nine

37 4 0
                                    

--

"Goodluck!!" Masayang sabi ni Bailee at kumaway kay Marius na nakasilip sa likod ng kurtina.

Nagsimula naman na ang kanilang performance and it went smoothly. Katulad ng sa amin ay pinasalamatan rin ang director at ang mga manonood.

"Grabe acting skills mo ah, nakakabilib." Asar ni Latte kay Jaden.

"Ako pa." Mayabang naman na tugon ng isa. Ang ibang mga junior highschool students ay bumabati rin sa kanila.

"OY GABRI CRUSH MO OH! I-CONGRATS MO NA!" Malakas ng sigaw ng isa sa mga junior high students kaya napatingin kami sa gawi nila.

"Ano ba, manahimik ka nga Eli. Tatampalin kita." Nakayukong sabi naman ng babaeng nasa gilid ng sumigaw kanina.

"Hi Ate!" Bati naman ng kakarating lang na si Caitlyn.

"Oh, musta?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman po. May pinapasabi pala yung kaibigan ko dito. Congrats daw kay Jaden." Sabi ni Caitlyn at tinuro ang babaeng nakayuko.

"'Naks! Abot junior high kapogian nitong hayop na 'to." Panga-asar ni Micro na kinatawa ng lahat. Itinaas naman ni Jaden ang gitnang daliri nito at iniwagayway sa harapan ni Micro.

"Salamat." Sabi naman ni Jaden na kinatili ng mga babae.

"Napaka nyo." Sabi naman ng inaasar nila na ang pangalan ay Gabri at lumakad papalayo.

"Kunwari ka pa!" Sigaw ng isa sa kanila at sumunod na.

"Yow! Party at my place mamayang gabi, swimming party ah! Wear your best swimwear." Paga-aya ni Darius sa amin.

"Ano sama kayo?" Tanong ni Latte.

"Bilis na para naman makapag-relax din tayo." Pagpipilit na naman ni Bailee.

"Sino na kasing 'di sasama diba? Ofcourse pupunta." Sabi ko naman at ganon rin ang iba.

-

"Napakatagal mo na naman." Iritang sabi sa akin ni Bailee.

"Sorry ah? Saglit nalang." Sigaw ko sa kanya sa labas ng aking kwarto.

I'm wearing a black bralette top with a black see-through floral crop too, high-waisted black maong shorts and a birkenstock sandals.

"Finally!" bagot nitong sabi.

--

"Wooh! Party, cheers!" Nagsasayaw na sabi ni Eunice.

"Himala p're pinayagan ako all night." Natatawang sabi nito.

"Saya ka na nyan? Boy hunting na!" Sabi ko sa kanya na kinatawa nya.

Halos lahat sila ay naka swimwear na at ako nandito na nahihiyang magsuot ng bikini.

"C'mon Allana!!!" Sigaw ni Francine sa akin at umiling ako. Kumuha lang ako ng tequila at umupo sa isang tabi habang pinagmamasdan sila.

"Alone babe?" Malalim na boses na sabi.

"Sorry not interested." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Choosy ka pa," sabi ni Marius sa akin at umupo sa tabi ko,"Tequila? Nakailan ka na?"

"Maybe 4 or 5 shots, 'di ko alam eh."

Inagaw nya ang hawak-hawak kong bote ng tequila.

"Wag ka ng uminom, you're still not in the legal age Allana." Pagsa-saway nya sa akin na kinasimangot ko.

"Give me that."

"Hey don't pout," sabi nito at ini-angat ang mukha,"I'll just get some food."

This is not the LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon