[Chester's POV]
"Ches" napapikit ako. Ano nanaman ba?
Naramdaman kong lumapit siya sakin at hinarap ako sakanya.
"Totoo bang nagdadate na kayo ni Kurt?" Tinitigan ko siya.
"Oo. Bakit?" I challenge him with a stare. Bakit niya tinatanong? He heard it clearly a while ago.
He sigh. "Good. Ibig sabihin hindi mo na ako guguluhin diba?" Ngumiti siya ng malaki.
Fck! Sobrang saya niya ba? Tangina ang sakit.
Ngumiti ako ng mapait.
"Dont worry hinding hindi na" tinalikuran ko na siya bago pumatak ang luha ko.Gago ka Sean. Sobrang gago mo.
Pagkalabas ko ng pinto agad akong dumeretso sa banyo ng kwarto na hinigaan namin para makapaghilamos. Inayos ko rin ang sarili ko.
Hinding hindi na ako iiyak Sean. Pangako.
I look at my reflection infront of the mirror. All those fvcking 2 years sobrang desperado kong mapansin ni Sean. Halos lahat ng effort ginawa ko na. Minahal ko siya ng higit pa sa buhay ko. Siguro tama nga talagang si Kurt na ang mahalin ko. I made the right decision. Sigh. Sana makamove on na ako. Sana makalimutan ko na ang punyetang nararamdaman ko sakanya aish.
Nang ok na ako, lumabas na rin ako ng kwarto. Balik ulit sila sa paglaro ng ps4. Naupo ako sa tabi ni Rongie na nanonood lang sa laro nila Kurt. Si Sean? Nag pophone sa kabilang sofa.
"Uhm Ches" nag aalalang tawag ni Rongie.
"Hmm?" Napabuntong hininga siya bago ako akbayan.
"Wala wala" at natahimik na ulit siya dun. Nagkibit balikat nalang ako bago tinuon uli ang atensyon sa laro nila Kurt.
[Rongie's POV]
Napabuntong hininga ako bago tingnan si Sean at Chester. Aish, hindi ako sanay na walang Sean na nakasimangot habang nakapulupot si Ches sakanya. Hindi ako sanay na kay Kurt nakabaling ang atensyon ni Ches. Nag away ba sila Sean? Bakit nag dedate na sila ni Kurt? Arrgggg! Ang gulo nila!
"Nalilito karin?" Napalingon ako kay Jade.
"Tss. Naiinis ako." Nakakunot noong sagot ko kay Jade. Napabuntong hininga siya.
"Hindi ko akalain tototohanin ni Kurt ang mga biro niya na aagawin niya si Ches kay Sean"
"Alam naman nating alam ni Kurt na hindi siya ang gusto ni Ches. Tss ano bang plano niya?" Naiinis na sabi ko. Ang tanga rin ni Kurt eh. Kita niyang siya lang ang masasaktan dahil babalik at babalik parin si Ches kay Sean. Aware din siya na nasa confused state pa si Sean! Gago ba siya? Kaibigan niya rin si Sean ah? Ayaw ko namang mag away away sila't masira ang pag kakaibigan.
"Kakausapin ko si Sean" tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan ni Sean. Napatingin siya sakin..
"Bakit?" Takang tanong niya.
"Pwede ba tayong mag usap?" Tumango siya kaya pumunta kami sa kusina.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.
"Di ka ayos" i stated. Kilalang kilala ko na si Sean. Sa tagal ba naman naming magkasama alam ko na ang mga nararamdaman niya.
"Tss. Ano ba dapat kong maramdaman?"
"Ikaw ang makakasagot niyan Sean." Malumanay na sabi ko.
"Tsk! Diba dapat masaya ako? Kasi titigilan niya na ako. Yun naman yung gusto ko diba? Pero bakit...... bakit parang may kulang?" Naguguluhang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Sorry Ha? Mahal Kasi Kita ANGST [Chester Lapaz & Sean]
Fanfiction"PUTANGINA DI KA BA NAGSASAWANG SUNDAN AKO?" -------Sean "Sorry ha? Mahal kasi kita"-------Chester Chester Lapaz & Sean Cyruz Story HIGHEST STORY RANKINGS #1 chesterlapaz #1 kurtbautista #1 vishnuisles #1 wattpadfiction #5 angstwithhappyending Than...