Sunday of Forgotten Memories

42 2 0
                                    

'Mayuming Binibining, aking iniibig

Sa buhay ko'y ikaw lamang ang ibig

Makasama ka habang buhay ang aking panaginip,

Ngunit ito ay nawala nang ang hangin ay muling umihip

Ang magising sa katotohanang hindi ka kailan man magiging akin,

Ang tunay na nagpapasakit sa aking damdamin

Ilusiyon ang palaging nagbibikis sa atin,

Masasayang alaalang binuo natin

Mga ngiting minsan ay inialay mo sa akin

Ay sa aking imahinasyon na lamang at sasarilinin

Masarap sabihing minsan ka ngang naging akin,

Ngunit ang lahat ng ito ay naglaho nang humarap ako sa salamin

Nagising ako sa katotohanang ako nga lang pala ang umibig at kahit kailan ay hindi mo sa akin nadama ang pagmamahal na aking nadarama para sa iyo'

Tulang pilit naguulit-ulit sa pandinig ko. Mula sa boses na pamilyar ngunit hindi ko alam kung saan nagmumula

"Mahal kita" sabi pa ng boses na bagamat pamilyar ay hindi ko alam at wala akong ideya kung sino siya

"Mahal kita"

"Mahal kita"

"Mahal kita"

"Mahal kita" nagpa-ulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Kaya naman ay sinimulan kong tumakbo sa gitna ng mga bulaklak at damo para hanapin ang pinag-mumulan ng boses na 'yun

"Hihintayin kita" dagdag niya pa at sa 'di ko malamang dahilan ay bigla na lamang tumulo ang aking mga luha at kasabay nito ay ang pagtakbo ko ng mabilis upang matutunton ko kung sino man ang taong may sabi ng mga katagang hindi ko man naisin ay nagpapa-ulit-ulit sa aking isip.

Hinihingal na tumigil ako sa tapat ng isang napakalaking puno na sa wari ko'y daang libo na ang gulang. Walang patid parin ang buhos ng aking mga luha na hindi ko alam kung saan nagmula at kung bakit patuloy itong lumalabas mula sa aking mga mata.

Pagkatapos ay nakarinig ako ng isang hagulgol, hagulgol ng tinig na kanina ko pa naririnig. Hindi ko maipaliwanag kung bakit awtomatikong sumigid ang sakit at kirot sa puso ko mula nang marinig ko ang tinig na iyon. Tinig ng isang lalaking naghihinagpis at puno ng pagdurusa ang tinig. Hindi man sabihin ng aking mga labi ngunit napakabigat ng nararamdaman ko at pakiramdam ko ay ano mang oras ay sasabog ito nang dahil sa sakit na hindi ko alam kung saan nagmumula at kung ano ang dahilan.

Maya-maya pa'y biglang umingay ang paligid hatid ng nagwawagaswasang mga dahon at mga sanga nang dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin. Bahagya akong napapikit bilang pagprotekta sa aking mga mata. Ngunit kasabay ng pagtatapos ng malakas na ihip ng hangin ay ang paglaho rin ng humahagulgol na tinig na kanina ko pa naririnig. Tumahimik ang paligid, ngunit may isang bagay na nakapukaw sa aking atensiyon. Isang nakaputing babae na kanina pa sa akin nakatuon ang paningin. Isang magandang babae na may matangos na ilong, mapupunagay na mga mata, mamula-mupang pisngi, malarosas ang kulay ng mga labi, may tamang tangkad at maputing balat. Pinahiran ko muna ang aking basang mga pisngi bago kunot-noong naglakad papalapit sa kanya. Habang marahang humahakbang ay nakakaramdam ako ng bigat, sakit at mistulang sumisikip ang aking dibdib. Animong nahihirapan akong huminga sa 'di ko malamang dahilan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon