Prolonged

94 6 0
                                    

"Oi tumawag si Nicole kanina sa'ken ahh, hindi ka daw niya ma-contact" sabi ni Alyse co-teacher ko "Oh? Ano daw sabi?" tanong ko habang inaayos ang mga librong kailangan ko para sa next class ko " Haysss, woii Rosela!! Nakikinig ka ba? Sabi ko hindi ka daw niya ma-contact" sabi niya sa akin habang nasa loob parin kami ng office "Oh?? Talaga? Nandito na ba sa Pilipinas ang bruha?"

"Oo, siguro, baka, hindi ko alam, tsaka bakit ba ako ang tinatanong mo?"

"Eh ikaw ang kausap 'di ba, alangan namang tanungin ko ang sarili ko" sarkastiko kong sabi

"Hayyy naku Rosela, ewan ko sayo, bahala ka sa buhay mo! Kahit kailan!! Napakatino mo talagang kausap!!" tinawanan ko nalang siya dahil halos mapunta sa Mars ang mga mata niya dahil sa pag-irap. Umiling-iling nalang ako habang tumatawa. Hindi parin talaga siya nasasanay sa akin.

Humakbang na ako papalabas ng office para pumunta sa first class ko this morning. Sinalubong naman ako ng mga estudyante sa labas na naghihintay sa instructions para sa activities nila.

"Good morning Ma'am" bati nila. Ngumiti nalang ako at bumati pabalik. If my memory serves me right, mga nursing students sila na naghihintay kay Mr. Chua. Minsan ko na silang na-handle-lan pero hindi ko na maalala ang mga pangalan nila. More like, naaalala ko ang mga mukha nila pero hindi ang mga pangalan nila. Parang ganun......haha

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway hanggang sa marating ko ang pakay kong building, well, hindi pa ako nasa distinasyon ko, nasa ground floor palang ako ng building na pupuntahan ko. Nagsimula akong umakyat ng hagdan papuntang third floor. Pagkaakyat ko, nasa pinakadulo pang room ang pupuntahan ko kaya naman taas noo akong naglakad ng hallway na para bang hindi busy ang hallway na dinadaanan ko. Halos lahat kasi ngayon ay wala nang mga klase, tapos na ang second sem kaya clearance nalang ang hinihintay nila pero attendance is a must ang peg ng school kaya walang nagagawa ang mga estudyante kundi ang pumasok parin haha.

"Good morning, class" bati ko sa klase ko pagkapasok na pagkapasok ng room. Agad naman silang tumahimik at pumunta sa kanya-kanya nilang upuan. "Good Morning, Ms. Ebasan" napangiti ako nang marinig ko ang mga boses nila. Pffffttt, parang mga kindergarten students hahaha...... "How's your exams?" panimula ko sa kanila. Lumukot naman ang mga mukha nila nang dahil sa tanong ko. Haha, sigurado akong pinahirapan sila ng husto ni Mr. Aguerre dahil sobrang paborito sila ng isang 'yun "Ehh mukha na nga po kaming ermitanyo dahil sa college life ma'am mas naging mukha kaming taong gubat dahil sa subject ni Ser Mapagpamalas. Nakaka-ngarag!" si Sierra ang sumagot. Isa sa mga maboka kong estudyante. Siya ang palagi kong sinasabak sa mga debate dahil talagang malawak kung mag-isip at kung saan-saan napapadpad ang utak. Mahusay kasi talaga siya "Hmmmm, ganun ba" sabi ko habang tumatango-tango pa at nakahawak ang kamay sa baba. Binuklat ko ang librong dala ko na nakapatong parin sa table ko at binasa ang mga naka-sulat sa loob. "Get one whole sheet of paper" utos ko. Agad namang umungol ang pagrereklamo ng klase ko kaya natawa nalang ako. Sa lahat ng klaseng nahawakan ko, sila ang pinaka-paborito ko. Ang klaseng 'to kasi ang klaseng nakasalamuha ko na bukod sa  nagkaka-isa ay matatalino talaga at bukod pa roon ay sila ang batch na nagpapakatotoo. Diretso nilang sasabihin sayo kung ano ang napupuna nila at kung ano ang hindi kaibig-ibig sayo. Madalas nga lang umakto na parang mga bata pero hindi naman nawawala sa kanila ang paggalang at pagrespeto lalong-lalo na sa mga guro nila.

"Okay, sige, magsi-share na lang ako" sabi ko, wala naman kasi talaga akong balak na mag-discuss today patapos na ang school year at napag-finals na rin kami kaya wala nang dapat pang i-lesson nang-aasar lang talaga ako, agad namang umaliwalas ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko. Ang mga estudyante kong ito ay mahihilig sa kwento or should I say, Romantic Love Stories. Mahilig sila sa kwento ng pag-ibig kung kaya't hindi sila mabo-bore kapag usapang pag-ibig pero kapag nag-kwento ka ng tungkol sa Philippine History, sigurado akong wala ka pa man sa gitna ng istorya, wala ka nang kasamang gising sa loob ng klase. Ganyan sila kalupet!! "But be ready to make a reaction paper after the story okay" tumango naman sila at lahat na nakapangalumbaba para makinig.

"Let's start!" nakangiti kong sabi bago bumaba sa platform at naglakad sa unahan "But before the story begins, can you please answer my questions first?" tumango naman sila at ngumiti "If you have a time machine, saang panahon kayo babalik?"

"Babalik ako sa kanya!" sigaw ng isa, kaya umalingawngaw ang kantiyawan sa buong klase. Nakitawa na rin ako pero ilang sandali lang ay bumalik din sa tahimik ang lahat

"Babalikan ko ang panahon kung saan una kaming nagkakilala" sabi ni Faith, ito ang pumukaw sa atensiyon ko "At anong gagawin mo?" tanong ko "Itatama ko ang pagkakamaling nagawa ko nung mga oras na 'yun" sagot niya

"At ano namang pagkakamali 'yun?" si Sierra

"Ang nakilala ko siya" sabi ni Faith tapos pinunasan ang luhang tumakas mula sa kanyang mga mata. "S–sorry po Ma'am hindi ko po napigilan. Masakit parin po kasi talaga" sabi niya, nginitian ko nalang siya para sabihing ayos lang at naiintindihan ko siya. Naglakad ako papuntang gilid at doon naman nagsalita "Ikaw Ken, if you have a time machine, saang panahon o pagkakataon ka babalik?" tumahimik ang buong klase na halatang naghihintay sa sagot ni Ken. "Wala po" sagot niya, my whole class frowned, samantalang hindi na ako nagulat, kahit naman siguro ako walang parte ng nakaraan ko ang gusto kong baguhin bukod nalang sa bumalik sa isang parte ng nakaraan kong punong-puno ng pagsisi at 'sana' na dapat ay ginawa ko, halatang hindi nila inaasahan ang sagot ni Ken "Anong wala?!" sigaw ni Harrold na nasa kabilang dulo "As in, wala kang babalikan o babaguhin manlang?!" dagdag niya pa "Hmmm, babalikan siguro pwede pa, but planning to change it, nahh, I won't. I will still definitely do the same. Same things I did, same success I've done and same mistakes I had commit. Because those ups and downs of my life, challenges and circumstances that I had encounter they made me who I am today, they made me stronger and tough for me to fiercely face the challenges that life throws into me. And I am thankful for that mistakes. It just made me a  brighter constellation of my life. So no, I won't, I will not and I will never change anything" mahaba niyang paliwanag

"Very well said" sabi ko habang pumapalakpak " 'Yan ang hinahanap kong sagot. Pero in the part of reality, may mga bagay talaga na nangyari sa buhay natin na gusto nating balikan o baguhin. Na sana nung mga panahong 'yun mas naging mabuti ka para wala kang pinagsisihan nung may nawala na. Now I want you to carefully listen to the story that I will tell you, ito ang kwento ng isang babaeng napagtanto ang lahat kung kailan huli na at hindi na maibabalik pa ang mga nangyari. Kwento kung saan, tanging pagbabalik natanaw nalang ang magagawa niya at hindi ang matanaw ang kinabukasan kasama ang taong pinakamamahal niya" pagkatapos ay mapait akong ngumiti sa kanila kasabay ng pag-alala sa nakaraang nagdulot ng sakit, kirot at paghihinagpis sa puso ko

"Ready na kayo?"

.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

™^_^™


This is a work of fiction, names, characters, business, places, events,
are either the product of the Author's imagination or used in a fictionous manner. Any resemblance to an actual persons living or dead, or actual events are purely coincidental. This is totally my work and none of the parts in here have been plagiarized

Plagiarism is a crime punished by the Law.

If there's a grammatical errors please comment them down I'd love to fix them



Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon