Kabanata 5

263 18 0
                                    

Sumunod na lang ako sa kanya.
Nakakainis labas pasok na lang ako sa May office niya.

Pumasok na kami sa may opisina niya. May nakita akong babae na nasa gilid. Ginagawa niya dito? Wala namang napasok na babae simula nung unang pasok ko dito.

"Maupo ka." Sabi niya.

" Nandito ka dahil... Kailangan ko ang iyong tulong." Sabi niya. Wow! Help? Parang unang beses ko palang narinig mula sa kanya ang salitang tulong.

" Ano naman ang kailngan mo?" Tanong ko.

" Gusto kong sumama ka sa akin sa Piging mamayang gabi sa Hacienda Mendoza. Kailangan ko ng alalay sa Piging kung kaya't ikaw ang aking isasama." Sabi pa niya.

Ano? Isasama niya lang ako para magkaroon lang siya ng alalay? Sa bagay. Yun nga ang dahilan kung bakit ako nakatira sa bahay na ito eh.

" So... Sa madaling salita sasama lang ako para paglingkuran ka?" Tanong ko.

" Oo. Kaya't mag-ayos ka na." Sabi niya tapos binigyan niya ng signal ung babae.

Hinila ako ng isang babae papunta sa isang kwarto.

" Simula ngayong araw na ito. Ito na ang iyong bagong silid." Sabi niya. Tapos may pumasok na mga babae. Dinala nila ako sa bathroom at doon pinaliguan. Pagkatapos kong maligo... Wait di parin sila naalis?

" Ahm... Pwede ipatawag niyo si Esmeralda tapos... Pwede na kayong umalis." Sabi ko.

Ilang saglit lang may kumatok sa may pinto ko. Ang bilis naman umakyat ni Esmeralda.

Knock* Knock* Knock*

" Esmeralda pwede..." Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi ibang tao ang dumating. Si Ahn Joon.

Natahimik kami sandali. Nakita kong bumaba ung tingin niya.

" Ahhhhhhhhhh!" Sigaw ko at sinaraduhan siya ng pinto.

Ahn Joon POV

Pupunta ako ngayon sa kwarto ni Trisha. Titignan ko kung siya ba'y maganda kapag nakasuot ng Hanbok.

Kumatok na muna ako. Pagkabukas ko ng pinto di ko inaasahan na naka-twalya lamang siya.

Nagkatinginan muna kami at di ko maiwasan na bumaba ang tingin ko.

Bigla nalang siya sumigaw napansin niya siguro na bumaba ang tingin ko. At pinagsarhan niya ako ng pinto.

Nakakainis anong kalapastanganan ang nagawa ko? Dapat ang asawa niya lamang ang makakita ng kanyang katawan.

Bakit sa tuwing nandiyan ang babae na iyan palagi nalang lumalambot ang puso ko? Masaya at kakaiba siya sa lahat. Maghihintay na ngalang ako sa aking silid.

Trisha POV

Bakit naman kasi siya pumunta dito? Nakakahiya! Nakakainis hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya.

Knock* Knock* Knock*

Baka si Esmeralda na iyon.
Pagkabukas ko si Esmeralda nga. Hinila ko siya papasok.

Te Amo Mi Señorito [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon