Chap 8

146 9 7
                                    

A/N: OMGGG! MAG UUPDATE AKO KASI NANOTICE AKO NI CHESTER SA TWT KAGABI AHUHUHU. NIRETWEET NIYA PAAA OMOOO! Sobrang kinikilig akooo hohoho. THANK YOU LANGGA💜 LOVE YOU TALAGAAAA. Skl ihihihi. Enjoy kayo sa UD!

Shout out nga pala sa mga solid ang pag comments💜
Gyeeennn jixchuuu love you both! Thank you sa support💛

----------------------------

[Chester's POV]

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Shit parang binibiyak ito sa gitna. Napamulat ako at nakitang puro puti ang nasa paligid ko.

"Gising ka na. Kumusta na pakiramdam mo?" Nagulat ako nung may magsalita pero mas nakakagulat na makitang si Sean ito.

"S-Sean?" Ngumiti siya bago hawiin ang mga buhok na nakaharang sa mata ko. Teka n-ngumiti siya??

"May sakit ka pala, dapat hindi ka na pumasok. Nahimatay ka tuloy" malumanay na sabi niya. Nahimatay ako? Ganun na ba ako ka weak? Grabe.

"Chester!!!" Sigaw ni Rongie bago ako niyapos. Nandito rin pala siya. Ngumiti ako.

"Kumusta na pakiramdam mo? Masakit pa ba ulo mo? Gutom ka ba? Pagbabalat kita ng apple" nakakashokt naman si Sean. Bat ang bait niya ngayon? Tss pafall amputa. Kung kelan nakapagdesisyon na akong tigilan siya.. hays.

"San si Kurt?" Sa pagkakaalala ko kasi si kurt yung kasama ko bago ako mawalan ng malay.

"Pumasok sa second subject niyo. Pinilit pa nga namin eh. Ayaw kang iwan. Babalik yun mayamaya pagkatapos ng klase" saad ni Rongie. Tumango nalang ako. Oo nga pala may klase pa kami ngayon. Sana talaga di nalang ako pumasok. Naabala ko pa sila.

"Binilin ng nurse na pakainin ka pag gising mo para makainom ka na ng gamot. Di pa rin bumababa ang lagnat mo" sabi ni Sean habang nag aalalang nakatingin sakin.

"Sige. Kakain ako" mahinang sabi ko. Bukod sa ulo ang sakit rin ng lalamunan ko. Parang dry na ewan. Nakakainis.

"Bibili lang ako sa labas. Alam kong ayaw mo sa Caf" sabi ni Rongie. Tumango ako at nagpasalamat bago siya umalis. Naiwan kami ni Sean. Tahimik lang ako habang nag babalat siya ng apple. Nagtataka nga ako bat parang concern siya sakin ngayon. Ngayon ko lang kasi nakita ang caring side niya. Dapat ko bang ikatuwa yun? Tsk.

"Ito muna kainin mo para bumalik yung lakas mo. For sure matatagalan si Rongie." Kukunin ko na sana yung platito na may apple ng inilayo niya ito.

"Susubuan kita" napakunot ang noo ko.

"Kaya ko na. Akin na" pilit kong inaabot yung plato pero ayaw niyang ibigay sakin.

"Wag na ngang matigas ang ulo! Susubuan kita!" Angal niya bago kumuha ng isang piraso at inihaya malapit sa may bibig ko. No choice kaya sinubo ko na rin ito.

"Bakit ka ba kasi nilagnat. Siguro nagpapalipas ka ng gutom no. Ikaw yung laging nagsasabi na dapat healthy yung kainin ko pero ikaw pala tong pabaya sa sarili mo" pangangaral niya sakin. Psh. As if you care.

"Wala ka namang pake sakin diba. So bakit mo to ginagawa?" Matigas na sabi ko. Nakakapanibago kasi.

"Tanga ka ba? Kung wala akong pake sayo tingin mo pupunta ako dito kahit may klase pa kami? Tingin mo babantayan kita at pakakainin kung wala akong pake?" Nagulat ako sa sinabi niya at.....umasa. Ano pa nga ba? Tss. Pero konti lang naman!

"Bakit? Bakit ka nag aalala?" Hope. Hoping he'll say he feel the same

pero....

"Dahil kaibigan kita" i sigh. Right. Kaibigan niya nga naman ako.

Sorry Ha? Mahal Kasi Kita ANGST [Chester Lapaz & Sean] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon