one

149 6 0
                                    

--

"Hi Ma'am!" Bati namin sabay-sabay nila Bailee.

"Susmaryosep kayo ang aga-aga nyong abala." Sabi naman ni Ma'am Muñoz.

Naglilinis lang sya ng Library namin at nilapag namin ang gamit namin at kumuha na rin ng mga gamit.

"Ma'am tutulong po kami ah, mamaya pa po 1st sub namin." Sabi ni Rhiona kaya napangiti naman si Ma'am.

"Itong mga anak ko talagang ito ang sisipag nyo." Sabi ni Ma'am Muñoz kaya napatawa kami.

"Kala nyo lang po yun hahaha, miss nyo lang kami Ma'am eh ayiee." Panunukso ni Eunice.

"Heh! Maglinis ka nalang diyan." Sabi naman ni Ma'am.

"Ayaw pang aminin ni Ma'am eh, miss na miss na tayo." Pangaasar naman ni Francine.

"Oo nga, miss nyo na kami Ma'am ayiee." Sabi naman ni Bailee.

"Si Ma'am eh, pa-deny pa oh." Sabi ko naman kaya napailing nalang si Ma'am sa amin.

"Nako kayo dalawang taon na ang nakalipas ganyan pa rin kayo mga madadal-dal." Sabi ni Ma'am kaya napangiti ulit kami.

Natapos naman na ang mga gawain sa library at nagpaalam na rin sila Allana. Pumunta na sila sa kanya-kanyang classroom nila dahil iba't ibang strand ang kinukuha nila.

"Good day students. It's your first day as a grade 12 student so I will just discuss the following lectures that we will learn for this semester." Sabi ng prof. namin.

"Hi, Allana pangalan mo diba?" Bati ng katabi ko sa akin.

"Oo, Irene right?" Sabi ko sa kanya at tumango sya.

"Almost 6 years na tayong nagkikita sa hallway tapos ngayon lang kita nakausap." Natatawang sabi nya kaya napatawa na rin ako.

"Kaya nga, buti nalang binigyan tayo ng chance ngayon."

"Those 2 girls chit-chatting. If magdadal-dalan lang kayo, you're welcome to go."

"Sorry Ma'am." Sabay naming sabi ni Irene at palihim na tumawa.

Natapos naman ang orientation ng mga teachers and finally pwede na kaming umuwi.

"Let's hang-out sometime." Sabi naman ni Irene at lumabas na kami sa classroom.

"Irene! Let's go na kasi, libre ko." Malakas na sabi naman ng lalaki na humarang sa amin.

"Wth, ang ingay mo." Bigla namang nairita si Irene.

"Sorry, let's eat samgyup. My treat." Sabi nito at kumindat.

"Yuck Krelso kadiri." Patawa naman na sabi ni Irene.

"I'll go na ah, nice meeting you Irene." Sabi ko at kumaway na paalis.

-

"So how's your first day." Tanong ni Rhiona.

We decided to go Macao Imperial at dito magkuwentuhan.

"Ayun napagalitan agad ng prof." Sabi ko naman at natawa.

"Bago yun ah? All teachers know you're a saint." Pangaasar naman ni Eunice.

"Mabait naman kasi talaga ako," sabi ko ang rolled my eyes to them,"May bago lang akong friend si Irene, I'm sure naman na kilala nyo sya."

"Malamang kilala, 6 years ko ng pinagtitiisan mga mukha nyo." Sabi ni Bailee.

This is not the LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon