Kabanata 30

313 15 5
                                    

Hindi ako makapag isip nang maayos. Ano ba ang ibig sabihin ni lola Tasing dun? Unang beses ko palang magmahal nang todo. Yung tipo na kaya ko nang itaya ang buhay ko sa isang lalake.

"Anak. May problema ba?" Tanong ni daddy at lumapit sa akin.

"Daddy... Paano po kayo nagkakilala ni mommy?" Tanong ko.

"Bakit mo naman yan naitanong?" Tanong niya. Kahit kailan hindi ko pa natatanong kung paano nagkakilala sina mommy at daddy. Pero nang napunta ako sa past naramdaman ko yung pagmamahal na kahit bagong salta ko o complete stranger ka ay tatanggapin at tatanggapin ka nila.

"Kaming dalawa nang mommy mo ay classmate noong highschool and... Nagsimula kami sa pagkakaibigan." Panimula ni papa.

"Naging magkaibigan kami hanggang sa isang araw ay naramdaman ko nalang na tumibok na sa kanya ang puso ko." Dagdag pa ni papa.

Katulad nang inaasahan ko. Bigla bigla nalang dumadating ang pag-ibig. Walang makakaalam kung sino at kailan mo makikita ang taong nakatadhana para sa iyo.

"Hanggang sa isang araw ay nasabi siya sa akin na may gusto siya kay Mark. Classmate din namin. Alam mo yung feeling na gusto mong sabihin yung nararamdaman mo pero hindi mo masabi kasi nalaman mo na niya pala yung isa at hindi ikaw." So para pala siyang si Leandro.

"Pero... Hindi ko siya nilubayan. Kahit na alam kong may relationship na sila ni Mark ay hindi parin ako humihiwalay sa kanya. Kasi ang gusto ko ay nasa tabi niya ako palagi kung sakaling masaktan o saktan siya ni Mark. At..."

"At?" Papa masyadong pabitin.

"At tama nga ako. Sinaktan siya ni Mark. Sa akin tumakbo ang nanay mo.  Hinanda ko yung sarili ko at sinugod si Mark kinabukasan. Napa guidance pa nga ako nun eh. Nang dahil sa pangyayari na iyon ay doon na nalaman nang nanay mo na mahala ko siya." Sabi pa ni papa. So buong oras na yun ay hindi nahalata ni mommy na May gusto sa kanya si papa?

"Isang araw ay nakita ko siyang tulala na tumatawid nang pedestrian lane. Tapos niligtas ko siya. Pagkatapos nang araw na iyon ay bakapagtapat na kami nang nararamdaman namin sa isa't isa. At yun na, naging girlfriend ko siya naging boyfriend niya ako pagkatapos naming mag-aral ay nagpakasal na kami." Sabi pa ni papa.

So love triangle na muna pagkatapos ay nawasak yung heart ni mama doon sa Mark na yun. Tapos nagalit si papa niresbakan niya yung Mark na yun tapos na-guidance si papa dahil sa incident na iyon. Pagkatapos May insidente na muntik nang mamatay si mommy pero niligtas siya ni daddy. Pagkatapos nang araw na yun ay naging sila na ganoon ba?

"Umiibig ka ba anak?" Tanong ni daddy.

"Sabihin nalang po natin na patay na siya. Ano po ba ang dapat kong gawin kung yung taong mahal ko ay matagal na palang patay?" Tanong ko.

*Sigh*-Daddy.

"Ganito lang yan. Nasa iyo ang desisyon kung patuloy mo parin siyang mamahalin o buksan mo ang puso mo para sa ibang lalake. Ganoon lang yun' kadali." Sagot ni papa.

Magmahal nang iba? Eh ganoon ko nga siya minahal buong puso. Sumugal ko pa yung buhay ko ah!
Pero... Tatanda ba akong dalaga?

"Lapit ka nalang ulit sa akin anak kung may tanong ka pa na gusto mong masagot. Sasagutin ko kung kaya kong sagutin." Sabi ni papa at umalis na.

Naiwan naman ako na nakatulala sa kisame. Kailangan ko ba talagang tumandang dalaga? Pero sa bahay na ito ay marami ding mga memories at sa ibang bahagi ay hindi pa nagagalaw at... Ang ilog! Baka nandoon pa yung ilog! Baka may iniwan na sulat o Liham si Ahn Joon doon!

Kaagad akong tumayo at tumakbo papunta nang ilog. Baka may naiwan siya doon na liham para sa akin.

Pagkadating ko sa ilog ay parang walang pinagbago. Medyo madumi pero kita parin ang nasa ilalim nito. Tumingin tingin ako sa paligid para makita kung may tinago pang liham o kubg anoman si Ahn Joon.

Te Amo Mi Señorito [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon