1 : Sudden Attack

87 6 9
                                    

"Ah choo!" I wipe off my nose with my handkerchief, it's been four days since nagkaroon ako ng sipon at panay na rin ang pagsakit ng ulo ko nitong mga nakaraan na araw. Hindi ako pwedeng magpacheck- up dahil sipon lang naman ito.

Kaya ginagawa ko palagi ay umiinom ng warm water at nilalagyan ng honey. Noong bata pa kasi ako, ganoon ang ginagawa ng lola ko na ngayon ay pumanaw na.

Tinignan ko ang aking wrist watch at laking gulat ko na almost eleven pm na nang gabi. Ginabihan nanaman ako ng uwi. Lagot ako nito sa landlady.

Malapit na akong dumating sa apartment na tinitirahan ko dahil tanaw ko na ang malaking building na may maraming balcony.

Napatigil ako nang biglang may narinig akong tunog ng baril na putok.

Kailangan ko nang pumasok bago may maabutan pa akong nagrarambulan na mga kalalakihan dito. Madalas kasi may mga binata o di kaya kahit nasa mataas na edad na lalaki ang naghahabulan malapit dito sa apartment. Nakuha pa nilang magtakbuhan sa ganitong oras palibhasa mga lalaki, puro away ang ginagawa sa buhay.

Naalala ko noong unang gabi ko dito sa apartment, may mga lalaki na naka black lahat at may dalang mga baril, may hinahabol sila at kitang-kita ng dalawang mata ko yung lalaki na binata ay lubos na ginulpi ng mga men in black. Naawa ako doon sa lalaki kaya sinumbong ko sa landlady pero ang sabi niya saakin ay masanay na raw ako sa ganoong pangyayari dahil madalas talaga mangyari yun sa mismong harap ng apartment. Yung lalaki na nagulpi ay estudyante sa high school dahil nakita ko ang suot niyang uniform, may malapit kasing paaralan dito. Hindi nakatulong yung landlady kaya police na lamang ang tinawag ko, buti dumating sila on time.

"Aray!" Nahulog ang cellphone ko sa aking paa dahil may bumangga sakin na lalaki.

Pinulot ko ito at tinignan ang lalaki ng masama dahil hindi man lang nag'sorry'. Confusion written on my head nang nakita ko ang lalaking bumangga sakin na nagmamadaling tumakbo papasok sa apartment.

Doon ba siya nakatira? Parang gangster na miyembro yun ah, wala naman akong nakikitang tenant na ganon simula nang nanirhan ako dito.

Baka hindi ko lang nakikita siya, hindi ata palagi lumalabas. May narinig akong maraming footsteps mula sa likod ko na para bang kagagaling lang sa takbohan.

"Miss, may nakita ka bang lalaki na dumaan dito?" Humarap ako sa kanila at nagulat dahil ang dami nila, mga sampung mga malalaking katawan na lalaki, lahat naka black at yung iba nakamask sa mukha.

Biglang nanginig ang aking tuhod dahil sa sobrang takot nang dumako ang aking tingin sa hawak ng lalaki na nasa harapan ko na nagtanong sakin kanina, baril?

Lumunok ako at napaatras ng kaunti ang kaliwang paa ko. Lahat ng tingin nila ay nakatoon sakin.

"W-Wala-..." bigla kong naalala ang lalaki kanina na nakabangga sakin, siya kaya ang hinahanap nila? Kung ganoon baka mamatay yung lalaki pag sinabi ko ang totoo na may nakita nga ako at pumasok siya sa apartment.

Iniling ko ang aking ulo at sumagot "wala akong nakita, baka nagkamali lang kayo ng daan." Grabe makatingin itong nasa harapan ko, hindi ba marunong ngumiti? Men in black rin sila, parang yung mga lalaki na nakita ko three years ago.

"Doon kayo! Yung iba sumama sakin dito sa kanan, maliwanag!?" Lahat nagsitanguan sa sinabi ng lalaki na nasa harapan ko, siya ata ang leader ng gang na ito.

Umalis na sila at nagmamadali naman ako na pumasok sa apartment.

Sasabihin ko ba sa landlady ang lalaki na nakapasok dito? Teka lang... kung pumasok siya dito at hinahabol lang ng mga lalaki na yon, ibig sabihin hindi siya nakatira dito, nagtago lang kaya pumasok pero saan naman siya magtatago dito, eh lahat naman lock ang mga units.

Bakit ko ba inaalala yong lalaki na yon. Baka may kasalanan kaya hinahabol, hindi naman siya mukhang mabait.

"Heidi!" Lagot, yung landlady.lumingon ako sa likod kung saan ko narinig ang pagtawag niya sakin.

"Magandang gabi ho Mrs. Faren"

"Dis oras ng gabi ka nanaman nakauwi. Iwas-iwasan mo umuwi ng ganitong oras, alam mo na ngang maraming mga kalalakihan ang naghahabulan malapit lang dito"

"Opo, sorry late ho akong dumating. Pina overtime kami ng boss namin sa store dahil may importante ho kasi siyang pinuntahan"

"Osiya! Pumasok ka na!"

"Sige ho, good night Mrs. Faren"

Hinawakan ko yung doorknob dahil ipapasok ko yung key card nang umawang nang kaunti yung pinto.

Nakabukas?

Tinulak ko ito at mas lalong bumukas ng malapad. Pumasok ako ng dahan-dahan at tinignan ang doorknob nang mabuti kung sira ito at naloosen kaya nabuksan.

"Nakabukas talaga, Baka may magnanakaw. Kailangan kong sabihin kay Mrs. Far--" lumaki ang aking mata nang may kamay ang tumakip sa bibig ko mula sa likod ko.

"Shh... Don't do reckless things if you don't want having injury or worse dead" sino to? Bakit may lalaki sa loob ng apartment- shocks!

Siya ba yung lalaki na pumasok dito? Kung minamalas nga naman ako, ngayong gabi pa. Pagod na nga ako't lahat, nangyari pa 'to.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko sinyales na hindi gagawa ng kahit ano, baka saktan pa niya ako.

"Close the door and make sure to lock it" at narinig ko ang yabag niya paalis.

Ano ako utos-utosan niya? Siya na nga tong basta't pumasok sa hindi niya apartment.

Pagalit na sinara ko ang pintoan at nilock.

Naglakad na ako papasok at nakita siyang nakahiga sa sofa habang yung kanang braso ay nakatakip sa mata niya, alam niyo yung ginagawa ng lalaki pag nakahiga or tulog.

"What are you lookin' at?" Paano niya alam? Nakatakip naman yung mga mata niya.

"Excuse me tresspassing boy! Kung makasalita ka at makahiga dyan, bahay mo ba ito? And I am not looking at you" Alam kong siya yung lalaki na hinahabol, dito pa talaga sa kwarto ko nagtatago.

"Shut your mouth" cold tone na sabi niya. Naririnig ko palang ang boses niya at yung pananamit niya, mas lalong nagmumukha siyang miyembro ng gang.

"May gana pang magalit. For your information, hinahanap ka ng mga ka-gang mo kanina. Pasalamat ka hindi ko sinabi na nandito ka nagtatago sa loob ng apartment. Kitang-kita ko na tumakbo ka papasok" tumalikod ako at lalakad sana papuntang banyo para makapagpalit ng damit at maghuhugas nang magsalita siya.

"Did they saw your face?"

"Malamang, nagtanong sila at ako lang yung nasa labas. Anong iniexpect mo, nakatalikod ako habang sumasagot sa kanila, disrespectful yun at baka barilin pa nila ako, ang dami pa man nila" with that pumunta na ako sa banyo at hindi hinintay ang sasabihin pa niya.

I'll let it pass, hayaan ko na dito siya magtago pero ngayong gabi lang, maabutan pa siya ng landlady dito.

____

This is a work of fiction. Names, characters, places, business, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

¤¤¤

"You do know that Plagiarism is rude and a crime too " - Yours truly

Cover by: WhenAutumnFalls_ thank you for the cover po

EYE REVENGE {ON HOLD} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon