Pagsapit ng alas kwatro ng umaga, nakaupo si Zane at tinignan ang kabuoan ng kwarto at tumigil ang mga mata niya sa natutulog na dalaga. Naalala niya bigla nung nanaginip ito, rinig na rinig niya ang sinasabi niya at nanginginig ang buong katawan. Gigisingin niya ito sana kaso biglang bumangon at sumigaw.
Samantala kagabi, pagpasok ni Heidi sa apartment ay bumalik ulit sa harapan ng apartment ang kanilang leader at napagtanto na malabong makaalis nang malayo si Zane.
"Boss, nagtago ata sa loob ng apartment na yan ang Dalton na yun" tumingin naman ang kanilang leader sa malaking building na apartment at ngumisi.
Dali daling bumaba si Zane sa hagdanan pero nahila niya ang sariling katawan upang magtago sa dingding nang masilip niya through the glass door ang mga tauhan ng Crimson Gang, siguradong-sigurado siya na yun yung mga lalaki na humabol sa kanya kagabi.
Itinaas niya ang hood ng jacket niya upang matakpan ang ulo at tumungo para itago ang mukha.
Ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng jacket sa harap at may hinawakan na bagay. "Time to say goodbye" bulong niya. At naglakad palabas kasabay ng paglabas ng gamit mula sa bulsa, ang baril.
Parang maangas na naglalakad at walang pag-iisip na binaril ang apat na tauhan, na noo'y natutulog sa sahig at naging bangkay ngayon. "Sleeping as*h*le"
Nag-inat muna ng katawan si Heidi pagkagising bago iniligpit mabuti ang higaan. Binuksan niya ang bintana at ngumiti sa nakita na view ng mga building sa labas. "What a good morning talaga, ang sarap magkape ngayon" masayang pumunta siya sa banyo dirediretso na hindi man lang napansin ang sofa na hinigaan ng binata kagabi.
Pagkatapos ng isang oras ng paghilamos at linisin ang katawan kasama na ang pagbihis at suklay sa buhok ay tumungo na siya sa kusina upang mag-agahan. Wala siyang trabaho ngayong araw dahil day off niya kaya ang saya- saya niya.
"Zane!" Masayang tinapik ni Vaughn ang kanyang pinsan na si Zane.
"Nasa loob si Tito, sabihin mo na ang full detail naplano ng mga kalaban. He's waiting" tinignan niya ang pinsan bago pumasok sa hall kung saan nagaganap minsan ang meeting ng buong clan o pamilya.
Yumuko siya ng konti sa pinuno o kanyang ama. Sila lang dalawa ang tao sa loob ng room na yon.
"Ano ang plano ng Crimson Gang?"
"They want to demolish Dalton Clan by killing or attacking first the Silverstone Org. And have one reaper to interrogate about us in order to do their main plan well. They'll be starting today, just waiting for the signal of their master" biglang tumawa ang pinuno sa narinig.
"As expected, hindi pa rin nagbabago si Rupert. Gustong- gusto mapabagsak ang ating angkan" tinignan niya si Zane.
"Ano pa?" Tanong niya.
Umiling lang si Zane "that's it"
Ngumiti nang paunti-unti ang pinuno "Magaling Zane Hash Darkley Dalton" napatingin naman ang binata sa ama dahil nabigla na tinawag siya sa buong pangalan at iyon ang kauna-unahang tinawag siya nito ng ganon.
"Bigla ko tuloy naalala ang mama mo. Gustong gusto niya na balang araw magagawa mo ng success ang misyon at ngayon na araw mangyaya--" naputol ang sasabihin niya dapat dahil sa pagbukas ng malaking pinto.
BINABASA MO ANG
EYE REVENGE {ON HOLD}
RandomA girl in which accidentally cross path with a mysterious guy in her apartment that night when she came home from work. It was the night she would never forgot because that was where her life changed, her life was in danger because of him. Little...