Kabanata 4

8 1 0
                                    

Nakabubusog at naging masaya ang agahan namin nila mom at dad, I've tried to eat bacons pero na sa dulo palang ito ng dila ko, ay agad nang nagbubuhol ang mga intestine ko at any time ay susuka ako, how I hate meat! I just wanted to taste my dad's cooked bacon, Hindi sya nagluluto at nitong nakaraan Lang ay nag-aral siyang mag prito. Habang nasa hapag kami ay proud na proud sya sa niluto nya kaya ay tinikman ko, but my tongue failed me. I just want to make my dad happy, that is what I can do for them atleast, because in my 18 years of existence, sobra kalahati ng taon na iyon ay pabigat lang ako sa kanila, well side effects of dying hehe.

"Lui, 1 PM ang klase mo kay Miss Nisa mamaya, sa study room nalang kayo" dad said nung nadaanan nya akong nanunuod ng Master Chef Australia S8 dito sa Sala

"Yes Dad"


Grabe ang galing talaga nila maghiwa, mabilis at finely chopped pa, noong minsan kong i-try maghiwa ng ganon kabilis, muntik na maputol ang kamay ko. Hays, Kung Wala lang siguro akong naging Cancer ay nakapag-aral ako noong bata ako para magluto, ang natatandaan ko Lang ay I was always in the hospital at ang salitang pagod ay kakambal ko na.


I was diagnosed of having a cancerous brain tumor called Medulloblastoma, where it start at the lower back part of the brain. When I was a kid, lagi akong nagsusuka, sumasakit ang ulo, laging pagod, nahihilo, at nahihirapang maglakad at kumilos, and then that is when my parents decided to bring me to the hospital kasi hindi na normal yung nangyayari sa akin, with different test na isinagawa sa akin, they found out that I have my half sister, Medulloblastoma.


"Lui, konting chapters nalang 'to, mag-c'college ka na. What do you want to take up ba?" Miss Nisa asked habang nililigpit nya ang mga gamit nya, katatapos lang namin mag-aral sa chem

"I want to be a doctor" I always wanted to. I said that with a smile on my face.

Side EffectsWhere stories live. Discover now