Kabanata 10

242 15 0
                                    

Mabuti naman at pinatawag niya ako. Masyado na akong nabu-buryo sa kwarto ko.

Knock* Knock* Knock*

Pumasok na ako. Alam ko naman kung anong sasabihin noon eh!

" Bakit mo nga pala ako pinatawag kua?" Tanong ko.

" Pinag-isipan ko itong maige." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

" Ano ung pinag-isipan mong mabuti kua?" Tanong ko.

" Hindi ba kahapon. Ang sabi ni Binibining Angelita kung maari ka bang mag-aral sa Colegio de Santa Isabel." Sabi niya.

Teka... Hindi ba iyon ang sikat na college para sa mga babae na nagmula sa mga kilalang pamilya? Tinuturuan nila kung paano maging mabuting may bahay. Kahit na hate ko ang history ay alam ko naman ito kahit papaano.

" Gusto mo bang mag-aral doon?" Tanong ni Ahn Joon.


" Oo naman.." maikli kong sagot.

" Oh sige sasabay ka nalamang kay binibining Angelita kapag siya ay pupunta na ng Intramuros." Sabi niya.

" Oo---este opo. Maari ba akong pumunta sa hacienda Mendoza?" Tanong ko.

" Oo naman." Maikli niyang sagot.

______________________

Tinatahak ko ngayon ang daan papuntang Hacienda Mendoza.
Maganda ang Hacienda nila. Masasaya ang mga magsasaka habang nagtatrabaho.

Nasa tapat ako ngayon ng bahay nila. Mas malaki pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Gabi kasi noong unang punta ko dito.

Kumatok muna ako syempre. Isang babae ang nagbukas ng pinto at pinaupo muna niya ako sa sofa sa sala. Nang bumaba si Doña Imelda.

" Magandang araw sa iyo Binibining Trisha! Mabuti naman at naparito ka dito." Bati sa akin ni Doña Imelda.

" Magandang araw din po Doña Imelda! Nandito po ako para kay binibining Angelita." Sabi ko.

" Oh sige. Basta't sasabay ka sa amin kumain ng tanghalian." Sabi niya.

" Opo. Hindi ko po yan ta-tanggi lalo na po't kayo ang nag-imbita." Sabi ko ng nakangiti.

" Napaka-masunurin mo talaga binibining Trisha! O siya... Rebeca ihatid mo na si binibining Trisha sa sili ni Angelita." Sabi ni Doña Imelda.

" Halina po kayo binibining Trisha.Ihahatid ko na pi kayo sa silid ni Señorita Angelita." Sabi niya.

Sumunod na lang ako sa kanya. Mahaba ung hallway. Maraming kwarto dito ah!

Knock* Knock* Knock*

" Señorita Angelita Nandito po si binibining Trisha. Gusto ka daw po niyang maka-usap." Sabi ni Rebeca.

" Papasukin mo siya." Sabi ni Angelita.

Pumasok ako at umalis na si Rebeca.

" Maupo ka Binibining Trisha. Mabuti naman at napasyal ka dito sa aming Hacienda." Sabi ni Angelita.

Umupo naman ako sa may kama niya. Ngayon nakita ko na ng malapitan ang mukha ni Angelita. Parang May kamukha siya. Hindi ko lamang alam kung sine eh! Hmm..... Ah Alam ko na! Si Veronica! Pero paano?

Te Amo Mi Señorito [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon