Prologue

163 0 0
                                    

Warning!PG-13 Contain words that are inappropriate for young and close minded.

Okay thankyou!Be open minded peeps!

Prologue

                      "Ano ba naman 'tong lugarna 'to!jusko!"Saad ni Pepay sa kanyang sarili.Pinasadahan nya ng tingin ang lugar at mga taong kinulang sa tela at mga taong halos hindi nya maintindihan kung bakit nakasuot ang mga babae ng bikini?Hindi niya makita ang dagat.Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng kamiseta at korto.Napamura sya sa inis.Nilipat nya ang tingin sa kanyang mapang dala at mas lalo syang nainis dahil tama naman ang basa niya dito."Sht!tae naman!ginagago ba ako nung baklang 'yon?Na-salestalk pa ata ako!"Aniya at paulit ulit na nagmura.

              Si Pepay ay isang taga Maynila,naghahanap siya nang lupa na kanya sanang pwedeng pagbakasyunan ngunit sa kamalasan nga naman ay ito ang sinapit niya.Sinisisi niya ang baklang nadaanan nya 'nung siya'y nagstop over,nagugutom siya 'noon kaya kumain siya.Ilang oras siyang nagmamaneho pero wala pa din siyang makitang lupa,hanggang may lumapit sakanyang bakla na nagngangalang 'kakay' madaldal ito nagbebenta ng mga samu't saring pagkain.Nabanggit nya na naghahanap siya ng lupa kaya agad syang binigyan ng mapa.Iyong mapang iyon ay binayaran nya ng isang daang piso.Nagdagdag sya nang karagdagang isang daan dahil mabait ang bakla.


                 Ngunit mali siya dahil sa baklang iyon ay nagkandaletse letse sya!

          "Bago ka dito miss?"Agad siyang napatingin sa babaeng nagsalita sa gilid nya.Pinasadahan niya ng tingin ang babaeng nakasuot nang bikini.Nagsimula ang kanyang tingin sa paa hanggang sa mukha, 'fernes maganda!' aniya at bumaba uli ang kanyang tingin sa dibdib nang babae.Ay kaso flat! sabi niya at natatawa na lang sa isip isip niya.Ngunit nawi-weirduhan talaga sya sa mga tao rito.Talaisipan sa kanyang isip kung asan ang beach.Wala siyang makitang beach!

                    "Siryizli?"maarte 'nyang saad."Wah kind owf place iz thiz?"Lalo nyang inartehan ang kanyang pagbigkas with matching irap pa sa babae.Hindi niya talaga matanggal ang ugali niyang feeling sosyal dahil noong mahirap pa ito ay maarte na talaga.Bukod sa feeling sosyal feeling mayaman din ito , feeling maganda feeling dyosa.In short isang dakilang 'feeler'  ito.Ngunit ngayon ay wala na ang salitang feeler dahil ngayon ay maganda na ito , sosyal , mayaman.Naging mayaman siya dahil tumaya siya nang lotto . Tinawag niya ang lahat nang santo sa kanyang pagdadasal.Kaya ang resulta ay nanalo ito.Kahanga hanga dahil kahit nagmukha siyang tanga na nakaluhod noon sa gitna nang kanilang bakuran kahit pinagtatawanan na sya ay hindi siya natinag.Kahit imposibleng mangyari ay nangyari ang hindi inaasahan.'Walang himala!'Sa kanyang isip isip.Kaya ika nga ni Pepay 'Manalig ka nang totoo sa Diyos!'

                  "Siryizli?"ginaya naman nang babae ang kanyang pagbigkas."British accent lang 'te!?Aba mahusay!Like ko yan!"Sabay hampas sakanya sa kanyang balikat.Napairap uli sya nang hindi nasagot ang kanyang tanong.Sinabayan niya naman ang trip nang babae kaya naman hinampas din nya ito nang pagkalakas lakas kaya naman hindi naiwasang mawalan nang balanse ang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living with the BAD BOY with ECSTASYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon