twenty four

36 5 0
                                    

--

"Wala kang magagawa, pupunta ako." Sabi ko at ibinaba na ang call namin ni Marius.

Nagayos lang ako saglit at hinanda ang mga kailangang kong dalhin, as usual.

I'm wearing a peach two-piece suit and under it is a white tank top. Natuto na rin ako at hindi na ako nagsuot ng heels instead I wore a birkenstocks.

Sumakay na lang muna ako ng tricycle papunta sa site dahil ayaw ni Marius na kuhanin ang nirentahan kong sasakyan na pinarada ko malapit sa site ilang araw na ang nakalipas.

"Good morning nay, kunin ko nalang po yung sasakyan." Bati ko sa tagabantay sa tindahan.

"Aba, bumalik ka ineng akala namin ay may masamang nangyari sa'yo at naiwan mo na ang sasakyan."

"Ay hindi po, may nangyari lang po na hindi inaasahan pero salamat po." Ngiting sabi ko.

"Balikan ko nalang po ulit nay, pupunta pa po ako site. Sorry po sa abala." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Aba eh wala iyon, sige iwan mo lang dito at balikan mo na lang." Ngiting sabi ko kaya nagpaalam na rin ako.

Naglakad na ulit ako papunta sa site at ngayon tama na ang pinasukan ko na lugar.

"Buti napadpad ka dito, akala ko pupunta ka kay Geco mo eh." Agad na asar ni Marius sa akin.

"Gusto mong isama ko dugo sa hinahalong semento?" Pagbabanta ko sa kanya pero tumawa lamang s'ya.

Iti-nour n'ya lamang ako sa site at itinuro ang mga lugar na malapit ng matapos. Nakilala ko rin ang mga trabahador doon at mukha naman silang mababait.

"Sure ka na matibay materyales nito ah?" taas-kilay na tanong ko sa kanya.

"Naman, Soledad Builders ba naman ang mag handle." Mayabang na sabi nito na kinatawa ko.

"Ang yabang mo uy." Natatawang sabi ko.

Hindi naman na ako nagtagal sa site at naglalakad na ako papunta sa pinag-park ng nirentahan ko ng sasakyan.

Inis akong binilisan ang paglakad ko ng marinig ang boses ng lalaking iniiwasa ko.

"What do you want?!" Inis na sabi ko at tumigil sa paglalakad.

"Pag sinabi ko ba na ikaw, ibibigay mo?" Seryosong tanong nito sa akin.

"W-what?! Ano bang pinagsasabi mo." Sabi ko ng makarecover sa sinabi n'ya.

Nagsimula naman akong maglakad ulit ng tinawanan n'ya lang ako.

"Wag ka ng maglakad, I'll give you a ride." Sabi nito.

"In that motor? Wag na baka ihulog mo pa ako." Tanggi ko sa kanya.

"'Di pag nahulog kita, sasaluhin kita." Banat na naman nito.

"You're such a jerk Geo Codie, magdrive ka nalang and go. Hayaan mo na 'ko dito." Iritang sabi ko sa kanya.

"No, baka madapa ka naman." Natatawang sabi nito sa akin na mas lalong nagpainis sa akin.

"Gago." Sabi ko nalang at mas lalong binilisan ang paglakad.

Ramdan ko naman ang pagkirot ng aking mga paa.

"Allana, don't be hard headed." Sabi nito sa akin.

"Pag ba sumabay ako titigilan mo na ako?" Tanong ko sa kanya.

"I don't know, maybe?" Sabi nito.

"Fine, d'yan lang sa may tindahan ah." Sabi ko naman at ngumit naman ito.

This is not the LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon