata at pinakita sa 'kin ang dalawang icecream na parehong banana flavor. Tiningnan ko ang bata. Iniinis ba ako nito? Parehong flavor lang naman a.
"Alin ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Ito po." Sabi niya at ngumuso sa kaliwang icecream. Kinuha ko naman iyon.
"Okay. Ito gusto ko." Umismid bigla 'yong bata. Mukhang iiyak yata. "Joke lang. Iyakin. O, palit tayo." Sabi ko sabay kuha ng sa kanya. Ano bang pinagkaiba nito sa isa?
Uwaaaah~ uwaaaah~
"Teka lang baby. Nasaan na ba ang cellphone ko?" napabaling ako sa babae rito sa katabing bench ng sa amin. May kalong siyang bata at parang hirap na hirap siya sa kakahanap ng cellphone sa bag niya.
"Bata pakihawak. 'Wag mong kainin a, akin 'yan." Sabi ko sa bata at binigay sa kanya ang icecream ko.
Lumapit ako roon sa babae. Hindi ko alam pero parang may tumutulak sa 'kin para humakbang papunta roon.
"You want help? I can hold your baby for you." Alok ko at tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa.
"Uhm.." pag-aalinlangan niya at tumingin sa 'kin. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang pulang lipstick sa labi ko. Kinuha ko ang ilang mga bracelets sa kamay ko at naglagay ako ng sanitizer sa kamay. Then I stretched out my hand to the woman.
"I won't run away with your baby. Bubuhatin ko lang siya para mahanap mo ng maayos ang cellphone mo," sabi ko doon sa ate.
"She's Mari. Pasensya na sa abala hija," sabi niya at ibinagay sa kamay ko ang bata. Tapos n'on ay abala na siya sa pagkalikot ng bag niya.
Tinignan ko ang sanggol na hawak ko. Kung buhay pa ang baby namin ni Shane.. ano kaya ang mangyayari? Magiging ganito kaya ako? Magiging pamilya kaya kami? Matatanggap kaya kami ni daddy?
I felt the hot fluid surfacing from my eyes. Agad kong kinusot ang mga mata ko. "Ate, 'di ka pa ba tapos?" may inis sa boses ko noong sinabi ko iyon.
Alam ko naman na ako ang nag-alok ng tulong, but it's just that naaalala ko ang baby namin ni Shane habang kalong ko ang batang sanggol ng ale.
"Ito na hija, ito na. Nahanap ko na. Salamat." Ibinalik ko sa kanya ang bata at pumunta pabalik sa bench na inuupuan ko kanina. Hindi ko na nilingon ang babae.
Napahinga ako ng malalim. Sht. Masakit pa ang iniwang sugat ng pagkawala ng baby namin at ng nangyari sa States. Akala ko kung babaguhin ko ang sarili ko, magbabago rin ang nararamdaman ko. Pero hindi. Mali ako. Mas masakit kapag tinatago mo ang totoong nararamdaman mo.
"Oy, bata. Nasaan ang icecream ko?"
"Inubos ko na ate. Hihi!"
"Don't 'hihi' me. 'Di ba sabi ko huwag mong kainin?"
"E sabi kasi ni kuya okay lang daw e."
"Kuya? Sinong kuya 'yan?"
"Si kuya Shane po." Nanigas ako.
Si Shane? Andito siya?!
Naramdaman ko na lang bigla na may umakbay sa 'kin. Within that instant, alam ko na agad kung sino 'yon. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. And when I turned to face him, he was smiling down at me.
"Here kid." Sabi niya sabay abot ng isang malaking box. "Christmas gift ko 'yan sa inyo ng nanay mo. Naghihintay na si mang Erik sa bus stop. Punta na kayo d'on."
Lumaki ang mata ko ng tumakbo ang bata papunta roon sa aleng may sanggol kanina. Teka nanay niya 'yon? Alam ni Shane? Magkakuntsaba sila?
Bakit?!
"And as for you.." sabi niya at pinihit ang balikat ko para makaharap ako sa kanya. He's staring down at me. His dark blue eyes resting on mine. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Haven't you realized that you have chinks in your armor?"
"Shane—"
"You said you're gonna create a new Gabbie, pero ang totoo niyan nandiyan pa rin ang old Gabbie sa loob mo. Hindi man makita ng iba pero klarong-klaro sa mata ko. Gab, you're just hiding behind an armor."
He said while cupping my face. Umiwas ako ng tingin pero pilit niyang pinagtatama ang paningin namin. In the end, bumigay ako.
"You said you changed? Bullshit. Pero tanga rin ako dahil hindi ko agad narealize 'yon. Kung sinasabi mong nagbago ka na, hindi mo bibilhan ng panibagong icecream ang bata kanina. Sisigawan mo siya dahil natapon 'yon sa sapatos mo. At hindi mo rin tutulungan si manang Jane. Hindi ka magsasayang ng oras na buhatin ang sanggol na 'yon para lang mahanap niya ang cellphone niya."
He sighed at ikinulong ako sa yakap niya. "Why do you keep pretending to be someone you're not?"
Dahil sa mga sinabi niya parang nawala ang lakas ko. I can feel my heart pounding inside my chest. "'Cause I need to be strong.." Napasampa ako sa balikat niya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Did I blew it off?
"I always got that feeling that no matter what you say, it never shows how you actually feel," he said. "I don't know but I just felt it. All this time.. Gabbie, you.."
I muffled my sob at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.
"All that had happened to you led your heart to be astray. Pero hindi na ngayon Gab. Wala ako noong naghihirap ka. Wala ako noong—noong nawala ang baby natin.." I flinched. A-alam niya?
"How did you kno—mmpf" he suddenly kissed me bago ko pa man matapos ang sentence ko. It e sweetest kiss that he gave me. Nanghina ang mga tuhod ko pero sinalo niya ako agad. When our lips parted, ipinatong niya ang noo niya sa noo ko.
"It doesn't matter kung paano ko nalaman. The fact that I love you, that you love our baby more than anything, that you love me— are enough para makapagsimula tayo ulit. Throw away the sad memories of your past Gabbie. This time, let me wear that armor and protect you."
Niyakap niya ako ulit. Iyong mahigpit na yakap. Iyong damang-dama ko ang pagmamahal ni Shane sa 'kin. Iyong hindi ako nahihiyang humagulgol sa harap niya ngayon dahil alam kong tatanggapin niya pa rin ako.
The feeling of him holding me against his chest, the softness of the words that he tells me..and most of all, the miracle of meeting him. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa 'kin. Mamamatay ako. Mamamatay ang puso ko.
"Thank you for loving me..Shane Harris. Thank you for loving the old me, the current me. Thank you. I love you."
- FIN —
BINABASA MO ANG
Stray Heart | ✔
Teen FictionHindi alam ni Shane kung ano ang nangyari na nagpabago sa pinakamabait na babaeng nakilala niya one year ago nang magbakasyon sila ng pamilya niya sa Baguio. He only wanted two particular things, though: to make her his own again and to give her all...