A/N: OKAY. CHESTER LAPAZ JUST FOLLOWED ME BACK ON TWITTER!😱 OMYGHÀAAD DI KO MACONTAIN ANG FEELS KOO💛😱. BTW HAPPY 20K LANGGA💕 LOVEYOU SO MUCCHH. Ok... enough. Masyado naaaa HAHAHA😂
[Chester's POV]
Nandito lang ako sa kwarto ko nagpapahinga. Medyo nawala na yung sakit ng ulo ko. Napangiti ako ng maalala ko si Sean... straight pala ha. Pfft. I recall what happen earlier. Yung mga sinabi niya, yung actions niya, lahat. I can't help smiling, first time ko kasing makita na nagaalala siya para sakin, na he cares for me.
Kaso pagnaaalala ko si Kurt, naguguilty ako. Am i taking him for granted? I hope not. May narinig akong nag uusap sa labas bago bumukas yung pinto. Nanlaki yung mata ko."Sean?" Gulat na bulalas ko sa pangalan niya. Bat naman siya pupunta dito? Teka bat ansaya ko gagi.
Ngumiti siya. Ngumiti ulit siya? Shocks.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong niya habang nalapit sa bed ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko bago hipuin ang noo ko.
"Sinat nalang, buti naman" napabuntong hininga siya bago hinawakan ang kamay ko.
"Next time ingatan mo na ang sarili mo ok? Pinag aalala mo ako" he said warmly. The way he speak is so soothing. Nakakakalma.
"Hmm." Tumango nalang ako. Maya maya bumukas nanaman ang pinto at pumasok si manang ng nakangiti. May dala itong plate ng pizza at orange juice.
"Kumain na muna kayo. Pinaghanda ko lang, dala yan ni Sean" napatingin ako kay Sean. Dinalhan niya ako ng food? Bago yun ah. Ako kasi ang gumagawa nun.
"Maayos na ba pakiramdam mo iho? Tumawag ang mommy mo, nag aalala sayo" hinimas niya ang buhok ko.
"Ayos na ako manang. Salamat" nakangiting sabi ko. Nginitian niya ako pabalik bago magpaalam na bababa na para maglinis.
Naiwan ulit kami ni Sean. Napabuntong hininga ako. Ano bang sitwasyon namin? Naguguluhan kasi ako.
"Sean" tawag ko sakanya.
"Hmm?" He responded bago lumapit sakin.
"B-bakit mo ba ginagawa to?" Umiwas siya ng tingin.
"Hoy sagutin mo!" Nakapout na sabi ko.
"Kasi..... nagaalala ako sayo" namumulang sabi niya. I smiled.
"Talaga? Himala" natatawang sabi ko pero sumeryoso yung mukha niya.
"Chester sorry" ngumiti nalang ako kahit di ko alam kung para san yung pag sosorry niya. Kung para ba to sa mga ginawa niya sakin non? Ayaw ko pang pagusapan....
"Haha eto naman masyadong seryoso. Kumain nalang tayo" ngumiti ako bago siya tumango. Kinuha niya yung pizza at binigyan ako ng slice. Kumain kami ng tahimik sa kama. Ayoko namang maawkward kaya binuksan ko yung tv.
"Adventure time" masayang sabi ng katabi ko ng makitang yun ang palabas sa cartoon network. Napailing nalang ako bago nanood. Kahit kelan talaga Sean....
Seryoso lang siyang manood tas matatawa pag may nakakatawang scene. Nagfocus narin ako sa panonood bahang nakain. Halos mag iisang oras narin kaming nanonood ng may maramdaman akong ulo sa balikat ko.
"Pasandal lang. Ngawit na ako eh" mahinang sabi niya habang nakatutok parin sa pinanonood.
"Bat di ka humiga? Gagawin mo pa akong sandalan" nakapout na sabi ko pero tinawanan niya lang ako. Bwesit to ah. Kung di lang kita mahal---- grr sabi ko titigilan ko na to. Maybe its better to stay like this.... As friends? Yeah friends.
■■■■■■■■
[Sean's POV]
Nakasandal lang ako kay Ches. Ang saya ng ganto... relaxing, wala kang iniisip. Napaisip tuloy ako. Kung noon ko pa ba to ginawa ano kaya kami ngayon? Napabuntong hininga ako. Ngayon pa Sean, ngayon pang umaaligid na si Kurt sakanya. Psh, i shrug the thoughts off. Nahihibang na nga ata ako. Bakit ko ba kasi naiisip tong mga to? Di ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko.... nagsisisi ako. I regreted pushing him away from me. I regreted treating him that way. Naiinis rin ako sa sarili ko para maramdaman to. Fvck.
"Natahimik ka?" Halos pabulong na sabi niya. Ngumiti nalang ako. Kung alam mo lang Ches...
"Wala to wag mo nalang pansinin" sabi ko kaya napatango nalang siya.
"Anong oras na, di ka pa aalis?" Takang tanong niya. Oo nga pala 9:40 na. Tumayo na ako at ginulo ang buhok niya.
"Sige Ches alis na ako. Matulog ka na ha? Pagaling ka na rin." He smiled.
"Salamat. Ingat sa byahe" i nodded then get my car keys sa side table. Last look kay ches, bago ko sinarhan yung pinto.
Nakangiti ako pababa sa hagdan pero nawala ito ng makasalubong ko si Kurt. Tiningnan niya ako ng masama.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagalit na sabi niya.
"Chineck ko lang ang kalagayan ni Ches" i bluntly ask. He smirk.
''Last time i check wala ka namang pake sakanya. Bakit ganyan ka makaasta ngayon?" Umiwas ako ng tingin. T-tama naman siya...
"Pake mo ba?" Iritang sabi ko nalang bago bumaba. Bwesit yang hito na yan. Nakakainis pota.
"Oh iho aalis kana?" Bati ni manang sakin.
"Opo nang. Una na po ako" magalang na sagot ko dito. Nginitian niya ako.
"Ingat ka ha? Tawagan mo agad si Ches pag nakauwi ka. Magaalala yung nobyo mo" natatawang sabi niya kaya napailing nalang ako.
Nobyo? Tss. Si Kurt ang jowa nun manang, hindi ako. Psh.
■■■■■■■
A/N: walang kwentang chap ahahaha. Wala di na yata nag fufunction ang utak ko. Di parin kasi ako makaget over sa pag followback sakin ni Ches sa Twt HUHUHUHU.
BINABASA MO ANG
Sorry Ha? Mahal Kasi Kita ANGST [Chester Lapaz & Sean]
Fanfic"PUTANGINA DI KA BA NAGSASAWANG SUNDAN AKO?" -------Sean "Sorry ha? Mahal kasi kita"-------Chester Chester Lapaz & Sean Cyruz Story HIGHEST STORY RANKINGS #1 chesterlapaz #1 kurtbautista #1 vishnuisles #1 wattpadfiction #5 angstwithhappyending Than...